Chapter 39 HE'S BACK!

1.1K 13 0
                                    

"Keilaaaa!" Sinigaw ni Kathleen ang pangalan ko. Seryosooo sinigaw nya talaga. Nakakahiya andami pa namang tao dito sa corridor.

Binigyan ko lang sya ng anong problema mo look?

"Halika! Omygad omygad omygad!" Halos kaunti nalang sapakin nya na 'ko sa sobrang kilig nya.

Aba aba mukhang may nakita nanaman to and for sure ikwekwento nya nanaman sakin.

"Di ka ba magsasalita?" Dagdag nya pa. "What?" Tanong ko. Hinawakan nya ang braso ko atsaka nya ko hinila papuntang court ng university.

Nag inhale exhale pa sya ng pa ulit ulit ulit ulit.
"So pano ba tooooo!! Uhm uh Keilll wag kang sisigaw wag kang iiyak wag kang titili" Paunang sabi nya pa.

"Ano ba kasi?" Tanong ka.

"Andi--" hindi nya napatuloy ang sinasabi nya ng may nakita sya. Sinundan naman ng mga mata ko kung saan sya nakatingin.

A-t.. Si Neil. Si Neil hindi ako pweding magkamali si Neil yun. Pujja ano, totoo ba to?

"Keil?"

Hinawakan ko ang braso ni Kath tsaka ko ito kinapa kapa na para bang hinahanap ko sya.

"Ano na Keil?" Si Kathleen. "Sapakin mo 'ko" sagot ko. Saka sya pumunta sa harap ko, yung tipong hindi ko na mahagilap si Neil. Pilit ko naman syang hinila ng hinila pagilid upang masilip ko sya.

"Keila Eisheree!" Tawag pansin nya pa sakin. "Anooo?" Di na ko nakatiis pa kaya nasigawan ko sya ng kaunti. "Sasapakin na kita ngayon" sagot nya sakin. Like wtf? Sineryoso nya. Nyemas.

Sa ngayon? Parang gusto ko syang lapitan at tanungin kung san sya galing? Bat ngayon lang sya nakabalik? Nagpakita? At bakit nag iba na yata sya. Hindi na sya yan e. Iba na talaga.

"Keilaaa!" Nilingon ko ito at hindi ako nagkamali. Si Limme. Halatang pagod na pagod sya sa pagtakbo kaya humingi pa sya ng alalay mula kay Kathleen. "San ka galing?" Tanong ko sa kanya. "Wag ka ng magtanong. Tara na! Mag sta-start na ang klase natin"

Ha? Bakit parang feeling ko pilit nila akong nilalayo kay Neil samantalang si Kathleen naman nagdala sakin dito. Dang it! Hindi ko na maintindihan.

Napagdesisyonan ko nalang na sumama sa kanila pero bago umalis ay sinilip ko na muli sya. Hindi nya man lang ba 'ko napapansin?

Natapos ang one hour na klase, wala man lang akong naintindihan kahit isa sa mga sinabi ni Teacher dahil masyado kung inisip ang tungkol sa kanya.

Bakit ngayon lang sya nagpakita?

Tumayo nako saka nag volunteer na burahin ang mga nakasulat sa pisara. Nagulat naman ako ng magsitayuan ang mag classmates ko at lumapit sa akin.

"Congratulations Keila!"

"Congrats Keil!"

"Galing talaga"

"Nabasa ko din yun ang galing ng concept mo! Congratulations!"

Nginitian ko sila pero hindi ko alam kung bat nila ko binabati?

Lumapit ako kena Limme at Kathleen para sana yayain silang mag recess kahit hindi naman ako gutom. Gusto ko lang talaga syang makita at makausap. Kahit ako na ang unang mag-attemp, kahit na ang mag fi- first move. Curious lang talaga ako.

"Okay. Gets na namin. Tara!" Si Limme.

Naglakad kami papuntang canteen. Hindi nga ako nabigo nakita ko syang nakaupo sa isang table ng mag isa.

Pero may hinihintay sya. Sino? Baka naman yung mga best friend nya.

Shit, Bulag ba sya? Bat hindi nya ko nakikita?

Nilapag ko ang bag ko sa table na pepwestohan namin. "Oy pag napaatras ako ng tatlong beses alam nyo ng dalawa ha?"

Breath in breathe out

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon