Ang Kuwento ng Dakilang Talong

1.8K 59 13
                                    


HUWEBES. Kasama ni Jane na maglunch sina Manuel at Murray dahil nagkataong sabay ang break nila kapag Huwebes. Kumain sila sa fast food chain malapit sa school, ikinukuwento niya sa mga ito ang mga nangyayari sa kanya sa mga nakalipas na araw.

Halatang tuwang-tuwa naman si Manuel. Si Murray ay halatang interesado din, hindi mahiwalay ang tingin sa kanya habang nagkukuwento siya.

"Bongga ka naman, Jane!" sabi ni Manuel, todo hampas sa kanya sa balikat.

"Aray, ha? Magkakapasa na 'ko, ah?"

Natawa si Manuel. "Sorry naman!" he said. "Kita mo, o. Dati, nagrereklamo ka na 'di ka pinapansin sa campus na 'to, pero ngayon... pinag-aagawan ka na ng mga heartthrob. Ang haba ng hair mo, tatanggihan ng mga bakla sa parlor kapag gusto mo magparebond."

Natawa si Jane. "Isang lalaki lang naman ang pangarap kong makuha ang atensyon, eh..." sabi niya, pumasok sa isip ang mukha ni Jep.

"At nakuha mo na," sabi ni Manuel. Napabuntong-hininga ito. "Ako rin, eh. Isang lalaki lang ang gusto kong makapansin sa 'kin." Tumitig ito kay Murray. "At buti na lang gusto niya rin ako." Todo kapit na ito sa balikat ni Murray.

Sumimangot naman si Murray, pero hindi naman umangal. Tingin niya, sa huli, magkakatuluyan din ang dalawa.

NAKAPILA si Jane sa borrowing section ng library para sana manghiram ng libro. Nanahimik lang siya kaya nagulat siya nang may kumalabit sa kanya.

Si Jethro, may dala ding mga libro. Napabuntong-hininga siya. Mukhang dahil sa magpipinsan ay hindi na matatahimik ang buhay niya.

"I like Cujo," sabi nito, tinutukoy ang librong hihiramin niya. "It's good. It's not just horror. It has a heart."

Sino ba namang bookworm ang ayaw ng book discussion? Agad na napangiti si Jane. "Talaga? I've seen the movie--"

"The book is nothing like the movie. I mean, the movie is good, pero the book is so much better. And the ending is different. The book's ending will really haunt you."

Tuwang-tuwa naman si Jane. Masaya talaga siya kapag may nakakausap tungkol sa mga libro.

"Alam mo, bakit kasi hindi tayo magdinner sometime?" sabi ni Jethro. "We can talk about books--"

"Ano 'yan, ha?" may nagsalita, sa tono na may intensyon talagang mang-istorbo.

Sino pa ba? Si Jep.

Sumimangot si Jethro, bumaling sa pinsan nito. "You are everywhere."

"Kanina pa 'ko dito. Do'n ako sa dulong-dulo kaya di n'yo ko napansin." Kuntodo turo ito sa dulo ng library.

Umangat ang kilay ni Jethro. "Ano namang ginagawa mo dito?"

Nagpatay-malisya si Jep. Sa kanya na nakatutok ang mga mata nito. "Mag-merienda tayo pagkatapos mong manghiram, ah?"

Agad na tumango si Jane. Because she had to admit, she wanted Jep more that meaningful book discussions. Nakita niyang tila na-upset si Jethro, pero wala naman siyang pakialam.

Kuntodo dikit na sa kanya si Jep. Binubunggo pa si Jethro kapag nagtatangkang lumapit sa kanya. Kapag magsasalita si Jethro para magsimula ng book discussion, sasabad si Jep, magkukuwento tungkol kay SpongeBob.

"Childish," Jethro would mutter under his breath.

But adorable just the same--for Jane at least.

NASA pastry shop sila nang sabihin ni Jep sa kanya na, "'Wag ka nang pupunta ng library, lagi talagang ando'n si Kuwago."

Napa-ha lang siya, nakatitig kay Jep, natigil sa pagsubo ng cheesecake.

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon