Part 87

2.6K 149 29
                                        

Hindi pa ako natatapos magbihis. Sinabihan na ako ni Yaya Ninay na naandyan na si Ethan sa baba.

'Pa-prepare na lang po ng breakfast yaya. Saka pakisabi pababa na din po ako.'

'Oh sige.'

Maya-maya pa ay bumaba na nga ako.

'Bakit sobrang aga mo?' Tanong ko sa kanya.

'Early bird catches the worm.' Ang tanging isinagot niya.

'Ewan ko sayo! May pa worm worm ka pang nalalaman dyan. Kain na muna tayo. Maaga pa naman.' Pag-aya ko sa kanya.

'Kelan ka babalik ng school?' I asked him while eating.

'Hmmm. 2 more days I think. Why? Miss me at school?' Tanong niya ng nakangiti.

'Not at all.' Sabay belat ko sa kanya.

'Tss.' Then he rolled his eyes at me.

Tuloy lang ang pagkain namin ni Ethang ng inihandang breakfast ni Yaya Ninay ng may narinig kaming bumusina sa labas.

'Maddie, iyong isang lalaki kagabi eh nasa labas.' Tawag sa akin ni Yaya Ninay

Natawa namang bigla si Ethan.

'Anung itinatawa tawa mo dyaan?' Inis kong tanong sa kanya.

'See I told ya, early bird .... (itinuro niya ang sarili niya.)

Catches the worm.' (Sabay turo naman niya sa akin.)

Agad agad namang lumipad ang kamay ko at binatukan si mokong!

'Ginawa mo pa akong uod! Bwisit ka!' Natatawa pa din si Ethan habang papunta ako sa labas.

'Hey Ty. Morning.' Bati ko kay Tyrone.

'Seems like somebody got here first.' Sabi niya habang nakatingin sa sasakyan ni Ethan.

'Huh? Ahh eh—-'

'Who's there?!' Lumabas naman si Ethan para silipin kung sino ang nasa labas kahit na alam naman niya na kung sino.

'Oh. It's you!' Sabi ni Tyrone kay Ethan while He places his arm around my shoulder.

'Hoy. Feeling ka.' Bulong ko sa kanya at tinanggal ang braso niya sa balikat ko.

'I'll be at school starting today Maddie. I'll take you home later instead.' Akma ng iistart ni Tyrone ang sasakyan when Ethan suddenly shouted.

'No way! I'll pick Maddie up!' He looked at me asking for my agreement.

'Teka nga kayong dalawa! Ang aga aga ah!' Nakakahiya at nagsisigawan kaming tatlo sa labas ng bahay.

'Gusto niyo ba gagawa ako ng schedule kung sino ang maghahatid at magsusundo sa akin? Dahil kung araw araw tayong ganito eh ako na lang magdadala ng sasakyan ko! Wala pa akong sakit sa ulo!' Sabi ko habang nakapamewang!

'Maddie!' Hinihigit higit ni Ethan ang damit ko na para bang batang nanghihingi ng barya habang si Tyrone naman ay hindi maipinya ang mukha.

'Ano walang maggi-giveway? Sige bahala kayo!'

'Ethan umuwi ka na! Papasok ako mag-isa! At ikaw Tyrone umalis ka na din.'

Jusko! Ang aga aga naiistress ako!

Walang nagawa si Ethan ng ipagtulakan ko siya palabas ng bahay! I can hear both of their car engines habang pasara ako ng pinto.

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon