"Oy Keila! Sagutin mo na kasi si Ali!" Si Limme.
"Ikaw yata may gusto dyan eh? Sa ayaw ko nga!" Inis na ani ko.
Aamin nalang kasi tong si Ali, kasama ko pa 'tong dalawang asungot nato. Pwede naman kasing sakin lang sabihin e. Ba proud ang loko!
Isa pa naiinis din ako kay Cristina Limme nato! Kung makautos sakin wagas, kala yata yaya nya ko e. Kumo sagutin ko na daw si Ali, kakaamin nga lang. At isa pa, wala akong balak mag boyprend! Jusko madami pakong problema. Dagdag stress lang sya.
"Hoy! Babae usap daw kayo maya!" Si Kathleen.
"Nino nanaman?" Oops. Napalakas yata yung boses ko.
Now this is great. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa Canteen.
"Meron ka ba ngayon te? Sino pa ba syempre ni Ali."
"Busy ako." Sagot ko dito.
Ano nanamang pakulo yun? Usap usap sus, walang papatunguhan yan. Gastos lang ng laway.
Hinawakan ni Limme ang magkabilang balikat ko atsaka iniharap sa kanya.
"Babae! Makinig ka nga sa'kin. Babae ka pa din, okay? Nawala lang si Neil, daig mo pang matandang dalaga kung magsung--"
Tinapik ko ang kamay nya. Atsaka akmang tatayo ng pigilan ako ni Kathleen at pinaupo.
"Makinig ka nga diba?" Si Kath.
Bat ba kasi kailangan pang isali sa usapan ang lalaking yun.
"Nasan na nga ba ako? Okay. Okay. Daig mo pa ang matandang dalaga kung mag sungit. Alam mo ba yun? Ano pa bang hinahanap mo? Andyan na nga si Ali oh! 2 years! 2 years ka ng nililigawan--
"Hindi sya nanliligaw" singit ko.
Tiningnan nya ko ng masama dahil sa pagsabat ko. Okay. Shatap nako.
"Bitch! 2 years ka na nyang ina-admire. Anuena te? Sayang ang oras oh? Pag ikaw sinukuan nyan, magsisisi ka talaga. Sinasabi ko sayo!"
Tumango nalang ako. Agad kong inubos ang kinakain ko at pumunta sa Room.
Pero bago makarating sa room.
'what is he doing here?'
Si ALI.
Nandito nanaman ba sya para mangulit? Nako. Madami naman kasing ibang babae dyan. Bat ako pa?
"Keil!" Tawag nya sakin.
Nginitian ko lang sya.
"Yun oh! Ganda talaga. Usap tayo" sabi nya.
Ini-wave nya ang kamay sa harap ko.
"Multo bako?"
"Tao ka." Sagot ko.
"Tamaaaa! Tara libre kita." Hinawakan nya ang kamay ko na agad ko namang naagaw pabalik.
Tss. Galawang laos.
Pumayag na lang ako, since lagi ko namang hinihindian to. Kawawa naman lol.
"Good morning ma'am and sir!" Bati nung waiter.
Nag order si Ali ng kung ano anong pagkain na for sure, hindi namin mauubos.
"About san ba kasi yung pag uusapan natin?" Tanong ko.
"May itatanong ako."
Kinabahan naman ako. Hindi dahil sa ano ha? Baka kasi anong itanong nito eh.
"Ano?"
"Naalala mo yung card na natanggap mo nung mag-christmas nung uhm uh last last year?"
Di ko sya sinagot.
"Yung parang white Christmas ang theme?"
Okay naalala ko na. Yung binigay ni Neil. Anong meron dun?
"So what now?" Tanong ko.
"Mr. Secret? That's me.I know it's kinda corny, cheesy or whatever you call it. But it's me, crush na kita nun. Naisipan ko lang na bigyan ka ng letter at ipaabot yun kay Guard. Natuwa pa nga ako ng napangiti ka, pagkatapos mong mabasa yung letter. Sa Library mo pa talaga binasa ha?"
Di ko na magawang pakinggan pa ang sinasabi nya.
All this time? Daig ko pa ang pinompyang ng katotohanan. I thought it was from him. P-pano? Sabi ni Jake sa kanya galing yun?
BINABASA MO ANG
Owned
RomanceIf someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.