Keil's POV
Good morningggggg! Sigaw ko sabay bangon ng kama. Nagsimula na 'kong mag ayos ng mga dadalhin sa school pati narin ang damit na susuotin ko.
I miss you my dearest uniformmm---
Oy! Negs! Papasok ka ba ng maaga?
Si Kuya Gab. Panira moment naman.
Oo, bakit? Takang tanong ko dito
Gagamitin ko sana yung motor mo. Ani Kuya Gab na syang ikinagulat ko?
Bakit? Sira ba yung sayo?
Hindi! Bibili lang naman ako ng Ketchup dyan sa Kanto.
Yun naman pala. Bat di pa kasi kompletohin eh?
Ah sige! Akala ko kasi ano. Oh ayang susi. Sabay hagis ko sa kanya ng susi.
Nagsimula na 'kong maligo at malamang eh nagsimula na ding maglakbay ang isip ko.
Ali? Di kita kilala? Pero bat alam agad ni Kuya? Tsk tsk. Mga tao nga talaga sa mundo, kung hindi mabilis makasagap ng balita, mabilis namang gumawa ng "balita".
Ng matapos maligo ay nagbihis na 'ko atsaka bumaba para kumain ng agahan.
Asan na sina Jade at Kane? Tanong ni Papa.
Hindi ko po alam. Di pa ba nakakababa?sagot at tanong ko naman dito.
Malamang, hahanapin ba kami ni Papa kung nandyan na kami? Si Kuya Jade.
Asarrr. Aga aga nambabadtrip. Grabe!
Nagsimula na kaming kumain ng sabay sabay at matapos nun ay kanya kanya na kaming nag paalam kena Mama at Papa.
Tig-iisang motor kami. Motor lang di afford ang kotse. Mej mahal na yun, di na namin level yun.
Mabilis kong narating ang school. Hi Guard! Bati ko sa guard namin. Effective yan pag naging close kayo palalabasin ka ng gate anytime. Just a tip from me!
Helloo Ms Felizzz! Masiglang bati din nito sa 'kin.
Atsaka ako nagsimulang maglakad sa hallway. Di naman masyadong malayo yung classroom namin dahil grade seven palang ako actually katabi ng building namin yung Canteen.
Isa isang nagsilabasan ang mga classmates ko.
San kayo pupunta? Tanong ko dun sa isa kong kaklase si Mary Ann.
Sa Science Laboratory daw.
Bakit?
Ewan. Mabilis na sagot niya sakin.
Tss. Sayang kausap netong kaklase ko. Mabilis kong inilagay sa Classroom ang bag ko at maswerte dahil naabutan ko ang isa ko pang kaklase. si Kyla.
Anong meron, Ky? Tanong ko dito.
About daw sa science festival, Keil? Di ako sure. Sagot nya.
Ah sige, salamat!
saka ako lumabas. Agad na nahanap ng mga mata ko si Limme at Kathleen.
Late ulit? Si Limme.
Hiii Kathhh! Sigaw ko.
Ay wao. Sakin wala?
Haha charot lang! Sabay bati ko din kay Limme.
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang SciLab na medyo may kalayuan din kasi sa Classroom namin.
Anong ganap? Tanong ko sa dalawa.
Pipili daw si Sir ng Contestant para sa Science Festival. Si Kath.
Ah. I said.
Isa isa kaming nagsi upuan ng mga kaklase ko. Laking gulat ko naman na na andun yung lalaki at saka yung iba pa nyang mga kaklase.
Good Morning Section Galilei! Bati sa min nung teacher.
Good Morning! Sagot naman naming magkakaklase dito.
Nagsimula ng mag paliwanag ang teacher. Pinatawag ko kayo dahil pipili na kami ng magiging contestant for the upcoming Division Science Festival na gaganapin sa San Andres.
Napag usapan narin namin ng ibang teachers ang about dito. Ang mapipili ay magsisimula ng mag review ngayon dahil next week na ang alis. Pagpapatuloy nya pa.
Seryoso? Anong marereview namin nun?
Ay joke. Di pa pala ako yung mapipili. Lord, sana hindi ako mapili. Ayoko talaga. Sana sana sana sana sana--
Ms Feliz?
Ms Feliz?
Oy Keil? Kinurot ako ni Limme, kaya bigla akong natauhan.
Ikaw yung napili naming contestant para sa Science Quiz.
Whatttt? Grabe!
I just nod.
Is that fine with you? Nagtatakang tanong naman sa 'kin ni Sir Galicha.
Yes Sir! Sagot ko naman agad sa kanya.
Okay sa Science Essay si Lean Faderogaya. Mr Faderogaya?!
Okay sir! Ani Lean.
So this year dalawang category lang ang sasalihan ng grade seven dahil ang Impromptu speaking and Sceince Tricks ay sa higher level nalang namin kukunin. Okay you can go except Keila and Lean.
Bye girl! enjoy!! Sarkastikong ani Limme.
Bye Keil! Paalam naman ni Kath.
Nang makaupo ay nakatingin parin ako sa mga kaklase kong pabalik na sa Classroom. Laking gulat ko naman ng makitang nakatingin na sa 'kin iyong lalaki kaya mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya.
Here's your reviewer. Sabay abot sakin ni Sir ng mga nagkakapalang libro.
Okay sir.
Start reviewing Physics. Saka nya pinuntahan si Lean.
Gaya nga nag sinabi ng Teacher namin ay nagsimula na 'kong mag review sa Physics. Oh cmmon keil, u can do this!!
Vote.Comment.Share

BINABASA MO ANG
Owned
RomantikIf someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.