Part 47

2.1K 143 10
                                    

Paano kaya ako magpapaalam kina Daddy sa plano ni Ethan. I know that they are cool with having Ethan around me but having to spend a weekend with him? I don't think so.

I remembered the time when Tyrone planned something like this. We were supposed to spend a weekend in Cebu but my parents did not allow. They have to contact Mum's friends from Cebu to look after us and make sure that we do not sleep on the same room.

I mean I am not planning to sleep with him in the same room in the first place but even if we did, I wouldn't do anything I would regret after. I understand my parents for being cautious and making sure that I am looked after. I am their only princess after all.

After a few minutes of reminiscing my phone rang. Si Ethan.

'Yes?' bungad ko sa kanya

'Have you already asked permission from Tito Alex and Tita Lorrie?' tanong niya

'Hindi pa. I am not sure how to.' Pagaalangan ko naman

'Why not?' direktang tanong niya

'Cause I am sure they wouldn't allow me if it will only be the 2 of us.' Sabi ko naman.

'What if I talk to them?' he said with confidence

'No way! You can't!' nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ethan. Anong iisipin ng parents ko at aalis kaming dalawa? Naghihinala na nga ang mommy na boyfriend ko na si Ethan tapos ako pa magbibigay ng rason para talagang maconfirm niya ang status naming dalawa? To Ethan's words Hell naaaa.

'Then how can we go out?' nagmamaktol na sabi ni Ethan

'hmmmmm what if we ask our friends to come with us?' I think it is a good idea. Ayaw kong magassume pero mahirap na lalo na at kaming dalawa lang.

'What? Tell me you are not serious.' It is obvious that Ethan is not liking the idea

'Why not? That's the only option we have. Its either we go with them or we don't go at all. What are you even planning in the first place?'

'You don't deserve to know. Hmp.' Then he disconnected the call! Ang pabebe masyado ah. Hindi bagay!

Would it hurt to try and ask Mom and Dad? Hai Ethan hanggang kailan mo ako pahihirapan?

I went down to have dinner with Mom and Dad.

Kinamusta ako ng parents ko and I have mentioned about the fund raising event we've had and how successful it has been. They are very happy about it.

Umalis saglit ang daddy at pagbalik niya 'oh anak oh' he handed me a check.

PHP 10,000!

Napatingin ako sa daddy! He smiled at me at sobrang tuwa ko napatayo ako at napaakap sa kanya.

'Thanks so much daddy.' Naiiyak ako sa tuwa

'Lagi mong tatandaan anak na mas maganda ang kamay na nagbibigay kesa ang kamay na tumatanggap. Life is never easy and if that amount can help children, i wouldn't think twice.'

After everyone's settled kumain na kami and when I got the chance nagpaalam na ako.

'Uhm, Mom? Dad?' Tawag ko sa atensyon nilang dalawa. Kinakabahan ako ng bongga! I don't know what their reactions would be.

'Oh bakit?' Sabay nilang tanong

'Ahhh... ehhh .... ano po eh.' Bushak! Ayaw lumabas ng sasabihin ko!

'Ano nga?' Sabi ng mommy.

'P-pwede po ba ako sumama kay Ethan ngayong weekend? Nagaaya kasi sya eh.' Tanong ko habang nakayuko at nangangalikot ng kuko. Hindi ako makatingin sa kanila.

'Aba syempre naman! San ka daw dadalhin? Ayeeeee!' Napatili pa si mommy kaya bigla akong napatingin sa kanya nang bukas ang bibig. Seriously?

Napatingin ako kay daddy 'dad?' Tanong ko sa kanya. Waiting for her reaction.

'Eh pumayag na mommy mo! Bakit parang nagpapapigil ka? Ayaw mo ba?' Mapagbirong tanong niya.

Ayaw ko nga ba? I am so half-hearted with this. Parang ayaw ko na gusto. Ayaw ko kasi kapag kaming dalawa na lang ni Ethan we don't have to play pretend. He doesn't need to act sweet and concerned which I am not sure if I can take.

Gusto ko kasi I want to know him more. I want to know the Ethan, the same way as his friends know him.

'G-gusto ko naman po.' Sagot ko sa daddy. Bahala na!

'San nga daw kayo pupunta?' Tanong ng mommy

'Hindi ko pa po alam eh. Baka sa malapit lang naman.' Ang hirap magpaalam lalo na kapag hindi mo alam kung san ka pupunta.

'Eh mabait na bata naman si Ethan. Sigurado ako na hindi ka niya ipapahamak.' Si Daddy

Seriously? Itong mga magulang ko napaka pusher!

'You guys are weird.' I can't help but express how I feel.

'Why?' Si Mommy. Hindi pa din naalis ang ngiti sa mukha niya

'Dati nung kay Tyrone kung pwedeng sumama kayo eh sasama kayo tas ngayon kay Ethan parang kayo pa nagtutulak sa akin.'

'More than the person who will you be with, we trust you anak. We trust that you will give your best judgement at anything you do.' Hinawakan ni Daddy ang kamay ko while he said those words. Na touch naman ako at malaki ang tiwala ng mga magulang ko sa akin.

'Atsaka si Ethan yun anak no! Such an ideal and perfect guy! Kung boyfriend mo na sya eh ano namang masama? #relationshipgoals yang ganyan na nagtatravel together. Yan ang nagtatagal. At kung ipipilit mo na hindi mo sya boyfriend eh ano pa hinihintay mo? Sagutin mo na huh?! Pag yan nawala nakuuuuu!' Nanggigigil na sabi ng nanay ko.

Iba din talaga! Ito ata may gusto kay Ethan eh.

'Mom! Sumasakit ulo ko sayo!' Sita ko sa nanay ko. I don't know what Ethan did to my Mom for her to be acting this way.

'Bakit totoo naman ah. Iba ang feels ko sa inyong dalawa. Parang spark ni Malia at ni Tristan!' May pasample pang nalalaman

'Stop spending too much time on TV and twitter. You're sounding too young for your age!' Nakakairita na talaga tong nanay ko pero nakakatawa din talaga.

Ang tatay ko naman ever supportive sa nanay ko at ayun natatawa na din.

'Hay naku! Ewan ko sa inyong dalawa!  Basta pumayag na kayo ah. Bukas na yun.' Sagot ko habang paalis

'Oh sige! Magbeauty rest ka na para ganda ka bukas!'    Natatawang pahabol ng nanay ko!

Nakakabaliw sila!

When I got into my room, I immediately called Ethan.

'Nagpaalam na ako!' Bungad ko sa kanya as soon as he answered the call

'What did they say?' Tanong niya

'Okay na. Pumayag naman. San ba pupunta para alam ko kung anong klaseng damit ang dadalhin ko.' I opened my cabinet to check what I can bring

'Nothing fancy. Just the normal clothes you wear.' Tipid niyang sagot

'Bahala ka ha. Anong oras ba aalis?' Wala talaga akong kaalam alam dito

'Mom and Dad will pick you up. I have a game tomorrow. They wanted to bring you to the game then we will leave after.' Halatang may ginagawa din si Ethan on the other end

'Ikaw gumagawa ka ng plano ng wala talaga akong alam no?' Kahit hindi niya ako nakikita nakapamewang ako sa pagkairita sa kanya. Kung hindi pa ako tatawag, magkakagukatan na naman kami sa mga paandar niya.

'That's how I am. Deal with it. See you tomorrow. Bye!' Then he ended the call.

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon