Part 95

2.6K 131 24
                                        

'Mommy sa office na ako kakain, sorry.' Sabi ko sa mommy habang papalabas ng bahay.

Unang araw ngayon ng OJT ko and I don't wanna be late. Nagkataon pang unang araw din ngayon ng kay Ethan kaya hindi niya ako maihahatid.

Sa isang sikat na lawfirm ako napunta. Intern ng isang paralegal ako na-i-assign. Samantalang si Ethan naman ay sa isang business firm nakakuha ng slot for OJT. Nagkataon kasi na kakilala ni Tito Kevin ang COO duon kaya hindi naging problema kay Ethan.

Nahati kasi ang klase namin sa dalawa. Ang kalahati ay kailangan nasa Business Field at ang kalahati naman ay nasa Legal Field. Hindi kami nagkasama ni Ethan kaya naman nabwisit ito pero nadaan ko naman siya sa pakiusapan kahit papano. Buti na lang din at malapit lang ang office nila sa amin kung hindi, hindi ko alam kung anong klaseng panunuyo ang gagawin ko kay Ethan para lamang maintindihan niya na hindi pwede sa lahat ng bagay ay magkasama kaming dalawa.

Pagkadating ko sa opisina ay tinipon muna kaming lahat ng HR para sa mabilis na orientation. Ngayon pa lamang din kasi ibibigay kung kaninong para-legal kami maa-assign.

I was handed out a paper with the name Collette del Rio who's one of the paralegals dito sa firm. After we have been dismissed from the orientation we were given a few minutes break bago magpunta sa opisina nang kung kanino man kami naka-assign na ipinagpasalamat ko naman dahil kanina pa ako nagugutom.

After eating breakfast ay nakasanayan ko na inumin ang pills na nireseta sa akin ng doctor. Dahil nga hindi ako regular ay kailangan ko ito at syempre dual purpose na din. Pero nakailang halughog na ako sa bag ko ay hindi ko pa din ito makita. Siguro kakamadali ko eh nakalimutan ko na naman.

Masyado na ako nagiging makakalimutin lately, its either that o sadyang burara lang ako dahil ilang beses na ako nawawalan ng pills.

Hmp. Sa bahay na nga lang ako iinom. Baka nasa kabilang bag ko lng yun.

Umakyat na ako sa 12th floor kung nasaan ang office ni Miss del Rio.

Nang marating ko ang opisina nito ay agad naman akong kumatok.

'Come in.' Aniya.

'Hi, Good morning. I am Mary Dale Entrata, I was the intern assigned to you by HR.' Pagpapakilala ko.

'Oh I see. Yeah, I have been informed. Sit down Mary Dale.' Itinuro nito ang upuan sa harap ng lamesa niya.

Iniabot niya sa akin ang kamay na malugod ko namang tinanggap.

'So how should I call you? Mary? Dale? Or Mary Dale?' Tanong nito.

'Maddie. Just call me Maddie po.'

She smiled. 'Nice name.'

'Thanks.' Nginitian ko din siya. Miss del Rio accepted me with warmness. Magiliw din siyang kausap at kahit iilang minuto palang kami magkausap ay nakagaanan ko na siya ng loob. She didn't let me feel like she's the boss and all.

Ipinaliwanag niya sa akin kung ano ang gawain niya sa araw araw at kung paano ako makakatulong dito.

Siya daw ang taga draft ng mga documents, taga file ng motion sa korte at may mga pagkakataon din na nag iinterview sila ng mga cliyente.

I never thought of being in the field of law. Ang ifofocus ko naman din kung sakali sa business side pero maganda na rin na maranasan ito ngayon, for experience.

Ituro sa akin ni Miss del Rio ang tamang filing process, paano isaayos ang mga documento. She also gave me access sa internal drive. Too much for the first day I know pero magaan naman ang simula ko dahil na din sa kanya.

I've been hearing my phone beeped a few times na. Panay din ang ring nito pero hindi ko masagot dahil nakakahiya kay Miss del Rio so I decided to put it in silence.

'Hindi mo sasagutin?' Tanong niya.

'Ay mamaya na lang po. Mukhang hindi naman po importante.' Sabi ko na lang dito. Hindi ko din naman malaman sa Ethan na to kung bakit panay ang tawag. Hindi ba siya busy roon?

'Sige na sagutin mo na muna. Let's take a break.' Sabi nito.

'Ay maraming salamat po.' Lumabas ito ng kwarto at nagpaalam na magyoyosi muna. Pumunta naman ako sa CR para magfreshen up at saka ko rin tinawagan si Ethan.

'Hi baby. I miss you.' Bungad nito.

'Bat ka ba tawag ng tawag? Wala ka bang ginagawa dyan?'

'Eh it's boring here eh and I miss you. Why? You don't miss me?'

'Miss na din naman pero work time ngayon diba?'

'Did your boss got mad at you?' Tanong niya.

'Hindi naman pero pag work time, no calls huh? Txt lang kung makakasingit.' Ethan have to understand that it's different this time. Bawal na ang pabebe.

'Ay.' From the sound of him I am pretty sure he's pouting.

'Stop pouting na. Sabay na lang tayo ng lunch, you want?'

'Yes! Yes! I'll pick you up by 12.' Galak namang tugon niya.

'Oh sige. I'll see you later. Love you!'

'I love you more. Don't sweat it, ayt?'

'Opoooo.' At ibinaba ko na ang tawag ni Ethan.

Nang makabalik si Miss del Rio ay ipinaliwanag nito sa akin sa iisang lawyer lang siya nag rereport, kay Atty. Mike. Sabi naman niya ay mabait naman ito pero mas madalas na masungit.

Syempre ang nasa isip ko medyo grumpy old man. Mabuti nalang kay Miss del Rio ako magaassist at hindi direkta kay Atty. Mike dahil baka hindi ako magtagal dito.

Ang kagandahan lang umano kay Atty. Mike ay kapag wala itong hawak na kaso, ay lagi itong maaga umuuwi kaya maaga din siyang nakakauw. Hindi naman din daw kasi tama na yung boss niya nasa office pa tapos siya nakauwi na kahit tapos na ang office hours. Kaya minsan hangga't hindi ito umuuwi kapag may handle na kaso eh sinasabayan niya kahit hindi nito hilingin.

Sa isip isip ko, malamang ganun din ang mangyayari sa akin. Siyempre yung boss ko hindi uuwi dahil sa boss niya tapos ako uuwi na, parang hindi maganda.

'Let's go Maddie. Let's have lunch.' Aya sa akin ni Miss del Rio.

'Ay ma'am pasensiya na po. Hindi po ako makakasabay.' Sabi ko naman dito.

'Hmmmmm boyfriend?' Mapanuksong tingin niya.

Nagbaba ako ng tingin dahil medyo nahiya ako pero umoo naman ako dito at tumango.

'Oh sige, be back after 1 and a half hours. Hindi naman masyadong busy ngayon. Mukhang miss ka na ng boyfriend mo at kanina pa tawag ng tawag sayo.'

Ay jusko. Mas lalo akong nahiya. Mabuti na lang talaga mabait ito.

'Hindi naman po pero thank you. Enjoy your lunch po.'

Papalabas na sana kami ni Miss del Rio ng kwarto ng bigla itong magbukas.

May lalaking pumasok na bahagyang nakayuko at nakatingin sa isang papel na hawak nito.

'Colette, you going out for lunch na? Pagbalik mo pakitingnan naman ako nito.'

Saka ito nag angat ng tingin ng iniabot ang papel kay Miss del Rio.

'I-ikaw?' Bahagyang nanlaki ang mata ko habang nakaturo ako sa lalaki.

'Hey hey! Look who do we have here.' Nakangiting bati nito sa akin.

'Hi Maddie. It's been a while.' Lumapit ito sa akin para bumeso na ikinagulat ko naman ng bahagya.

'A-anong ginagawa mo dito?' Takang tanong ko.

Tiningnan ng lalaki ang sarili 'Isn't it obvious? I'm a lawyer.'

'Magkakilala kayo?' Tanong ni Miss del Rio.

'Yeah but it looks like I may need to introduce myself again.' Anito.

100 DAYS OF YOU (A MAYWARD STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon