Part 32

2.3K 147 11
                                    

When Ethan opened the door to their house napa gasp ako.

Ang ganda! As in maganda talaga. Parang hotel.

I mean, malaki ang bahay namin and I love our house but Ethan's house is just unbelievable. Hindi super laki ng bahay nila but everything looks so expensive.

From the carpet sa receiving area. Sa chandelier. Sa tiles na ginamit. Parang pang royalty. Ganung level.

Hindi ko napansin na nakalapit na pala ang pamilya ni Ethan.

'Mom, Dad, meet Maddie. My girlfriend.' Pagpapakilala sa akin ni Ethan sa nanay at tatay niya.

I offered my hand for them to shake pero hindi ibinababa ng mommy niya ang kamay ko.

'Don't be so formal anak. Come here, give me a hug.' Nagulat ako sa sinabi ng mommy niya.

Anak agad? Jusko.

Ano ba tong pinasok ko.

As asked, lumapit ako sa mommy ni Ethan and hugger her. I did the same to Ethan's dad who opened his arms for me.

'You have a very beautiful home po Ma'am, Sir.' Bungad ko sa kanila.

'What Ma'am, Sir? Call us Mom and Dad na din hija.' Sagot ng mommy ni Ethan.

Naaa. Paktay na talaga.

Gantong ganto yun eh. Ganto sina Mommy and Daddy nuon kay Tyrone. Kaya nung naghiwalay kami super nasaktan din sila kasi minahal nila sya as their own din.

'Naku. Nakakahiya naman po. Pwede po bang Tita and Tito po muna. Hehe. Masyado pong advanced ung Mom and Dad.' Nahihiya kong sabi sa Mommy ni Ethan.

'Ooh. I am sorry hija. Don't be pressured into marrying into our family. Naku. Sobrang saya ko lang at atlast, may pinakilala na si Ethan sa amin.' Nahihiya ding sagot ng mommy niya. Parang natataranta.

Wag po kayong mag-alala. Hindi po talaga kami aabot ng kasalan. 86 days na lang po. Sa isip isip ko.

Paglingon ko kay Ethan, napapakamot na lamang ito sa kanyang batok.

Masaya ang pamilya ni Ethan. Nagtatawanan. Nagkkwentuhan. I saw Ethan in a different light.

Different from the boy at school who is so full of himself. Dito sa bahay nila, sobrang cool lang niya. Laging nakangiti.

I hope I'll see this side of Ethan more often.

Naenjoy ko ng sobra ang dinner with his family. Medyo naguguilty lang ako kasi parang niloloko namin yung mga tao sa paligid namin.

Siguro napansin ni Ethan ang pag-aalala ko.

'You okay Maddie?' Tanong ni Ethan pagkalabas namin ng bahay nila

'O-oo. Okay lang.' sagot ko naman.

'You don't sound okay. Is there a problem?' Mahinahong tanong ni Ethan sa akin

'I'm really okay Ethan. I really enjoyed the time with your family. You have a very beautiful family Ethan.' Sagot ko naman sa kanya

'Thanks.' Matipid niyang tugon

'D-Don't you feel guilty?' Nag-aalangang tanong ko sakanya

'I knew it. Is that what's bothering you?' Nababahalang tanong niya.

Hawak ni Ethan ang kamay ko at ginaya niya ako papunta sa likod bahay nila.

'Let's talk first.' Sabi sa akin ni Ethan.

Pinaupo niya ako sofa na nakapwesto sa lanai ng bahay nila facing the pool area.

'I'm sorry Maddie if I dragged you into this.' Nahihiyang sabi sa akin ni Ethan.

'Nooo. Don't be sorry. You have helped me a lot and I wanna help you too.' Pag assure ko sa kanya.

'Just let me know if you do not want to do this anymore or if I am being too much.' Kita ko naman ang sinseridad mula kay Ethan

'No Ethan. Everything is alright. Just 86 more days and we'll be alright. Medyo naguilty lang ako kanina cause I can see how happy your Mom and Dad was.' Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

'Yeah. In less then 3 months you'd be free Maddie. So please bare with me. Yeah?' I am not sure what I have heard in Ethan's voice. Parang hindi sya masaya na kaunti na lang at matatapos na ang pagpapanggap namin.

I tried to make our conversation lighter.

'Hi, boyfriend!' Inoffer ko ang pinky ko sa kanya.

Tiningnan niya lang muna iyon, saka niya inabot ng hinliliit din niya. We locked our pinkies as if we made a promise to each other. What about? I am not sure but I guess we now have that understanding na simula ngayon, papanindigan namin kung anong napagkasunduan namin.

'Hello, girlfriend.' He smiled. Finally.

'C'mon. I'll take you home.'

He offered me his hand.

When i took it, hinila niya ako papalapit sa kanya. At inakap.

Nagulat ako sa gesture na yun ni Ethan but I did not complain.

'Ehem!' Biglang tikhim ni Laureen.

Naitulak ko tuloy ng bahagya si Ethan and he somehow outbalanced at tuloy tuloy siyang nahulog sa pool!

Nagtawanan kaming dalawa ni Laureen.

Nakitawa na din si Ethan sa amin. While Laureen and I are laughing so hard hindi ko namalayan na nakaakyat na pala si Ethan. Naramdaman ko na lang na may basang nakapulupot sa akin and then ....

Splash!

Niyakap ako ni Ethan at tumalon sa pool. Aba hindi naman ako papayag na ako lang. Kinindatan ko si Ethan and I guess naintindihan niya agad ako.

Nagpanggap akong hindi marunong lumangoy at kunwari ay nalulunod na ako. Mukhang hindi naniniwala si Laureen pero nung umarte na din si Ethan na sinasagip ako nagpanic na si Laureen.

'Here. Here. Let me help.' Iniabot ni Laureen ang kamay niya kay Ethan na kunwaring iniaangat ako mula sa pool.

When I got the chance, inabot ko ang kamay ni Laureen at hinila na rin sya.

Damay damay na to. Tatlo kaming basang basa na parang mga batang naglalaro sa pool.

This is one of the happiest days I have been. Yung hindi man lang sumagi sa isip ko yung mga nangyari sa akin the past months. I'm really thankful of these 2 people na kasama ko ngayon.

I promised myself na I will only be happy from now on moving forward.

Sabi nga ni Derek Ramsey sa pelikulang 'and I love you so.'

"SUFFERING IS A CHOICE, HAPPINESS IS YOUR OPTION."

And I am choosing Happiness. ❤️

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon