Nagising ako sa haplos sa aking mukha at buhok.
Unti unti kong idinilat ang akong mata and I saw my Mom.
'Hi anak.' Bati niya sa akin.
'H-hhello Mom. Bat ka po nandito?' Tanong ko sa kanya.
'Kasi alam ko na kailangan mo ako ngayon. Hindi mo man sa akin sabihin kung bakit, nararamdaman ko.' She said sincerely.
Hindi ko na mapigilang umiyak.
'Anak. Nanay mo ako pero wag mo kalimutan na bago ang lahat, ako ang bestfriend mo diba? Naiintindihan natin ang isa't isa. Kung kailangan mo ng kausap, ako yun.' She hugged me so tightly. Hindi ko alam paano pasasalamatan ang nanay ko sa pagmamahal na binibigay niya sa akin.
'Mommy. Wala na po kami ni Ethan.' I said in between sobs.
'I sensed that. Ano ba ang nangyari? Hinatid ka dito ni Tyrone puro galos ang mukha. Si Ethan ng pumunta dito ganun din. Ano ba ang problema?'
Ikinwento ko kay Mommy ang lahat. Yung tungkol kay Hope.
'Alam kong mahirap yan anak. Pero tama si Ethan. Bago ang lahat matutunan mong pahalagahan ang sarili mo. Nagulat din ako ng maging kayo na pero hindi ako tumutol dahil nakita ko kung gaano kasincere si Ethan sa iyo. Siguro hindi pa tuluyang nagheal ang puso mo sa nangyari sa into ni Tyrone kaya punong puno ka pa ng pagdududa.'
'Hindi sa kinakampihan ko si Ethan. Ikaw ang anak ko at lagi akong nasa tabi mo kahit pa anong mangyari. Alam ko may naging mali din siya. Sana una mong matutunan ay ang magpatawad. Patawarin mo ang sarili mo at patawarin mo ang mga taong nanakit sayo. Naniniwala ako na kung talagang mahal ninyo ang isa't isa, aantayin ninyo ang tamang panahon.'
Wala na akong nasabi sa mga nabanggit ni Mommy. Umiyak na lang ako ng umiyak.
Hindi ko tuloy alam paano na ang mga susunod na araw. Most of my classes kasama ko si Ethan. Binigay niya sa akin ang class schedule niya so I can also get the same. Hindi ko alam kung pwede ko pa baguhin.
With that, I quickly got up and fixed myself. Kailangan kong magpunta ng school para baguhin ang ibang klase ko. Hindi na pwedeng tatakasan na naman ang problema at maghanap ng ibang eskwelahan.
—
Medyo mabigat ang naging pakiramdam ko pagkagaling ng school. 2 subjects kasi ang hindi ko napalitan dahil puno na din ang slots sa ibang schedule. I think this is the consequence I have to pay.
Panindigan mo na yan Maddie. Ginusto mo yan eh.
—
Before the classes officially start. Nagkita kita kami magkakaibigan.
When Laureen saw me. She hugged me immediately.
'I'm so sorry about my brother Sistah.'
'Okay lang yun. Ganun talaga.' Tipid akong ngumiti sa kanya.
'Huh? Bakit ano nangyari? Wala na kayo ni Ethan?' Gulat na tanong ni Elisha.
'Parang ganun na nga.' Sagot ko naman.
'Anong parang ganun? Malabo yan. Kayo pa ba o hindi na?' Tanong naman ni Alora.
Tiningnan ko silang lahat. I can see how concerned they are between me and Ethan. Yung genuine na care and sincerity. Kaya hindi ko napigilang maluha.
Heto na naman tayo. Hanggang kailan ka ba iiyak?
'H-hindi na.' Yun lang ang tanging naisagot ko.
'Huy Lau. Anong nangyari dito?' Tanong ni Sue kay Laureen dahil hindi na ako nakapagsalita kakaiyak.
'I don't know. Ethan doesn't say a thing. I just know that's somethings wrong cause he looks like shit at home. I have figured it out when I saw Maddie.' Paliwanag ni Laureen.
'Maddie kausapin mo kami.' Sabi ni Elisha.
'Hindi ko din alam kung ano ang nangyari sa amin eh. I-i think Ethan likes someone else.' Yun lang ang tanging nasabi ko. Dahil sa totoo lang dun lang naman talaga nanggaling ang lahat ng to.
'What? That's impossible!' Si Sue. 'Maddie, have you not seen how he looks at you? Yung parang ikaw lang ang nageexist sa mundo niya? Hindi ganun ang may gustonh iba Maddie.'
'Sino ba yan? Si Hope ba?' Tanong ni Alora.
'Y-yes.' Sagot ko.
'What? Oh No no no no, Maddie. I'm sorry but I don't think that's the case. Hope and Ethan, yes, thay are inseparable but he loves you Maddie. I've never seen him like that to anyone before and seeing how broken he is now? I know that he doesn't love Hope the way you think he does.' Pagtatanggol ni Laureen sa kapatid.
'But can I ever take it back? Pwede bang bawiin na lang lahat ng nasabi namen sa isa't isa ng ganun na lang? Na biglang okay na lang lahat. I maybe hurting right now but I think tama naman ang naging desisyon ko. Masyado naging madali ang lahat sa amin ni Ethan. I gage my heart to him kahit sobrang broken pa because of what happened between me and Ty. Kaya onting tabig lang, wasak na naman. I think I need to heal. Completely heal. Sa panahong yun kung sya talaga. Sya talaga.'
'Maddie, even if you are not with Ethan anymore, Sistah's pa din tayo ah?' Malambing na tanong ni Laureen.
'Oo naman. Ikaw pa ba!' Kahit papano napangiti naman nila ako.
'Uy bruh look! Sina Maddie oh.' I heard Nick shouted not so far away.
Napalingon kaming lahat sa kanila and then I met Ethan's eyes. Yung mga mata niya thay speaks of what he feels inside.
A lost and a broken hearted man.
'Let's go. Let's go elsewhere.' Pagaaya niya sa kasamahan without breaking the eye contact we have.
'Huh? Bakit? Masaya nga to andyan mga chicks niyo eh.' Pangaasar ni Nick kay Ethan at Mac.
'Nuff said. Let's just go.' Tumalikod na si Ethan at naglakad palayo.
Hindi ko alam kung kaya ko makita sya sa araw araw with that sad look in his eyes. Parang gusto ko na lang kalimutan lahat ng naramdaman ko at tumakbo papalapit sa kanya. Tell him I Love him but I can't. I can't do this now.
Paglabas nina Ethan. Lahat ng atensyon ng mga kaibigan ko ay nasa akin na naman.
'Huy! Bat nakatingin lang kayo? Okay lang ako promise.' I smiled at them widely.
'Kaninanlang umiiyak ka tas ngayon okay na? Agad agad?' Pang aasar ni Alora.
'Well, he's a beautiful scene I need to get used to. Araw araw kaming magkikita sa school. Magkaklase pa kami sa ibang subject so it's better to start getting used to it.'
'Hay nako. Para kayong timang dalawa. Aywan ko sa inyo! Pati ata kami mabuang na sa mga ginagawa ninyo.' Sabi ni Alora
'Oh bakit naman? Anu na namang ginawa ko?'
'Besh hindi mo ba nakita? Yung titigan ninyo kanina? Ang tindinng spark eh. Parang mga kapangyarihan nina Son Gokou na naglalaban. Kulang na lang may pa background music ng Ikaw tas tatakbo ka at i-dadawn zulueta ka niya. Ganun ka intense yung titigan niyo kanina.' With actions pang inihahalimbawa ni Alora.
Natawa na lang ako sa kaniya. I guess it's because me and Ethan feels the same. He still loves me. At mahal ko din naman sya. Pero hindi pa tama.
BINABASA MO ANG
100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)
ФанфикThis is a fiction of MAYWARD! This isn't your typical story of a fairy tale. There is no wicked stepmother or ugly stepsisters. There is no magic carpet and definitely no 7 dwarfs. There may be an Ursula or atleast that's how i picture her to be...