Chapter 40 THE TRUTH

1.4K 17 0
                                        

Biglang binalot ng bulong bulungan ang paligid sa unang hakbang ko palang. May babaeng pumasok sa canteen, at hindi sya yung pangkaraniwang babae. Pangalawang hakbang, nanlambot ang tuhod ko ng makitang papunta ang babae sa direksyong kasalukuyang tinatahak ng mga paa ko.
Pangatlong hakbang, sabay ng pag atras ay ang pagtulo ng mga luha ko. Totoo ba tong nakikita ko?Gusto kong manapak, gusto ko syang lapitan at sabunutan at sabihing "hoy alam mo ba na yang lalaking tatabihan mo ay pagmamay-ari ko?" Hinalikan nya sa pisngi si Neil. Pangalawang atras, patuloy na tumutulo ang luha ko. Pangatlo, ito na hindi ko na kaya. Tumakbo ako patungong kung saan man. Hindi ko na maintindihan bakit kailangang mangyari to? May nagawa ba ko? Tuloy tuloy lang ang pag agos ng mga luha ko.

"Ayira! Ayira!" Dinig kong may tumatawag sakin. Gising na malelate ka na sa trabaho mo. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. "Umiiyak ka nanaman? Ano nanamang nangyari sayo? Mag ayos ka na at anong oras na oh" Sino ba yang nagsasalita? Ouch! Pujja ang sakit ng ulo ko. "Tumayo ka na bilis!" At may inihagis ito sakin. Umupo ako ng bahagya sa aking kama. Wait! Kama??

"Iyon nanaman?" Napangiti na lamang ako habang pinupunasan ang mga luha ko na patuloy namang umaagos. Hindi ako makapaniwala, simula bata ako yun at yun ang napapanaginipan ko. Grabe ang galing.

May possibility pala talagang magkaroon ako ng panaginip na tulad nun? Dugtong dugtong sya, para syang telenovela na inaabangan ko gabi gabi na kung saan ako ang bida. "Hindi ka pa din kumikilos? Aba aba" si Mama. "Wait lang po Ma!" Sagot ko. Iniisip ko pa nga yung mga pangyayari sa panaginip ko e.

Napagdesisyonan kong isulat ito sa notebook. Lahat simula ng nagising ako at magaling na mula sa sakit na chicken pox hanggang sa tumakbo ako papunta sa kung saan.

Pero sino kaya yung lalaking yun? Neil ba talaga ang pangalan nun sa totoong buhay? Matapos kong maisulat ang mga pangyayari ay nagsimula na kong mag ayos dahil totoo nga malelate na ko sa trabaho.

Pagkatapos kumain ay kinuha ko kagad ang mga gamit ko sa sala at saka nag paalam kena Mama na aalis nako.

Nakakabadtrip pa namang magmaneho ng sasakyan kapag ganitong traffic. Kasalanan to nung pananginip nayun e.

Pero dahil naman sa traffic, nagkaroon ako ng chance na isipin ulit yung mga pangyayari sa panaginip ko.

Grabe! May dalawang bestfriend ako dun sino nga bayun? Si..si Limme at Kathleen. Tapos yung lalaki si Ali? Yung nagbigay ng letter? Tama yun, tapos si Neil? Grabe ang tagal ko sigurong natulog. HAHAHAHAHAHAHA pero hindi ko alam kung anong full name nung Neil nayun. Kung alam ko lang malamang e nasearch ko na sa Facebook. Facebook? Tama!!! Ise-search ko yung name ko dun sa panaginip ko sa Facebook.

Isa isa kong tinipa ang mga letra sa keyboard ng cellphone ko. Keila Eisheree Jel Feliz atsaka lumabas ang bilog na paikot ikot. Hays. Philippines nga naman. Ang bagal ng internet. Hanggang sa ayunnnnn may lumabas. Tatlong profile ang lumabas kaya isa isa ko itong binuksan, pagkabukas nung pangalawa ay nagulat ako. Totoo ba to? Keila Eisheree Jel Feliz is in a relationship with Ali Montiel hala. Omg. Para akong tangang tawa ng tawa sa loob ng kotse. Well, di pa naman umuusad ang traffic kaya istinalk ko na muna yung si Keila at Ali. Hala grabe di talaga ako makapaniwala. Totoo sila?

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon