Part 99

3.1K 167 57
                                    

Mabilis natapos ang first semester namin ni Ethan.

We have been super busy with all the school works.

Thesis and all.

'Maddie, sa bahay nalang namin tayo mamaya.' Aya ni Elisha. Kami kasi ang magkakagrupo para sa thesis.

'Sige. Papahatid na lang ako kay Ethan sa inyo.' Dun naman kasi sila sa bahay nina Marcus so para sabay na lang din kami umuwi. Magkalapit lang naman kasi yung bahay ng dalawa.

'Oh sige.' Pagsang-ayon naman ni Elisha.

-

'Ethan, let's go. Hatid mo ko kina Elisha.' Pag-aya ko dito.

'Sure. You want to eat first?' Tanong niya.

'No. Wala akong gana eh. Lika na.' Kinuha niya ang gamit ko at nang makatayo na ako sa upuan ay hinapit niya ang aking ulo at hinalikan ito. It made me smile.

Sa kabila kasi ng tagal namin ni Ethan ay hindi pa din ito nagsasawang lambingin ako. His sweet gestures is something I couldn't live without.

'Text me if you're hungry yeah? I'll bring you anything you want.' Sabi nito ng makarating na kami sa bahay nina Elisha.

'Ano ka ba? Busy din naman kayo. Magpapadeiver na lang kami just in case.' Sagot ko naman dito.

Hinatid ako ni Ethan hanggang sa loob ng bahay nina Elisha.

'Bat ba pumasok ka pa hanggang dito?' Tanong ko sakanya.

'Just wanna check who's here.' Ngingiti ngiting sabi nito.

'Nakakaloka ka talaga. Hindi ako mawawala Ethan!' Natatawa na ding sabi ko.

Lately kasi parang mas naging protective din si Ethan. Mas lalong naging caring. Yung tipong kahit ata lamok o langgam aawayin niya.

He spotted a few bottle of beers on the table.

'Something to keep us up.' Sabi ko sa kanya. Napagusapan kasi namin nina Elisha na kakailanganin namin ito if we want to keep our energy up.

'Please tell me you ain't drinking Babe.' Sabi nito.

'Bakit? Umiinom naman ako dati ah. Saka isang bote lang naman.'

'Even so. Just, just don't drink please. For me?' Then he gave me puppy eyes.

'Oh sige na. Hindi na iinom.' Itinaas ko pa ang kanan kong kamay as a sign of promise.

'Very good! I love you.' At hinapit niya ako ng mahigpit na mahigpit na yakap.

'I love you too! Now go!' Pagtataboy ko dito.

'Elisha! Take care of my girl yeah? Txt me if she's being a pain in the ass or if she drinks.' Bilin nito kay Elisha.

'Ethan!!!!!! Gagawa lang kami ng thesis! Para naman akong mangingibang bansa sa mga bilin mo. Sige na alis ka na.' Naiirita na naman ako kay Ethan. Ambilis ng shift ng mood ko pagdating sa kanya. Minsan sobrang tuwang tuwa ako sa kanya pero meron din namang mga instance na ang bilis bilis kong mairita.

'Maddie nakakaloka yung boyfriend mo ah.' Si Kristine, isa sa mga kagrupo namin.

'Yaan niyo na yun. Baliw lang yun talaga.' Sabi ko nang may halong pabirong irap.

'Naku eh kung ganyan kagwapo tas ganyan kabaliw sa akin, magpapabuntis na ako agad agad! Para mapikot na.' Si Kristine ulit.

'You don't know what you're talking about.' Natatawa kong sabi sa kanya. Kung alam lang nila gaano kahirap maging girlfriend ng isang Ethan Barber, baka magkanda karipas sila sa takbo. The things I have to deal with everytime, nakakasira ng ulo. But it is the kind of problem I do not want resolving. I do not want anything more or less than how Ethan is right now.

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon