Chapter 35 BAD NEWS

653 15 0
                                    

Natapos ang one hour na pananatili ni Keila sa garden ay doon lang din natapos ang pag iyak nya. Hindi nya din malaman sa sarili nya kung bakit kelangan pa nyang iyakan ng iyakan si Neil gayong hindi nya naman sigurado kung kilala pa sya nito, kung alam pa ba nya ang hitsura ni Keila, kung alam pa nya ang boses ng babae at kung namimiss man lang ba sya nito.

Mabilis nyang inayos ang kanyang mukha dahil madami na ang mga estudyanteng nagsisilabasan ng classroom para mag break. Pagkatayo ay dumiretso sya sa Cr.

Nakakainis!! Bakit ba kasi kailangang paulit ulit ko syang iyakan. Punyeta! Ni hindi ko nga alam kung mayroong kahit isang katiting man lang na chance na namimiss nya 'ko e?

Halata sa mukha nya ang galit at pangigigil. Napahinto sya ng bahagya sa paglalakad ng makita nya ang dating kaklase ng binata.

"Oy musta na tayo erp?" Anito.

Erp? Sino naman kaya ang kausap ng dalawang to?

"Sigurado ka ba talaga brad na nilalandi ka nung babae? Okay ka lang ba talaga?"

And now brad naman?

"Lagot hahaha maganda ba?" Hindi ko alam pero parang gusto ko pang pakinggan ang pinaguusapan nila. Bahagya akong nagtago sa likod ng puno.

Kinuha ni Christian ang cellphone kay Ryle..

"Magdahan dahan ka dyan Neil-

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan nya.

"Pero nasasayo naman yan. Kung gusto mo namang makalimutan si Keila edi patusin mo na hahahaha kung maganda naman. Why not brad?"

Mabilis naman akong nakaramdam ng pangigigil. Did I just heard it right from Christian. Oh peter i wanna kill you right nowwww!

"Sus. Eh si Keila nga madalas ng nakikipagkita dun sa grade 10 na pinagseselosan mo dati!" Si Christian ulit.

Punyeta hindi ko na matiis.

Agad na umalis sa pagkakatago ang dalaga at sinadyang dumaan sa harap ng kaibigan ni Neil.
Bakas sa mga mukha ng dalawa ang pagkagulat.

Ano? Palag? Mga bwesit na to kung ano ano pang binabalita sa kaibigan nila.

Huminto ng bahagya si Keila atsaka humarap kena Ryle at Christian. "Hi!" Bati nya sa dalawa at dahan dahang naglakad papalayo.

Hindi naman maipinta ang hitsura ng dalawa.

Neil's POV

"Hi!" Dinig ko sa kabilang linya. Sino kaya yun? Tong mga mokong nato iniwan ko lang naging chickboy na.

"Hoyyy!" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Ano? Kasi boy! Ano e" kinakabahang ani Christian. "Loko ka kasi sabi ko naman sayo hinaan mo lang yang boses mo e."

"Oy anong nangyari? Isa ba yun sa mga chicks nyo dyan? Mga gago!" Sabi ko sa dalawa.

Sandali pang nanahimik ang dalawa.

"Mas gago ka. Si Keila yun boi!"

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Neil. Hindi nya lubos maisip na hindi nya man lang nakilala ang boses ng dalaga. Inisip nya nalang na kaya ganun ay dahil sa matagal nya na din itong hindi nakakausap.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon