Chapter 16 OHH ASH!

1.1K 25 4
                                    

Matapos kong maubos ang noodles na ibinigay ni Kuya Neil ay saka ako pumwesto sa pwestong malapit sa kanila at nagpasalamat sa kanya.

Napakabusy po nila huhu. Wala akong makausap.

"Keil? May ganap daw ba mamayang gabi?" Si Kuya Jake.

"Hindi ko alam e" sagot ko.

"Pag wala, sama ka maya samin?" Si Kuya Ryle.

"San?" Tanong ko.

"Malapit lang sa SALU may park daw dun eh"

"Sounds good. Sige" sagot ko.

"Nice" bulong ni Neil habang nakangisi sa dalawang kasamahan.

Napagisip isipan kong matulog muna dahil sa masyado akong napagod simula kaninang umaga. Not physically but mentally.

Keil!

Keila. Wake up!

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. At... Nabigla ako ng makita ko silang lahat na nakatingin sakin.

Bakit?

Sabay hila ng kamay ko.

"Wahhhh" i shouted.

"Keila okay ka lang?" Si Neil

Wtfreak. Nananaginip ako sa panaginip ko.

"Okay lang. Okay lang." Sabi ko na para bang hingal na hingal.

"May lakad tayo diba?" He asked.

"Ah yeah. Kaya pala gayak na gayak ka. Diba sa Park lang naman tayo pupunta?"

"Tayo nila Ryle, Neil, Emily and Lean haha."

"Oo nga." Tss. Feeling duh?

"Mag ayos ka na."

No choice but to move huhubels. Nag shower na muna ako atsaka nagbihis. Hindi pa naman daw aalis kaya nagpatuyo na muna ako ng buhok sa tapat ng electric fan. Sandali pa kaming nag kwentohan atsaka nagpaalam kay Sir na lalabas kami.

"Okay. Seniors kayo magbantay dyan sa mga bata ha?" Si sir Galicha.

Wao bata. Kami bata? Duh?

"Yes" Si Kuya Jake.

"Sige na."

Third Person's POV

Kasalukuyang naglalakad sila Keila, Lee, Emily, Jake and Ryle papuntang park. Pero dahil sa gutom daw si Keila ay dumaan na muna sila sa Pizza House. Habang nagoorder ay sinadya ng mga kasama nilang paupuin ng magkaharap sila Keila at Neil. Gaya ng inaasahan ay hindi pumayag si Keila at walang pakialam si Neil.

Matapos nilang kumain ay pumunta na sila sa Park. Sandali pa silang nagpicture taking atsaka nagpahinga sa taas ng slide.

'yung square sa slide ah basta yun hehe'

"Guys boring no?" Giit ni Ryle.

"Oo nga eh" si Emily.

"Mag open forum tayo? Ano game?" Suwestiyon ni Ryle.

"Sige" ani Lee

"Nice!"

"Masaya yan!"

*Phone rings*

"Ay wait tumatawag si Lolo. Sorry guys kayo nalang muna" si Ryle.

"Ay ano ba yan? Madaya" si Emily.

Gumawa sila ng maliit na bilog atsaka nag usap usap kung sinong mauuna.

"Ikaw nalang Emily!" Si Jake.

"Okay. So ayun may gusto ako sa kapatid ng isa nating kasama pero wala sya dito sa grupo natin. Mmm. Crush ko sya pero never kong natry na mag confess. Parang hindi din kasi ako yung crush nya? Haha ewan ba. Yun lang" kwento ni Emily.

"That's gross." Si Keila.

"Oy di ah. Masaya kayang magka crush! Never mo bang natry?"

Nanahimik si Keila atsaka tumingin sa mga kasamahan.

"So who's next?" Keila asked.

"Lee, you're next!" Si Jake.

"Crush ko yung kalaban ko sa Science Essay pero di ko nalaman yung name nya kasi nahihiya ako. Nagagandahan naman talaga ako sa kanya, mukhang matalino talaga sa dating tapos may braces, matangkad at maputi. I like her" si Lee.

"Wow. Na record ko sya." Si Keila.

"Oy i-delete mo yan i-delete mo yan Keila!" Si Lee.

Napangiting tiningnan ni Neil ang mga ngiti sa labi ni Keila. Animo'y ngayon nya lang ito nakitang ngumiti at tumawa ng ganun.

"Kuya Jake. Ikaw na!" Si Lee.

"Mahal ko yung bestfriend ni Keila haha!" Giit ni Jake.

"Duh?" Si Keila.

"Why? Haha. Di ka ba boto sakin?" Panggagatong pa ni Jake kay Keila.

"Anong boto boto eh ang bata pa nun. Sya ka!" Ani Keila na halos masuka sa kakornihan ni Jake.

"Ikaw na. Dami mong dada." Si Neil na tinutukoy si Keila.

"Tss. So ano?" Giit ni Kiela na parang hindi alam kung anong sasabihin.

"Nagka-crush ka na ba?" Si Emily.

"Hindi pa." Mabilis na sagot nito.

"Weh? Eh sino si John?" Si Lee.

"Kwento mo na." Si Neil.

"Crush ko sya nung grade 6 ako, pero di nya ko gusto. Ewan ko bat ako nagkagusto dun? Ngayon ko lang narealize na ang pangit nya pala." Ani Keila.

"Eh si Ali? May pag asa ba sayo?" Si Jake.

"Bat may Q and A sakin?"takang tanong ni Keila.

"Mukhang wala ka naman kasing balak na magkwento kaya magtatanong nalang kami sayo."

"Okay. Si Ali? Bakit anong meron sa kanya?"

"Crush ka kasi nun!"

"Ah? Ewan. Di ko alam. Seryoso!" Sagot ni Keila.

"Pwede kang ligawan?" Si Emily.

"Hindi. Strict ang mga Kuya ko and ayoko din." Sagot ulit ni Keila na walang pag aalinlangan.

"Neil ikaw naman." Si Jake.

"Ano?"

"Magkwento ka na."

"Marami akong crush...es. Pero hindi padin ako nakakamove on sa isang babae. May ibang gusto na sya pero umaasa parin ako na babalik sya sakin at sasabihin nyang mahal nya pako. Actually i don't know kung makakamove on pa ko sa kanya. Sana haha." Kwento ni Neil.

"Ouch. That hurts a lot." Si Emily.

"Kilala ko yan!" Si Jake.

"Sino?" Tanong ni Keila

"Si Ash" sagot ni Neil.

"Guys! Guys! Nag chat si Sir na umuwi na daw tayo dahil may laban pa kaming tatlo bukas." Sigaw ni Ryle.

"Guys. Satin satin lang yun ha?" Paninigurado ni Emily.

Nagsitunguan lang sila. Atsaka nagsimulang maglakad pabalik ng bahay.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon