I found myself in tears, pagkagising na pagkagising ko ay lungkot nanaman ang bumalot sa buong pagkatao ko. Magwa- one week na 'kong ganto. Umiiyak sa hindi malamang dahilan?
Ano ba kasing nangyayari sa'kin? Okay lang ba ako? Kelangan ko na yatang magpa check up. Bukod sa lagi ako umiiyak, lagi na ding nagpaparamdam ang sakit ko. Yung bigla bigla nalang akong inaatake ng asthma sa kalagitnaan ng pag iyak ko.
And for sure nahahalata ako nila kuya. This past few days lagi nilang tinatanong kung may problema daw ba ako at bakit ang laki na ng eye bugs ko. Madalas din daw akong nagpapatugtog ng malakas sa kwarto at sad song pa.
Hindi ko nalang binigyan ng atensyon ang kung ano mang nararamdaman ko. Laging ganun ang ganap iiyak tas magkukunwaring wala lang.
Charot charot din tung buhay ko eh no?
Matapos kong maligo at kumain ay nagpaalam na 'ko kayna kuya para pumasok.
"Hoy Eish!" Tawag sa'kin ni Kuya Gab.
"What?"
"If you're seeing a guy, please don't keep it as a secret. You're free to tell us para naman hindi kami magalit sayo and at the same time mabigyan ka namin ng advice." Sabi nya in a sincere way.
Dun ko naramdaman na ang swerte swerte ko talaga sa mga Kuya ko. Kahit lagi nila akong inaaway may pagkasweet pa din sila.
"Anong you're free to tell us, if you're seeing a guy I'll punch your face together with that unlucky guy." Sabat ni Kuya Jude.
"Whatever dude! Una nako"
Wondering kung bakit hindi kami sabay pumasok nila Kuya Jude and Kane? Well si Kuya Gab is college na kaya hindi talaga kami magkakasabay. It's because we're studying in different schools, nakakatawa no? I'm grade 7 while Kuya Jude is grade 8 and Kuya Kane is grade 9. Pwede namang pareho lang yung school na pasukan namin but na-ah. Isinuggest ni Kuya Gab kena Mama't papa na pagiba ibahin kami ng school. Ewan ko nga kung para san yun? Feeling ko trip nya lang talaga.
Pero okay lang din yun kasi kung same school kami? Malamang alam na nila ang about samin ni Neil. Sa sobrang tsismoso ba naman ng mga tao ngayon.
Huy ikaw Keila ha! Hindi porket hindi ka namin pinagsasabihan ay hindi mo na ititigil yang ginagawa mo.
Huy ikaw Keila ha! Hindi porket hindi ka namin pinagsasabihan ay hindi mo na ititigil yang ginagawa mo.
Huy ikaw Keila ha! Hindi porket hindi ka namin pinagsasabihan ay hindi mo na ititigil yang ginagawa mo.
Bigla naman akong natigilan sa pagkain ng paulit ulit kong marinig ang mga katagang binitawan ni Kuya Jude before. May alam sya.
Kasalukuyan kasi akong kumakain sa canteen. As usual mag isa nanaman ako kasi busy daw si Kathleen kakagawa ng outputs na hindi nya matapos tapos then si Limme naman busy kakapractice para sa contest nila ng sayaw. At ako? Medyo malungkot kasi hindi ko na sila madalas nakakasama pero okay lang din kasi lahat naman ng mga outputs and projects ko naipapasa ko one week before the deadline kaya hindi ako nahihirapan gaya ni Kathleen. Iwas hassle and stress lang ganun!
"What's up?"
Nagulat naman ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Iniangat ko ang tingin at hindi nga ako nagkamali. It's him. Neil the great.
"Kain" yaya ko sa kanya.
"Wala man lang bang I miss you dyan? February na panaman bukas"
"So what?"
"Heart's Month Keil. Duh?"
Wao. Duh? Ano daw? Duh daw. Kung balak nyang magbakla baklaan ay hindi yata ito ang tamang oras para dun. Hindi ko sya nagawang sagutin kaya sya nanaman ang nagsalita.
"Just kidding Keil. I miss you so much and I hope you feel the same way. Hays. Sorry about this past few days, hindi na kita nakakasama at nakakamusta ng maayos? Medyo busy lang kasi. You know? Grade 10 magse-senior na ko--
"At iiwan mo na 'ko?"
Okay. I'm not ready for this. Damn it.
Hindi ko naman namalayan ang sarili. Bat ko nasabi yun? Seryoso Keila Eishiree sinabi mo yun? Wth.
He cleared his throat.
"Napag usapan na natin 'to Keil diba?" Paninigurado nya sa'kin.
"Yah, napag usapan na na 'ting iiwan mo din ako. How sad? I'm gonna miss you so damn much Neil." Malungkot na sagot ko.
"Pero babalik din naman ako."
Binabalot na naman ako ng kalungkutan. Minsan na nga lang maging stress free 'tong araw na 'to sumulpot pa 'tong tukmol na 'to. Ayan tuloy nagdrama ulit.
"Pero hindi mo alam kung kelan? Natatakot ako Neil, natatakot akong maiwan. Bakit ba kasi kelangan mo pang u-umalis eh ang dali dali lang namang magstay? Bat ba kasi kelangan mo pa kong iwan kong pwede namang dito ka nalang?" I said softly and then bewm! I'm crying again. My whole body is shaking. I am so nervous, this is not the first time I confront him pero bakit ganun? Kinakabahan nanaman ako.
"K-keil I'm sorry, pero kelangan ko talagang umalis. Pero hindi naman ibigsabihin nun eh iiwan kita. Alam mo namang mahal kita diba?"
"Then why do you have to leave? If you love me you'll stay."
Hindi sya nakasagot. Expected ko na yun. Lagi namang ganito.
"Okay let's stop this. Haha okay lang ako, okay ka lang, okay lang tayo? Why do we have to feel sad and cry and cry ng paulit ulit? Dapat masaya lang tayo diba? Malapit mo na pati akong iwan kelangan na nating mag ipon ng memories together, para pag iniwan--
"Will you please stop using the word iiwan, iniwan or what so ever. Keil hindi kita iiwan, aalis lang ako, pero babalik din."
"Ganun na din yun. Ano ka ba?" Tumayo na 'ko atsaka niligpit ang mga gamit. Pinunasan ko na din ang luhang kanina pa lumalabas galing sa mata ko.
"Mauna na'ko ha? Baka malate pa ko eh mahirap nang mapagalitan." Pagpapaalam ko sa kanya. Hindi ko na inantay pang makasagot sya. Dire diretso lang ako sa classroom, nagsinungaling ako one hour vacant namin ngayon.
Wala akong ginawa kundi inubos ang isang oras kakaiyak. Mabuti nalang at last vacant namin ngayon that's why diretso uwi na. Di nako nag abalang hinatayin pa sila Limme at Kathleen. Nauna na 'kong umuwi, pero sa sobrang kamalasan nga naman.
BINABASA MO ANG
Owned
RomanceIf someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.