Chapter 20 SECRET SUITOR

885 21 0
                                    

Monday na ulit. Haysss napakabilis naman ng araw. Parang kanina lang birthday ko pa at sinurprise ako nila Limme at Kathleen at haha ni Neil.

"Ma, una na po ako" pagpapaalam ko kay mama habang tinatahak ang daan papuntang sala upang makuha ang susi ng motor.

"Sige. Mag ingat ka"

Dumiretso na 'ko papuntang labas saka sinakyan ang motor ko.

"Good morning Ms. Feliz" bati sa kin nung guard.

"Good morning Mr. Guard!"

Nakakaloka naman kung ngumiti tung guard nato haha. Kung hindi nya lang talaga ako sinusumbong at nililista sa listahan ng mga late ay hindi ako makikipagclose dito e.

"May nagpapabigay po ng letter sayo" nakangiti paring ani Guard.

"Talaga? Kanino daw ho galing?" Tanong ko naman dito.

Now? This is great! Iniabot sa 'kin ni guard ang isang sobre na letter daw ang laman. In fairness ha? Mayaman ata nagbigay. Haha.

"Wag ko daw pong sabihin e. Secret lang daw."

Wew.

Lumapit ako kay Guard atsaka simpleng bubulong sana ng may dumaan sa gitna namin. Mahinang natapilo pa ko.

"A-ahh" pagrereklamo ko sa sakit na nararamdaman dahil sa pagkatipalo ng paa.

Who the heck was that?

Matapos kong makarecover sa sakit ay saka ko tiningnan ang nakabunggo sakin. Nakatalikod ito kaya hinawakan ko sya sa balikat.

"May problema ka ba? Ang lapad lapad ng daan kuya oh!" Sunod sunod na giit ko dito.

Nagulat naman ako ng makita kung sino ito. Neil the great.

"Sorry!" Saka nya itinaas ang dalawang daliri at nag peace sign.

"Bwesit!" Bulong ko pa dito.

Saglit kong nilingon si Guard, mukhang tanga kasi nangingiti ngiti pa.

Hindi kaya... Si Neil?

Okay erase. Joke lang! Dakilang assumera ng taon si ako lol.

Nagmadali akong naglakad papuntang classroom.

Hooo. Minsan na nga lang hindi malate, natapilo naman. How nice?

"Keila tara kain!" Yaya sakin ni Limme.

Parang walang naganap na klase jusko. Wala yata ako sa wisyo ngayong araw. Dalawang oras na pala akong nakaupo at tahimik na animong nagiipon ng laway.

"Mauna na kayo. Cr lang ako" pagpapaalam ko sa kanila ni Kathleen.

Gaya nga ng sinabi ko ay saka ako pumunta sa cr para umihi. Naghugas na muna ako ng kamay atsaka inayos ang sarili.

Feeling ko talaga may nakalimutan ako?

Ano nga ba yun?

Bwesit! Mamaya ko nalang iisipin. I need to eat before anything else.

Naglakad ako papuntang canteen. Masyadong mainit ang panahon. Mabilis na tumatagaktak ang pawis mula sa noo ko.

Mabilis ko namang narating ang canteen dahil nga sa sobrang init ng panahon kaya mabili sdin akong naglakad jusko.

"Keila!!!" Sigaw sa kin ni Limme.

Lumapit ako sa table nila mukhang sila na ang nag order ng pagkain para sakin.

"Sshh! Wag mo ngang isigaw ng ganyan kalakas ang pangalan ko! Nakakahiya ka!" Saway ko dito.

"Keilaaaa!" Mas lalo nya pang nilakasan.

Abnormal!

Umupo nalang ako atsaka nagsimulang kumain.

"Uy te! Di ka late kanina ha?" Pang aasar sa kin ni Kathleen.

Lateee?

Lateee?

Lateee?

Ayun! Yung letter!

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon