Part 94

2.8K 165 46
                                    

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Ethan.

'Oh ikaw nga si Ethan, ako naman si Maddie. Nasan dun ang explanation kung bakit?'

Iintindihin kita Ethan kahit ang labo mo basta ipaliwanag mo sa akin.

Huminga naman ng malalim si Ethan bago nagsimulang magsalita.

'I am a Barber, Maddie. Before I am your boyfriend, I am my father's only son! I am the Barber that needs to step up for my Family. I need to be IN THE GAME. Do you get it?'

'Hindi. Ayusin mo.' Kahit papano ay nakalma naman na ako at ganun din si Ethan.

'Laureen have to go to Germany right?'

'Oo.' Sagot ko naman.

'That will be the same for me Maddie! Even if I try to say no, I know that wouldn't happen. As much as my parents love you and how in favor of them of you for me, it wouldn't be enough reason for them to let me stay.' Sabi naman nito.

'Now I get it but I still can't understand why we have to be married. Aantayin naman kita, babalikan mo naman ako diba?'

'I'd fly back even once a week just to see you but tht wouldn't be enough for me. I want to have that assurance Maddie. An assurance that despite of the distance, you are mine.'

'Oh eh saan ba ako pupunta? Hindi naman ako mawawala Ethan. Iyong iyong iyong iyo ako.' Unti unti akong lumapit sa kanya at iniyapos ang mga kamay ko sa bewang niya, he did the same.

'Then marry me.'

I don't know how can I put anymore sense into him tungkol sa kasal na yan. I don't know how to even let him understand na hindi sagot ang kasal sa problema naming dalawa. At dahil alam ko na whatever I say wouldn't matter sa kanya, hinayaan ko na lang.

'Ikaw kung makapag propose ka akala mo naman, may singsing ka ba?' Tanong ko sa kanya.

'Huh? Ehhh wala.' Biglang napakamot si Ethan sa ulo.

'Tingnan mo na. Propose propose ka pa hindi ka naman prepared. Lika na nga uwi na tayo!'

Hinigit ko na si Ethan at pumasok na ako sa sasakyan niya. Agad agad din namang sumakay si Ethan sa kabilang banda.

'San tayo?' Tanong ko.

'My house. I want you all for myself.' Tipid namang sagot nito.

'Oh sige. Tawagan mo si Daddy. Ikaw na magsabi.' Agad agad namang sumunod si Ethan at nagsabi sa tatay ko.

Nang makauwi kami ni Ethan sa kanila ay agad kaming umakyat sa kwarto.

'Teka pano mo nga pala nalaman kung nasaan kami kanina? May pinapasunod ka sa aking alipores mo no?' Naalala kong bigla ang ganap kanina. Imposible naman kasing matagpuan kami ni Ethan ng ganun ganun lang.

Alam ko na meron kaming kakaibang koneksyon dalawa na parang sina Julio at Julia pero imposible talaga.

'Of course not. Why would I need to hire someone to look after you? Lagi mo naman akong kasama. Oh and by the way, That's the first and last time you can sneak your way out Mary Dale, I'm telling you!' Pagbabanta nito sa akin.

'Eh paano mo nga nalaman?' Pangungulit ko dahil hindi ako matahimik sa kakaisip.

'Basta. I asked help from everyone.' Tipid nitong sagot.

Magtatanong pa sana ako but he stopped me.

'Hep! My turn to ask!' Sabi niya.

'When did you buy that?' Turo niya sa damit ko.

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon