Keil's POV
Kanina pa kami lakad ng lakad pero hindi parin namin nararating ang Quadrangle, sa dami ba naman ng estudyante ng eskwelahang 'to. Saglit ko pang inilibot ang mga mata ko ng makitang wala na sina Limme at Kathleen sa tabi ko.
Hanep mang-iwan tong dalawang to ah. Speed!
Wala na 'kong nagawa kundi ang maghanap ng mauupuan. Nagsimula nang maghiyawan ng pagkalakas ang mga estudyante ng magsilabasan ang mga magsisi-sayaw.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang lalaking itinuro sakin ni Limme kanina na may dalang drum. Nahati daw kasi ang grade level by unit. Grade seven and ten are considered as Unit 1 while grade eight and 9 are Unit 2.
Yes. I am grade 7. 12 years old ang bata ko nga daw pero yung isip pang matanda at ang mukha ay matured, grabe nakakainis.
Nagsimula ng magsipasukan ang mga faculties at teachers kaya medyo tumahimik na rin ang lugar at nahinto na din ako sa pag- iimagine ng kung ano ano sa isip ko.
Good Morning SMUnians! Sigaw nung head teacher ng Mapeh namin.
Nakakatawa kasi ni isa walang nag response.
Today is your free day? Why not scream and shout? Dagdag pa nito.
Naghiyawan ang mga estudyante at awtomatikong tumigil din ng akmang lalakad ang Head Teacher.
So today we're having our Intramural Meet 2016, kung saan ang mga estudyanteng may angking galing sa sports ay nadidiscover. This is their day. Pati narin iyong mga magagaling sumayaw na sumali sa Cheerdance Competition. Isang araw lang to students kaya mag- enjoy kayo at i-cheer nyo ang mga kaklase at kaibigan ninyo.
Blah blah blah
Ipinakilala nya ang kanyang guest speaker atsaka nagsimulang magsalita sa gitna ng kung ano ano. Matapos nun ay ang message ng Principal ng School at Mayor ng Municipality.
Gusto ko sanang umalis sa pwesto ko kaya lang baka may mang agaw ng upuan ko. Nanatili ako dun at nabuhayan nalang ulit ang kaluluwa ko ng magsing tunugan ang drums.
Make some noise for the Unit Oneee! Sigaw nung Head teacher.
Paglabas ng mga sasayaw eh doon ko nakita si Limme at Kathleen.
Aba at kasali pala itong dalawang mokong nato.
Nagsimula silang mag yell at sumayaw.
Doon ko lang ulit napansin iyong lalaki kanina na kasalukuyan ng nagple-play ng drums.
Mag isa lang sya? Seriously.
Okay who cares?
Nang matapos nilang sumayaw ay saka ulit umingay ang paligid.
Nice! Very energetic! Good Job Unit 1! And now the Unit Twooo! Make some noise! Sigaw ulit nung emcee.
Psst!
Psst!
Psst!
Psst!
Nagsimula na kong lumingon lingon sa paligid. Dun ko nakitang nakatayo ang dalawa sa hagdan. Sinenyasan pa nila akong dalawa na bumaba.
Grabe kayong dalawa no? Parang kanina lang iniwan nyo ko ng walang paalam tapos ngayon kung sitsitan nyo ko daig ko pa ang aso. Sabi ko sa dalawa.
Ay te hindi ba? Sagot ni Limme. Atsaka sila nagsimulang magtawanan.
Atsaka oy nagpaalam kami ah kung san san kasi lumilipad yang isip mo. Si Kathleen
Kahit na! Inis na sambit ko naman dito.
Oh! Tama na yan lika na. Samahan mo kami sa Cr, Keil. Magbibihis lang kami. Si Limme.
Gaya nga ng napagusapan eh pumunta kami sa Cr atsaka bumalik sa Quadrangle dahil ia-announce na agad ang panalo sa Cheerdance.
And the winnerrrr issss Unittttt!!
Oneeee
Twoooo
Oneeee
Twoooo
Oneeee
You got it right! Unit Two!
Di ko naman napigilang matawa sa reaksyon ng dalawa.
Sayang yang pag talon talon nyo HAHAHAHA.
At di na nila ako pinansin pa. Nagsimula silang maglakad, sumunod nalang din ako.
Pumunta kami sa convenience store sa may harap ng School.
Bumili si Limme ng Chocolate Shake, si Kath naman ay Tubig lang at ako naman Ice Cream.
Taray! Healthy lifestyle tayo te ah? Patubig tubig nalang wala ng softdrink! Ayan nanaman si Limme at nang aasar nanaman.
Alam mong Acidic yang si Binibining Kathleen. Sagot ko naman atsaka kami nagtawanan.
Napansing kong nasa malayo ang tingin ni Kath kaya ko ito sinundan.
Bat mo tinitingnan yan? Sino ba yan? Takang tanong ko.
Kasalukuyan kasi syang nakatingin sa lalaking basketball player.
Oy crush mo? Pangungulit ko pa dito.
Hindi ah! Diba sayo may gusto yan?
Eh? Tanong ko ulit. Ngayon ko nga lang napansin yan e.
Basta tinitingnan ko lang sya at iniimagine na magkasama kayo sa future! Nakangising sagot sa 'kin ni Kathleen.
Itinulak ko sya ng bahagya at saka ako nagsalita. Bastos neto, pangit mag-imagine ng ganyan uy! Baka bangungutin ka mamayang gabi.
Joke ba yun? Tara na. Yaya samin ni Limme.
Basaggggg! Basag nanaman ako, bakit ba naman kasi wala lagi ako sa hulog kung mag biro.
Paglabas ng store ay saka kami nag simulang maglibot ng school. Pinuntahan namin lahat ng laban. Atsaka ng sisigaw sa kung sino sino. Umupo din kami sa bench malapit sa field kung saan pinagtatawanan namin ang mga taong dumadaan. Oo, ganun na ganun kami kaabnormal.
Vote.Comment.Share!
BINABASA MO ANG
Owned
RomanceIf someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.