Chapter 1 WHO YOU?

12K 119 7
                                    

Huy te! Ano na? Magsta-start na maya maya yung parade! Asan ka na ba? Malakas na bungad sa 'kin ni Limme mula sa kabilang linya.

Ano nanaman kaya ang problema ng babaeng ito at wagas kung makasigaw? Bakit ba may parade? Anong meron? Pinatay ko na ang linya atsaka ako naligo at kumain.

Ma, alis na 'ko. Nilingon ko pa si Mama saglit.

Dadalhin mo ba yang motor? Tanong sa 'kin ni Mama.

Ay Ma? Mabigat dalhin to. Sasakyan at papaandarin ko to para mas okay. Pabalang kong sagot sabay ngisi.

Hinampas nya pa sa 'kin ng pabahagya yung towel na hawak nya. Ikaw talagang bata ka oh sya pumasok ka na!

Bye Maaaa! Muling paalam ko pa dito.

Mabilis kong kinuha ang susi ng motor sa Cabinet atsaka naglakad palabas ng bahay. Gaya ng nakasanayan eh kakaunti lang ang dumadaang sasakyan sa lugar namin. Yung tipong walang trapik trapik kaya on time ka makakapunta sa pupuntahan mo.

Nakakamiss din tong hangin ha. Matagal tagal din akong isolated sa bahay, sa kwarto para mas specific.

Dahil nga sa walang trapik eh mabilis akong nakarating sa School. Wala pa ding nagbago. Maingay at magulo pa din.

Ayun! Sa wakas naman at nandito ka na. Pumunta ka muna kay Shei at magpacheck ka ng attendance mo. Bungad sakin ni Limme.

Si Shei ang secretary namin.

Shei! Agaw pansin na tawag ko rito.

Oy Keil! Nacheck ko na. Pumila ka na dun. sabay nguso nya sa linya na ginawa ng mga kaklase ko.

Sige, thanks! Sagot ko dito.

Pumunta nako sa linya kung saan nasa harap ko si Limme at nasa likod ko naman si Kathleen.

Ano bang meron? Bat may parade tayo. Takang tanong ko sa mga kaibigan.

Dahil to be honest hindi ko alam. Hindi pa nga sana ako papasok kasi ramdam ko ang katamaran na kinakain ang sistema ko at isa pa, di pa natatanggal ang iilang peklat na iniwan sakin ng pujjang sakit na iyon.

Ayan may pa- absent absent ka pa kasing nalalaman eh. Si Limme.

Hindi nga pala nila alam ang dahilan kung bat ako umabsent. Nagkasakit nga diba?

Anong sakit ba yan? At inabot ng dalawang linggo ha? Tanong naman sa 'kin ni Kathleen.

Chicken Pox mabilis na sagot ko naman dito.

Agad naman silang umalis sa linya at lumayo sakin. Pinasadahan ko sila ng tingin. Batid kasi nila na kung saan pagaling na ang mayroon ng chicken pox eh saka naman ito nakakahawa. Okay na ko. Di ko na kayo mahahawa. Sagutin nyo naman sana kasi yung tanong ko no? Anong meron? Iritang tanong ko sa dalawa.

Intramural Meet natin. Sagot sa 'kin ni Kathleen.

So sinong kasali sa section natin? Tanong kong muli.

Umayos na kayo ng Linya at magsisimula na ang parade. Sigaw nung MAPEH teacher naming si Sir Casimero.

Hindi na nila nagawang sagutin ang tanong ko. Gaya nga ng sinabi ng guro namin eh nagsimula na ang parade. Nilibot lang naman namin ang buong bayan kaya ayun matapos ng nakakapagod na paglalakad eh dumiretso na ako agad sa Canteen at bumili ng maiinom.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon