Chapter 10 READY? ACTION!

1.3K 32 0
                                    

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa tutuluyan. Hindi naman ganun kalayo ang pupuntahan namin ngayon pero hustisya dahil pataas yung lalakaran namin. Nakakapagod nooo!!!

Hindi ako na inform na bahay pala ang tutuluyan namin at hindi classroom ng school.

"Pagpasensyahan nyo nalang po dahil kinulang kami sa Classroom kaya dito na muna kayo tumuloy sa rest house namin." Batid kong teacher iyon ng San Andres Liberty University.

Ganun ba kadami ang participants o sadyang maliit lang ang university?

"Wala naman po kayong proproblemahin dahil maraming kwarto dito. May cr din bawat rooms. Double deck po ang higaan, bali tatlong double deck each room kaya anim anim. Wala din pong problema sa tubig pati na din sa kakainan dahil nasa bayan po tayo." Mahabang explanation nung teacher.

Ohhh that's nice Madame!!

"Ayos na ayos po ang magiging lagay namin dito. Thank you Ma'am" si sir.

"You're always welcome Sir Galicha. Aalis na po ako at marami pang paparating" pagpapaalam nung teacher.

Isa isa ulit kaming in-assign ni Sir.

"Ms Feliz and Mr Faderogaya room 13."

"Keila at Lean nalang po" si Lee haha. Nairita din siguro sya. Napakapormal naman kasi ni sir masyado. Asar!

"Okay Keila and Lean together with Reign, Emily, Jake and Neil sa room 13."

Akalain mo nga naman. Kasama ko pa sa room tong si KUYA NEIL gaya ng kanina ay wala pa ding nagbabago sa reaksyon nya. Pumasok na kami sa room.

Omygadddd. Tong kwarto na to ay kasinglaki ng kwarto namin ni Kuya Jade kong ipagsasama. Malaki sya at malapad ang space. Parang may sala sala pa nga sa loob. Gaya ng sinabi nung teacher ay tatlong double deck ang nandoon.

"Lee!" Tawag pansin ko.

"Oh?" Sagot nya habang abala sa pagsasalansan ng gamit nya.

"Ako sa taas ah?" Pagpapaalam ko.

"Sige!" Sagot nya saka ipinatong yung mga gamit sa higaan.

Umakyat na ako atsaka inayos ang higaan. Kinuha ko din sa maleta ang uniform ko atsaka ito isinabit sa clothing rack. Naghilamos at nag toothbrush din muna ako atsaka lumabas ng kwarto.

~clinggggg~

Someone's calling me? Bago to ah haha. I feel so important naman haha!

[Limme Calling]

Na-miss agad ako? Pumunta ako sa terrace ng bahay atsaka sinagot ang tawag.

*Limme
Hey?

*Me
What? Tanong ko with an attitude para kunwari hindi excited na kausapin sya.

*Limme
Ohhh! Seryoso ka naman?

Ha! Effective!

*Me
Medyo pagod pa 'ko sa byahe eh. Why did you call me?

*Limme
Ofcourse to see if you're okay.

Aww. That's so sweet of her.

*Me
I am. I just need to take a nap. Kaso tanghali na din. Wala pa naman akong baong lunch.

*Limme
Osige na. Magpahinga ka muna. If nagtataka ka? Andito si Kath sa tabi ko kakatapos lang nyang mag order ng kakainin namin. Sige na take care butiks!

*Me
Hahaha okay cheets and pids!

Masaya kong nilisan ang terrace atsaka nagpaalam kay Sir Galicha na maghahanap ako ng kakainan.

Nagtaka naman sya kung bakit kaya sinabi kong nakalimutan kong magbaon kahit na sinadya ko naman talagang hindi magbaon.

Hindi nya sana ako papayagan nung una dahil wala akong kasama pero dahil nagsabi si Lee at Kuya Mar na sasama din sila, dun na ako pinayagan ni sir.

"San kaya tayo pwedeng kumain?" Kuya Mar asked.

"I don't have any idea din, bago naman ako dito. Ikaw Lee may alam ka ba?" Sabay baling kay Lean.

"May restaurant dun oh!" Turo nya sa direksyong pupuntahan din namin.

Agad naman naming tinungo ang restaurant na iyon.

"Uy andito din pala si Venice at Ali eh" giit ni Kuya Mar.

Waittttt-- Ali? Ali yung inaasar sa'kin ni Kuya Jade. Kasama pala sya. Asan sya dyan? Malamang sya yung may kasamang babaeng Venice daw ang name.

Now this feels so awkward maybe I'll just act na wala akong alam about sa feelings nya. Tss.

"Hi" si Ali.

I didn't bother to answer him sa halip ay naghanap ako ng mauupuan.


VOTE. COMMENT. SHARE.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon