Ahas

975 22 0
                                    


MANUEL genuinely liked Jane.

She was simple, she was perky, she was smart. In fact he really considered her as a friend.

Until her accident happened. At nasalin sa katawan nito ang golden blood.

"Matagal ko nang alam na bampira si Murray," sabi niya, kumportableng nakaupo sa sofa, habang pinapanood ang pagdaloy ng dugo ni Jane patungo sa blood bags. "High school pa lang kami. Sa 'kin niya sinabi. Ako lang kasi ang tinuturing niyang best friend niya."

Tahimik si Jane, tila nakikinig lang sa kanya.

"Of course alam mo naman na hindi lang pakikipagkaibigan ang gusto ko sa kanya," sabi ni Manuel, natawa. "I want to be more than that. I want to be his partner... his... his vampire bride."

He cocked his head into the right. "Pero ayaw niya akong kagatin. That would make me his partner at ayaw niyang gawin iyon. Sabi niya, hahanap siya ng taong may golden blood. Dahil kapag kinagat niya ang taong iyon, magiging mas makapangyarihan siya," pagkukuwento ni Manuel. "And then after your accident, nang maisalin sa 'yo ang golden blood, Murray just couldn't stop talking about you."

"Wala akong alam diyan, Manuel," sabi ni Jane, umiling. Binasa nito ang nanunuyot na mga labi nito gamit ang dila. "Wala akong kasalanan. Maawa ka sa 'kin..."

Napailing na lang si Manuel. "Don't cry Jane, you'd lose your fluids."

"Manuel--"

"Of course I know na hindi mo alam na gusto ka na ni Murray. Hindi naman niya sinasabi sa 'yo, eh. All eyes ka kasi kay Jep. Sa 'kin niya sinasabi. Paulit-ulit niyang sinasabi. Nakakabingi na. Sinasabi niya na taglay mo na ang golden blood at kapag kinagat ka niya..." Manuel smiled. But he was going to cry soon. He knew that. "Kapag kinagat ka niya, magiging okay na ang lahat."

Naglayo siya ng tingin. "I was devastated," pagpapatuloy niya. "Kasi akala ko, kahit tinatanggihan niya ako, ako pa rin naman ang gagawin niyang partner niya sa huli. Ako pa rin ang unang taong kakagatin niya." Tumingin siya kay Jane. "You ruined that dream for me."

Umiling-iling si Jane. "No, Manuel, no..."

"I sent you those threats. Nakonsensiya din naman ako. I mean, you're my friend. Itinigil ko din. Binalak kong 'wag nang ituloy. Tapos, no'ng magkakasama pa tayo nina Brent sa mall, no'ng naging super protective sa 'kin si Murray... inakala ko na nagseselos siya. Nakadagdag pa 'yong eksenang nagalit si Murray nang ibigay sa 'kin ni Brent at Jethro 'yong bulaklak na para sana sa 'yo... I thought, I didn't need to drain your blood and have it. It was obvious that he feels something for me."

He paused. Tapos ay napailing siya. "But I was so wrong..."

Naalala ni Manuel, ang saya saya niya ng araw na pinagselosan ni Murray ang mga bampira. Pero kinagabihan, tumawag sa kanya si Murray...

"I need to have Jane, Manuel. I need her."

"Murray..." iyon lang ang nasabi niya.

"I can't... I can't see myself with anyone else... biting anyone else... but her. I want someone with a golden blood. I really want... I really want her."

Gusto sanang sabihin ni Manuel na paano siya, paano ang damdamin niya dito na umabot na yata ng isang dekada? Itatapon na lang ba nito iyon? Dahil kay Jane? Siya ang nakasama nito sa matagal na panahon. Siya ang nagmahal dito ng ilang taon pero eto, sinasabi nito sa kanya na hindi nito kayang mabuhay nang wala ang isang tao.

Manuel wanted to say all of that. But he couldn't. So he just said. "I wish you the best, then."

"After that I started sending threats to you again. This time, I am more serious. Pinlano ko ang lahat. Pinaniwala ko si Murray na tingin ko si Jethro ang nagpapadala ng threats. Pinlano ko namang sabihin kay Jep na si Murray ang nagpapadala ng threats. Tingnan mo kung ano'ng nangyari. Ipinagkatiwala ka nila sa 'kin. Masasabing sinuwerte din ako, Jane, eh." Natawa siya. "Ngayon, kukunin ko ang golden blood mo, isasalin ko sa sarili ko ang hopefully... hopefully makuha ko na si Murray."

Jane shook her head. "Iniwan natin sila na balak nilang maglaban. Paano kung si Murray ang matalo, ha? Ano'ng gagawin mo? Paano kung mapatay ni Jep si Murray?"

"Matagal nang sinasanay ni Murray ang mga kakayahan niya bilang bampira," kaswal lang na sabi niya. "Alam kong siya ang mananalo sa labanang 'yon."

"No, Manuel, listen to me," sabi ni Jane. He had sensed desperation on her voice. "Hindi mo alam kung hanggang kailan ka susuwertehin. Itigil mo na 'to. Itigil mo na 'to hanggang may pagkakataon ka pang gawin 'yon. Manuel, parang-awa mo na, itigil mo na 'to."

"Don't tire yourself out, friend," he said. "You're just going to put yourself through more pain."

After hearing that from him, Jane probably realized that he wasn't going to stop his plans no matter how hard she begged. So she did the only thing she could do at that moment--sob.

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon