Natapos ang araw na puno ng kalokohan, tawanan, at asaran. Nakakamiss din talagang makasama tong dalawang 'to. Talagang makakalimutan mo lahat ng problema. Grabe! Legit!
Hatid mo naman ako Keil! Si Limme.
Maglakad ka ang lapit lapit ng bahay mo eh sagot ko sa kanya. Which is true haha. Malapit lang talaga ang bahay ni Limme, siguro mga apat na kanto lang ang layo sa school.
Nakakainis naman kasi si Mommy di pa pinadala yung scooter sa 'kin. Animong inis na inis na ani pa nito.
Di ko na sya sinagot atsaka ko tiningnan si Kathleen na malalim nanaman ang iniisip. Samantalang kanina e ang hyper hyper nya pa.
Anong sasakyan mo Kath? Tanong ko dito.
May dala akong motor. Mauna na ko ha? Malayo pa ko e. Totoo nga naman dahil sa kabilang district sya nakatira. Sagot nito samin atsaka nagsimulang mag drive papalayo.
Dapat dyan kay Kath nagpapahatid sundo nalang eh, ang layo layo ba naman ng bahay nya. Si Limme.
Tsk! Umayos ka na dyan ihahatid kita. Na syang dahilan ng pag ngiti nya.
Gaya nga ng inaasahan ay pinakain na muna ako ng meryenda ng Mommy ni Limme bago pinauwi.
Ganung ganun lagi ang ganap sa t'wing inihahatid ko sya.
Habang itinatahak ko naman ang daan pauwi ay biglang sumagi sa isip ko si Kath.
Bakit parang ang lalim lalim ng iniisip nya? Di naman ganun yun dati. Kasing kulit yun ni Limme eh.
Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay. Ipinark ko lang ang motor ko atsaka ako pumasok.
Ma! Bless! Saka iniabot sa akin ni Mama ang kamay nya.
San si Papa? Takang tanong ko.
Diga't may palaro kayo sa School? Incharge ata ang papa mo dun.
Ah sige Ma! Bihis lang ako.
Atsaka ako umakyat papunta sa kwarto. Nagbihis na muna ako saka ginawa ang ilan sa mga outputs na hindi ko nagawa nung absent ako.
Naalala ko pa nung makasalubong ko si Sir Galicha kanina. Sinabi nya sakin na magkakaroon ng Science Festival Division Level. Tinanong nya ko kung nag take daw ba ko ng Qualifying Test para sa Science Quiz Bee. Sinagot ko naman sya ng hindi dahil ang iti-nake ko nun eh Science Odyssey at Science Trivia. Pero sinabi nya paring baka ako ang kuning contestant kaya mag advance reading na daw ako ng mga lessons namin.
Nakakatamad yun at malamang hindi nanaman ako makakapag attend ng ibang klase kaka-review, kung ako nga ang kukunin pero sayang din. Makakapunta ulit ako sa ibang distict kung sakali man.
Mabilis ko namang natapos yung mga outputs ko kaya paglabas ko ng kwarto ay nagsisimula palang magluto si Mama ng hapunan kaya naglinis na muna ako ng bahay.
Di na namin hinintay si Papa para sa dinner dahil mukhang matatagalan pa sya or baka san nanaman napasabit?!
Eish! Kakain na tawagin mo na yung mga Kuya mo dun. Utos sa 'kin ni Mama.
Kuyaaaa Gab! Kuyaaa Jade! Kuyaaa Kane! Kakain na daw. Sigaw ko sa mga kwarto nila. Literal na sigaw kasi kung hindi, hindi talaga nila ako maririnig.
Nang makababa ng hagdan ay nagsimula na 'kong maghanda ng kakainan atsaka nagsimulang kumain.
Bat di ka sumali ng Cheerdance Competition Eish? Tanong sa 'kin ni Kuya Kane. Nakakainsulto yung tanong na yun ng kaunti ha?
Alam mong nagka bulutong tubig eh. Agad na sagot ko dito.
Hahaha okay nga yun eh. Pang aasar pa nito sakin.
Ha-ha-ha putol putol na tawa naman ang pang aasar na isinagot ko dito.
Pero kung hindi man ako nagkasakit siguro hindi din ako sasali.
Oy kilala mo si Ali? Yung grade 9 may gusto daw sayo. Si Kuya Jade.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Who cares? Sagot ko dito.
Basketball player yun ah? Na cheer mo ba kanina? Pang aasar nya pa sa 'kin.
Tss. Nginisian ko lang sya atsaka ako pumasok sa kwarto. Tapos na din kasi akong kumain. Best way to escape hehe!
Pero naiinis talaga ako kapag inaasar ako nila Kuya ng ganun. As in iritang irita to the highest levelllll. Grabe!
But who is he? Chareng. Na curious tuloy ako bigla. Grade 9? Mmm.
Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
Owned
RomanceIf someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.
