"Grade 7 Section Galileo Galilei Honor Students" anunsyo nung emcee sa gitna.
"Keila Eishiree Jel Feliz with an average score of 95, with high honor" nakangiting naglakad ako paakyat ng stage.
Sinalubong naman ako ni Mama, saka nya kinuha ang certificate sa adviser namin atsaka ito ibinigay sa'kin.
"Congrats Eish" bati sa'kin ni Mama.
Nginitian ko lang sya, baka kasi magkamali pako ng sagot sa kanya at bigla syang mag rap dito sa stage.
Natapos ang ceremony, sobrang saya ko dahil madami kaming nakapasok sa honor roll.
"Eishiree!" Tawag sa'kin ni Mama.
Lumapit ako sa kanya at inabutan nya ko ng pera. "Para san to Ma?" Takang tanong ko.
"Pinapabigay yan ng Papa mo sayo. Kumain ka daw sa labas kasama sina Limme at Kathleen.
Wao. May pabigay si Mayor.
"Di nga Ma?" Sabay hug ko sa kanya. "Thank you! Ingat sa pag uwi!" Saka ako tumakbo papunta sa pwesto nina Limme at Kath.
"Anong balak?" Tanong ni Kath.
"Kain tayo" suggest ko naman sa kanila.
"Libre mo? Sure."sagot naman ni Limme.
Sandali pa kaming natigilan sa paglalakad ng malamang wala pa kaming napaguusapang lugar na kakainan. Weirdooosss.
"San tayo kakain?" Tanong ko, kaya nagtawanan kami.
"Order nalang tayo tapos picnic" si Kath.
"Baliw san naman tayo magpipicnic?" Tanong ko.
"Sa cr. Malamang sa s-sa s-sa? Ewan"
"Baliw" sagot ko. Umabante ng kaunti si Limme atsaka humarap saming dalawa.
"Sa dagat!" Nakangiting ani nito.
Mas baliw pa pala sa baliw tong si Limme e. Picnic sa dagat? Jusko di ko na keri tong mga kaibigan ko.
"That's great. Tara!" Si Kathleen.
Ay great daw te? Anong great dun.
Gaya ng napag usapan...ng dalawa. Hays. Nag order kami ng mga pagkain atsaka isa isang binitbit sa tabing dagat.
Malinis na pala dito?
Napakalinaw ng tubig at napakaputi ng buhangin. Madami dami na ding cottages.
Wala kaming dalang pang latag kaya sa cottage nalang kami kakain. Diba? How nice? Picnic talaga to.
"Tara kain na tayo" sabi ni Limme
Nagsimula kaming kumain tatlo, rinig na rinig ang agos ng alon sa sobrang tahimik ng paligid.
Ngayon ko lang nalaman na ganito na pala to kalinis. So perf.
"Keil" tawag pansin ni Kath sa'kin.
"Oh?"
"Pwede magtanong?"
"You're already doing it Kath."
"Tss. Kamusta ka na?"
Natigilan ako sa pagkain. Like? Seriously? Tinatanong nya talaga kung kamusta na ko? Ofcourse I'm fine. Siraulo din e.
"Okay lang, bakit?" I asked.
"Nothing, nakamove on ka na?"
Wtfreak.
"Move on?" Nanginginig na ang boses ko.
"Gusto ko sana syang kalimutan pero imposible naman ata yun. Masyadong madami ang memories na iniwan nya na sobrang hirap burahin. At kung makalimutan at mabura man ang mga yun, sa isip lang. Sa puso? Mananatili pa din" nakangiting sagot ko kay Kath.
Nagsimulang pumalakpak ng mabagal si Limme.
"Slow clap" pang aasar nya sakin.
"Yes or no lang kasi te, nag speech ka naman" natatawang ani kath.
Seryoso, mahirap kalimutan ang taong ayaw magpalimot.
"Pero kung ako yung nasa posisyon mo Keil, ipapabugbog ko sya sa mga kuya mo" seryosong ani Limme.
Bigla akong nakaramdam ng panlalamig.
"My love from him became a memory I fear to remember."
BINABASA MO ANG
Owned
RomanceIf someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.