Chapter 36 OPLAN MOVE ON

658 13 0
                                    

"Oy brad out na muna kami" si Ryle.

Nagtaka naman si Neil sa iniasta ng kaibigan nya, bigla nitong pinatayan ng tawag si Neil.

Bakit naman kaya?

Nagmadali itong lumakad papalabas ng school.

Gusto ko na talagang umuwi sa Pilipinas. I miss my home. The home that accepts who I truly am. Ganito pala ang feeling ng ma homesick, yung gustong gusto mo ng umuwi pero hindi pwede dahil may kailangan ka pang tapusin, asikasuhin at gawin.

Ang weird lang dahil nung pinapunta ako sa Pilipinas, hindi man lang ako nakaramdam ng pagkamiss sa lugar na 'to.

Marahil ay wala naman akong naiwan dito noon. Hindi gaya ngayon, andami kong naiwan sa Pinas. Ang mas masakit pa e hindi nila alam ang tunay na dahilan kung bakit umalis ako. Umalis lang ako pero hindi ako nang iwan.

Sana lang maisip at maintindihan nya ang pinagkaiba nung dalawa. Sya ang kelangan makaunawa, dahil kung hindi nya magagawa yun, daig ko pa ang lalaking pafall atsaka umayaw ng walang dahilan.

Hindi, hindi ako ganun. Gaya ng sinabi ko, babalikan ko sya.

KEILA'S POV

Pupunta na nga akong classroom, mahirap na baka hindi nanaman ako maka attend ng next class namin. Siguradong kwekwestyunin nanaman ako ng mga teacher kong magaling lang pag may pinapagawa. Life:(

Mabuti na ding may kasama, at sina Limme at Kathleen yun. Pag mag isa lang kasi ako lagi akong nag o-overthink which is masama para sa 'kin. Dahil sa pagiging emotional ko ay nagtritrigger yung sakit ko. Kaunting kwan lang e naiiyak, nagagalit at nalulungkot agad.

Some people do not know how hard it is to conquer your problems by your own. The feeling of being tenacious in everything you do so no one can see your imperfections. And I really hate those people making fun of the word "depressed". Hindi nila alam kung ilang paraan na yung ginawa mo para makatakas sa kalungkutan, kahit saglit lang.

Isa pa na dahilan ng nakakainis na nararamdaman kong to ay dahil dun sa dalawang kaibigan nya, sinisiraan ba nila ako?

Tapos, yung about sa narinig ko na babae na ano daw yun? May gusto ata sa kanya. Sa alam mo na?! So kung totoo man yun? Edi wala na talaga. Kailangan ko na ding magsimulang mag ano. Hays. Nakakainis pa namang banggitin 'tong salita nato. Pero ayun nga, kelangan ko ng mag move on which is for me naman, kaya okay lang din.

Operation: MOVE ONNNNN! KAHIT HINDI NAMAN NAGING MAG ONNNNN! Wao amazinggg!

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon