Chapter 8 MISS!?

1.7K 40 0
                                        

Para sakin napakabilis ng pag andar ng oras ng araw na ito. Hindi ko napansing hapon na pala.

Nagkaroon pa kami ng short meeting about sa mangyayaring pag alis namin bukas.

Goodbye Teachers! Bati namin sa mga gurong nandoon.

Get enough sleep tonight para lahat ay nasa tamang wisyo bukas! Dagdag pa nung isa naming teacher.

Nakakamiss din yung tuwing uwian may gala and tambay na nagaganap with friends. What now? 3 days ko ng hindi ginagawa yun. Nakakamiss yung dalawang mokong ko na bestfriends.

Aish! Asan na kaya yung dalawang yun.

I checked my phone first bago ako sumakay ng motor.

Napasmile ako bigla.

[5 missed calls from Kathleen]

[You received 3 messages from Limme]

Limme:

[Psst dami naming time ngayong hapon. Punta ka sa Flowmi Restaurant]

[Hindi ka kasing ganda ni Liza Soberano para pag antayin kami ng matagal]

[Wala pa din oy kelan mo balak magbukas at magbasa ng text messages?? kalungkot:(]

Nakangiting nagdradrive ako papuntang Flowmi yung restaurant na paborito naming tambayan. Di pa masyadong nakakalapit ay nahahagilap ko na ang mukha nilang dalawa na masayang nagkwekwentohan.

Keilaaa! Kathleen shouted.

I think nasa mood sya di gaya nung ilang araw na napakatahimik.

Hey! I answered and we hugged each other.

Oy! Wag kain ng kain malusog na eh. Biro ko naman kay Limme na hindi man lang ako nagawang batiin dahil busy kakakain.

Yung pagkain nga hindi nagrereklamo, ikaw pa? Mag order ka nalang kaya. Pambabasag nya naman sa 'kin.

Asar:)

Nag order ako ng makakain. I've decided to order rice meal para di na ko mag dinner sa bahay.

Naubos naman naming tatlo ang pagkain at masayang nag kwentohan.

Oy good luck ah? Galingan mo pepektusan kita kapag natalo ka. Si Limme.

Humarap na muna ako sa kanya sama ako nagsalita.

Ayokong manalo at hindi ako mananalo. Bahala na. Dagdag ko.

Tss. Basta galingan mo nalang daming satsat te. Ganda ka? Si Kathleen.

Asarrr! Na miss ko kayo! Ani ko sabay pout.

Namiss ka ba? Limme disagreed.

What ever. Sagot ko dito.

Matapos ng makulit at masiglang kwentohan ay saka kami nagpaalam sa isa't isa.

Sa ngayon may dala na kaming kanya kanyang motor. Akalain mo nga naman at napapayag ni Limme si Tita.

Mabilis kong narating ang bahay. Nagmadali akong pumasok at didiretso na sana ng harangin ako ni Kuya Gab.

Halaaa! He said while waving he's point finger in front of me.

Nagkibit balikat ako. Why?

Bat ngayon ka lang? Sambit ni papa sa kalmado at seryosong boses.

Pagkatapos po kasi ng review ko e nag ayang kumain si Limme at Kathleen. Pagpapaliwanag ko.

Baka naman nakipagdate ka? That's my mom trying to draw a conclusion again.

Hindi ha! Agad ko namang sagot.

Review para saan? Papa asked. Ang swabe ni papa ha? Nakakakaba ng kaunti.

Nakalimutang ko nga palang sabihin sa kanila na kasali ako sa SciFes. Aish!


Inilapag ko pa muna saglit ang mga gamit ko sa sofa at isinabit ang susi sa cabinet. Nakalimutan ko pong sabihing kasali ako sa SciFes.


Napalingon si mama sa nasabi ko. Kelan alis nyo? Tanong muli ni papa.

Nagbless na muna ako saka sumagot. Bukas po.

Bukasss? Hindi makapaniwalang tanong ni Mama. Atsaka humarap sakin.


Opo. Sa San Andres. Sagot ko ulit.


Lumapit si Mama saka ako nagbless sa kanya. Bat di mo agad sinabi?


Sagot naman ng school ang gastos. Allowance ko nalang po. I explained.


Osya sige! Mag ayos ka na ng mga dadalhin mo. Si Mama.


Umakyat na' ko sa kwarto atsaka nagsimulang mag ayos ng mga gamit na dadalhin ko. Dapat talaga ay ginawa ko na ito nung isang araw dahil malamang magoover packed nanaman ako kapag dinali dali ko. Hayst!


Malayo layo din ang San Andres and magste-stay kami ng 4 days and 3 nights. Kelangan ko pang magpaluto ng packed lunch kay mama kasi 10 am ang alis namin.


Vote. Comment. Share.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon