Chapter 19 SURPRISE! SURPRISED?

880 24 0
                                        

Thank you Section Galilei..and Keila

Thank you Section Galilei..and Keila

Thank you Section Galilei..and Keila

Thank you Section Galilei..and Keila

Matutulog nako't lahat lahat ito parin ang paulit ulit na naririnig ko. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko, alam kong bawal, alam kong hindi ko sya dapat magustohan, at hindi talaga dapat dahil alam kong hindi nya ko masasalo. Mabuti pa siguro'y itago ko na lamang itong nararamdaman ko dahil..

Mahal nya pa ang taong hindi sya kayang mahalin pabalik.

And guess what? Dapat handa ka talaga sa mga ganoong bagay. You can't expect someone you love to love you back. Sa mundo ng pagmamahal, hindi lang puro saya ang dapat mong alalahanin dapat handa kang masaktan. Anytime anywhere!

Grabeeeee! Gusto ko nalang magising bukas na wala na tong kung ano man ang tawag nila dito.

"Gising ka pa ba Keila?" Tanong sa 'kin ni Mama.

Mmm. Sakto.

"Opo. Bakit?"

"Umayos ka at may mga bisita ka sa baba"

Bisita? Seryoso. Alas otso ng gabi?

Wala na 'kong choice kundi ang mag ayos ng sarili. Ng makatingin ako sa salamin ay dun ko lang nakitang...

Omggg. Keila ikaw ba talaga to? Anong nangyari sayo sa loob ng 2 months? Freeakkk. This can't be reallll.

Nagsimula akong magsuklay ng buhok. Nakapajama na ko at tinatamad na ko magbihis kaya dumiretso na 'ko sa sala.

"Hi Keila!" Sigaw sa kin ng babaeng pamilyar ang boses.

Nagulat naman ako ng makita kong nakaupo sa sala namin sina Jake, Limme, Kathleen, Ryle, Katrina, Tresha at NEIL?

Anong ginagawa nila dito?

Isa isa ko silang tiningnan at kahit na anong gawin ko, sa kanya talaga napako ang tingin ko.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday happy birthday to you"

Napalitan ng saya ang kaninang nagtatakang ekspresyon ko.

Birthday ko nga pala.

Nakakatuwa namang isipin na naalala ng mga mahahalagang tao ang araw ng pagkabuhay ni Keila hahaha.

"Pano nyo nalaman?" Saka ko sila sinalubong ng ngiti.

"Duh? Kami pa ba?" Sagot sa 'kin ni Limme.

Ng makalapit ay saka nagsalita si Kathleen.

"Alam ko namang nakalimutan mo that it's your birthday. Lokaret ka talaga!" Atsaka kami nagsimulang magtawanan.

Kaunting sandali pa ay lumabas na si Mama sa kusina at sinabing handa na ang pagkain.

May handa ako? Waoooo!

"Yang isang cake galing sa mga bisita mo." Ani mama.

Kaya ko sila nilingon at binigyan ng so-who-bought-the-cake?

"Si Neil" giit ni Jake.

Na syang ikinagulat ko naman.

"Thanks" ani ko.

Nginitian nya lang ako as sign of welcome, i believe?

Nagsimula kaming kumain atsaka muling bumalik sa sala upang mag kwentohan. Hanggang sa hindi na namin namalayang magaalas diyes na pala ng gabi.

Nagkanya kanyang paalam na ang lahat upang umuwi. Maaga pa man para sa iba pero nirespeto ng lahat ang para sa mga malalayo ang bahay.

"Keila Eishiree Jel Feliz. Uwi na kami!" Sigaw ni Limme.

"Kelangan full name te?"

Di na nya ako sinagot. Tinulak nya naman si Neil papunta sa 'kin.

"Magpaalam ka na dude!" Si Jake.

Natawa naman ako sa mukha ni Neil na halos lahat ng emosyon makikita mo sa kanya.

"Keil. Uwi na kami"

"Oo nga. Sige!"

"Happy birthday ulit"

"Thanks"

Atsaka nya ko tinalikuran at lumabas ng gate.

Ng makasigurong nakaalis na sila ay saka ako pumasok ng bahay. Natuwa naman ako ng makita sina Kuya Gab, Jade at Kane, Papa at Mama na kumakain sa hapag kainan.

Thank you sa inyo.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon