Part 5

2.8K 139 2
                                    

MADDIE's POV

Inilapag ko ang dala kong backpack at pabagsak akong naupo sa sofa.

'Aaaaahhh. I am sooo tired.' Sabi ko sa hangin

'Ah Maddie, ari gang gamit mo ay iaakyat ko na sa kwarto?' Tanong sa akin ni yaya Ninay

'Yes yaya Ninay please. Pero ako na magaakyat ng backpack ko magpapahinga lang ako saglit.' Sagot ko habang nakapikit ang mata sa sala

'Why do you look so tired anak? It's not like galing kang ibang bansa to be jetlagged?' My mommy Lorrie said

'Kapag pagod sa byahe balikbayan na agad? Hindi ba pwedeng stressed lang ganyan?' Sagot kong pabiro

'There you go. You and your smart mouth! Eh sino ba kasing nagsabi na magpunta ka dito sa Manila? Ako ba? Ikaw ang nagdecide nito dba so deal with it!' Sagot naman ng nanay ko

Hindi kami nagaaway. Ganto lang talaga kami magusap. Parang bestfriends. Mejo maaga kasi nabuntis ng daddy ko ang mommy ko. Kaya bata pa talaga xa, Sila ng Daddy ko. Buti na lang tinanggap sila ng mga magulang nila kahit ganun ang nangyari kaya happy family pa din kami.

'I am left with no choice. I want to get away from Tyrone and Keisha. I do not want to see them like ever again!' Sagot ko at bumalik na naman lahat ng sakit sa dibdib ko

'Haii anak. I hope you will get over with it soon. Anyway, i have arranged everything with your new school. Buti nga at kahit nagumpisa na ang first sem ay tinanggap ka pa din nila.' My Mom trying to change the topic

Hindi din kasi niya kayang makita na nasasaktan ako kasi alam ko na nasasaktan din sya. Boto sila ng daddy kay Tyrone so he did not just broke my heart. He broke their hearts too.

'Thanks a lot mommy! That means a lot to me. Saka i can't see any reason why they wouldn't accept me! Baka nga priviledge pa nila na maging estudyante ako!' Mayabang kong sagot

'Hahaha. Loko ka talagang bata ka. Oh cge na, go get change so you can eat and take a rest.' Natatawang sagot ng nanay ko habang ginugulo ang buhok ko

Umakyat na ako sa kwarto ko. Namiss ko din to! Every summer naman ay nagsstay talaga ako dito sa Manila to be with Mom and Dad.

My Parents are from Camiguin but my Dad was able to get a plantation business in Bukidnon. Eh dahil mas magandang tumira sa city, he bought a house in CDO at dun na nga ako nagaral. Lumaki ng Lumaki ang plantation business ng Daddy ko and most of his clients are here in Manila saka outside the country kaya mas nagsstay sila dito kesa sa CDO.

Going back sa current situation. Ayun na nga, i took a quick shower and went down to eat lunch with my Mom.

After eating, my Mom gave me an envelope with all the papers i'll be needing for the university.

'Mom, i really thank you for this! Promise i will never disappoint you'

'Anak, your dad and i are not asking for too much. Kaya nga kami nagtatrabaho para maging madali ang lahat para sa iyo. Ang gusto lang namin i-enjoy mo ang kabataan mo kasi hindi namin un nagawa. I mean, masaya naman ako na nagkaron kami ng anak but still....i know you get my point.' Malumanay na sabi ni Mommy

'Of course I do mom. It's just that after all that happened. Ayaw ko na muna ulit magtiwala. Magfofocus na lang ako sa academics ko and other curricular stuffs pero hindi na muna ako makikihalubilo sa ibang tao' nakayukong sagot ko

'I hope you will change your mind anak. Wag mong isarado ang puso mo dahil lang minsan kang nasaktan. Hindi lahat ng lalaki ay kaparehas ni Tyrone at hindi lahat ng kaibigan ay katulad ni Keisha' paalala ng aking ina

'I know that Mom but still..i wouldn't let my guard down this time.' Desidido kong sagot

Nagbuntong hininga si Mommy 'hai! Oh cge na, magpahinga ka na. Gisingin na lang kita for dinner para makapag hi ka naman sa daddy mo.'

'Thanks mom! You're the best!' Sabay kiss sa kanya at umakyat na nga ako sa aking kwarto.

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon