Chapter 28 PRETENDER

672 17 0
                                    

Kathleen

Niyaya ko na si Limme para pumasok sa room ni Keila. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, hindi ko pa sya nakikita pero naluluha na 'ko.

Kung bakit naman kasi ang tanga nitong bestfriend ko. Hanep kung ma-inlove.

First time nya kasi:<

"K-k-keila" sa wakas ay nagkaroon na 'ko ng lakas ng loob para harapin sya.

Naghintay ako ng response nya pero wala. Nanatili syang nakatitig sa bintana ng silid.

"Ano ba kasing nangyayari sa yong babae ka ha? Tanga tangahan kahit hindi. Jusko anong napala mo? Ayan puro sugat ka na. Papangit ka lalo!!" Sigaw sa kanya si Limme.

Tiningnan ko ng masama si Limme. Sa mga panahon ngayon hindi dapat namin kinakausap sa ganitong paraan si Keila. Ang sabi nung nurse ay malapit na syang ma depress. Ibig sabihin lang nun kelangan nya kami, mga tunay na nagmamahal sa kanya.

"Keil? Magpagaling ka ha? Andito lang kami palagi for you." Tri-ny kung magsalita in my sweetest way.

"O-oo nga" parang nahihiya namang dugtong ni Limme. Sa wakas naman at narealize nyang physically pained si Keila hindi lang Mentally and Emotionally.

"A-a-a-san sya?" Nanghihinang tanong ni Keila ngunit hindi pa din sya nakatingin samin.

"Sino?" Tanong ni Limme.

"S-s-ya" sagot nito.

Walang nakapagsalita saming dalawa ni Limme. Kung si Neil man ang tinutukoy ni Keila, wala kaming ka ide ideya kung san sya hahagilapin sa ganitong oras.

Masyado na kasing malalim ang gabi.

Sinenyasan ako ni Limme na lumapit sa kanya na sya namang ginawa ko.

"Wait lang keil ha? Bili lang kami ng foods." Pagpapalusot ni Limme.

Lumabas kami ng room. Umuwi na muna ng saglit si Kuya Gab para makakuha ng gamit ni Keila at para masabi narin kena Tito't Tita ang nangyari.

"Alam mo ba kung san ang bahay ni Neil?" Tanong sa akin ni Limme.

"Oo medyo malayo layo nga lang dito Limme. Bakit?" I asked.

"Pupuntahan ko sya, gusto ko syang kausapin na huwag na huwag nya ng masubukang lumapit kay Keila." Sagot nya.

"What? Are you sure? Masyado ng malalim ang gabi"

"Magiging safe ako kung ipapahiram mo yung kotse mo. You know? Hand me the key!" Utos nito sakin.

Matapos ng pag uusap na iyon ay tuluyan ngang pumunta si Limme sa bahay nila Neil. Hindi ko nalang sya kwenistyon sa kung anong gusto nyang gawin, I know she's just concerned about Keila's condition. Tumungo muna ako sa pinakamalapit na convenience store para makabili ng foods, mahirap na at baka kung ano pang sabihin ni Keila. Yun pa naman ang idinahilan ni Limme.

Ng makabalik sa room ni Keila ay naabutan ko syang umiiyak. Andyan nanaman sya, malamang ay naaalala nya nanaman si Neil.

"Keil please, stop crying"

"How? If only i know how nagawa ko na."

Now this is great. She can now talk to me, ibigsabihin lang makakusap ko na sya at matatanong kung ano nga ba talagang nangyari.

"Keil. Don't get me wrong. Pwede mo bang ikwento sakin kung anong nangyari. Para naman magkaintindihan na tayo."

"Kanina sa canteen kinausap nya ko, nanghingi sya ng tawad dahil daw sa hindi nya nako masyadong nakakasama at nakakausap. Pagkatapos nun ing confront ko sya about sa pang iiwang magaganap."

"Ha? Anong pang iiwan keil?" Seryoso ba sya. Kinakabahan nako.

"Aalis sya, hindi ko alam kung saan pero sinabi nya sakin noon na aalis sya. Hindi sya dito mag-aaral ng Senior"

Wtf?

"Tapos?" Tanong ko sa kanya.

"Nung time na iyon hindi ko na kayanan. Kaya nagpaalam ako sa kanyang magstastart na ang klase natin kahit na hindi naman talaga kasi vacant. Nagtampo pa nga ako sayo nun e. Hindi mo namalayang lumabas ako ng classroom para kumain sa canteen t-tapos di mo man lang napansing umiiyak na ko pagbalik."

Omg. Super nakokonsensya na'ko. What kind of bestfriend na bako? Wala akong kwenta.

"Pero okay lang yun, uuwi sana ako ng mas maaga kaso nakita ko sya paglabas ko ng gate. Gusto nya daw akong makausap pero hindi ako pumayag. Hindi na kasi kayang i take ng utak ko yun e, lalo na ng heart ko. Kaya tumakbo ako papuntang parking lot at nag drive pauwi pero eto yung napala ko. Bigla akong natumba sa sobrang sakit ng ulo at labo ng mata."

My tears started to fall down.

"I-im sorry Keil. I'm very sorry. Kung napansin ko lang sana edi napigilan pa kita. Edi na comfort pa kita. Edi nakausap pa sana kita. Sorryyy" ani ko habang hawak hawak ang kamay nya.

"Ano ka ba? Okay lang. Buhay pa naman ako e. Mabuti nalang talaga at may tumulong sakin."

"Sino?"

"Hindi ko alam. Feeling ko lang may tumulong sakin kaya ako nandito."

Nagawa pang magbiro sa lagay nya. Yan ang nagustohan ko kay Keila. Kahit na malungkot at nasasaktan na sya, pinipilit nyang hindi ipahalata samin.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon