Part 76

2.2K 162 31
                                        

A/N:

Para tayong ispageti. Pataas ng pataas. We are now rank 47 😱

Suportahan niyo pa din ako kahit masakit na mga heart natin ah.

Labyu Labyu! ❤️❤️❤️

Classes have already started but I have not seen Ethan yet.

Supposedly classmate ko sya sa atleasr 2 classes ko this week. Baka naman pumapasok sadyang hindi ko lang nakikita.

Tyrone had been one of the supports I have. Lagi niya sinisiguradonh okay ako. Though he offered to take me to and from school, I chose not to.

Gusto ko na munang masanay ng ako lang. Pero pagdating sa school hindi ko na sya napipigilan. Inalam talaga niya lahat ng schedule ko. Sinusundo niya ako sa classroom every class para ihatid sa susunod. Minsan nga nagtataka na ako kung nag enroll ba talaga to kasi parang hindi naman umaattend ng klase eh.

'Pssst Mads. Nagkabalikan na ba kayo niyan?' Tanong ni Elisha habang nagaayos kami ng gamit bago lumabas ng room.

'H-huh? H-hindi ah. Sinasamahan niya lang ako.' Paliwanag ko naman.

'Aaaaahhhhh. Nagkiya na kayo ni Ethan?' Tanong ulit niya.

'Hindi din.' Tipid kong sagot.

'Naku baka tinaguan ka na!' Pagbibiro ni Alora na ikinagulat ko naman. Paano kaya kung ang ginawa ko dati kay Tyrone na pagtakas ay siya ring ginawa ni Ethan sa akin?

Sana naman ay hindi. Gusto ko pa din syang nakikita kahit hindi na kami magusap. Basta makita ko lang sya.

Nang lunchtime nagsabi ako kay Tyrone na kina Elisha na muna ako sasabay.

'Would you be alright?' He asked with concern in his eyes.

'Oo naman. Parang kakain lang with friends.' Then I gave him a smile. 'Thank Ty.'

'No Maddie. Thank you. Thank you for letting me be friends with you. It's nice to see you smile again. Don't ever lose it.' Hinatid niya ako papunta sa cafeteria kung nasaan sina Elisha. I saw Laureen in there. Hindi ko pa sya nakakasama sa mga subjects ko ngaung sem.

'Hi sistah.' Bati niya sa akin.

'Hello!' I greeted her back pati na din sina Alora at Sue.

We ordered our food at sama samang kumain.

'BULAGA!!!!' May mukhang biglang sumulpot sa harap ko.

'Ay Bushak!!!!' Nasampal ko ng di oras ang kung sino man ang nanggulat sa akin.

'Aray naman Maddie! Mahirap ka palang gulatin. Mapanakit!' Si Nick pala.

'Ginulat ka din ba ni Ethan kaya mo nasaktan?' Hirit naman ni Mac

Napatulala na lang ako sa nasabi ni Mac and unable to respond.

'Uy sorry! Joke lang yun. Pinapangiti ka lang namin.' Paumanhin naman agad ni Mac ng mapansin ang hindi ko pagsagot.

'Hindi. Okay lang.' yun na lang ang tanging naisagot ko sa kanila.

'Hi Elisha.' Si Mac

'Hi mo mukha mo.' Hirit naman nito ng hindi nililingon si Mac

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon