Chapter 33 TORPE

592 17 0
                                        

Ali's POV

"Sorry! I need to go." Hindi nag atubiling sinabi ni Keila.

Wait. Why?

"Keil, may nasabi ba kong mali?"

Galit nanaman ata sakin to. Lagi nalang.

Nagtuloy tuloy lang sya sa paglalakad at hindi man lang nag abalang lingunin ako.

Alam ko naman sa sarili ko na wala na kong pag asa sa kanya. Pwede nya namang sabihin sakin yun, pero wala e. Wala syang sinasabi, di nya naman sinasabing sumuko nako. That's why I'm still hoping that she'll give me a chance. Time will come, marerealize mo din ang halaga ko.

Tinawag ko nalang ang waiter at inutusan itong ibalot ang mga pagkain. Sayang naman kasi wala pa kaming nagagalaw kahit isa.

Umalis ako sa resto atsaka bumalik sa school.

'Hindi nalang muna siguro ako magpapakita sa kanya. Mas mabuti pang iwasan ko muna sya, pakiramdam ko kasi kulang nalang sindihan nya ko ng apoy sa sobrang galit nya .'

"Hey!"

Nilingon ko iyon at hindi ako nagkamali. Si Limme.

"Hi" nginitian ko naman ito.

"Naks, ayos ang ngiti natin ah. May good news ba?"

"Ah wala. Same scenario, haha." Biro ko pa dito.

Napatingin naman sya sa hawak ko.

"Uh you want?"

"What's that?" Kathleen asked.

Nakakahiyang sabihin na iyon ang pagkaing in order ko para kay Keil, pero hindi man lang nya nakain.

Kinuha ni Limme ang hawak ko. Nagulat naman ako sa ginawa nya.

"Thank you!" Ani Limme, sabay alis hila hila si Kathleen.

I knew it, naawa nanaman siya sakin. While Kathleen's still not satisfied with my strategy. Sa best friends kasi ni Keil, si Limme lang ang kasundo ko.

Si Kathleen medyo hindi, alam kong si Neil ang gusto nya para kay Keil. I mean nararamdaman ko, isa din kasi sya sa nag cocover kay Keil, if ever ayaw nitong makipagkita sakin.

Okay lang naman. Sabi nga nila, Kung mahal mo, pagtiisan mo.

I love her, too bad we have opposite feelings for each other.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon