Chapter 23 NO WAY

724 19 0
                                        

It's been a month. Paulit ulit lang naman ang nangyayari. Paminsan minsan sinusundo nya ko sa classroom para sabay kaming pumunta ng Canteen pero most of the time tinatanggihan ko yung offer nya kasi medyo naging busy din ako kaya hinahatiran nya nalang ako ng pagkain. Ganun ang naging set up naming dalawa.

Once a week din kaming nagkakasama pero syempre kasabay sila Kathleen at Limme. Iniisip ko kasi na baka magselos na sila kakasama ko kay Neil.

January na jusq. By next month February na malamang. Valentines na haha. Ano kayang ganap?

"Huy!" Nangitla ako ng hampasin ni Limme yung braso ko.

Bwesit talaga tong babaitang to. Nagmomoment ako eh. Kahit kelan talaga panira moment.

"Bakit ba kasi?" Hindi ko napigilang pagtaasan sya ng boses.

"Anong balak natin?"

"Balak saan?"

"Ayan te oh! Kanina ka pa hinihintay ng prince charming mo. Kabwesit to. Ikaw pa talaga may ganang magalit sakin ha? Jombagin kita dyan eh!" Sigaw nya sakin habang nakaturo sa bandang labas ng classroom.

As usual nagulat ulit ako ng makitang nakatayo si Neil sa gilid ng Classroom namin. Kanina pa daw sya naghihintay dun akala nga nila Kathleen eh nag aayos lang ako ng gamit kaya hindi ko agad nagawang lapitan sya.

"Tara na?" Yaya ko kela Kathleen at Limme.

"Pass ako te! Dami ko pang report na gagawin eh" ani Kathleen.

"Ha? O-okay" nagtatakang sagot ko dito.

"Ikaw Limme?" Tanong ko dito.

"Birthday ni Grandmother te! Pasensya na. Can't make it."

"Sige pabati nalang kay Lola" atsaka ko sya nginitian. Nauna namang maglakad sila Kathleen at Limme. Nagpaalam din sila kay Neil na hindi nila kami masasamahan.

Lumabas na din ako ng classroom.

"Let's go?" Tanong ko kay Neil.

There's something wrong with his face. He's smiling but he can't fool me with his eyes. Malungkot sya.

"May problema ba?"

"Nothing! Tara." Atsaka kami sabay na naglakad. Nang makalabas ng gate ng school ay saka ako kusang tumigil.

"Why?" He asked.

"May problema ka ba?" I asked him.

"Pag usapan nalang natin bukas."

"So uuwi ka na?"

"I'm sorry pero kelangan kong umuwi. Kakausapin daw kasi ako nila mom and dad" sagot nya.

"It's okay. I understand. Mauna nako?" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Keep safe" then he left me.

Hindi ko nalang masyadong pinansin ang tungkol dun. Nag drive ako pauwi at ng makarating ay hindi nako nag abalang hanapin pa sina mama. Dumiretso na'ko sa kwarto at walang ano ano'y sinarhan ang pinto.

Nahiga ako sa kama ng pataob, mga ilang sandali palang tumulo na ang mga luha sa mga mata ko.
Puro kirot lang ang nararamdaman ko.

Napakaweird na nitong nararamdaman ko.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon