Chapter 27 YOUR FAULT

665 17 0
                                        

Neil

"Welcome home my son" sinalubong ako ng yakap ni Mommy.

Nakakamiss din tong bahay nato pero mas namimiss ko ang Pinas. Lalo na sya, kamusta na kaya sya? Sana hindi sya galit sa'kin lalo na't hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.

Flashback

Kumalas na sya sa pagkakahawak ko. Mabilis syang tumakbo papuntang parking lot. Batid kong uuwi na sya pero gusto ko pa syang makausap. Gusto kong ipaalam sa kanya na aalis na 'ko. Gusto ko syang yakapin bago ako umalis. Gusto ko syang makasama.

"Keila" i whispered.

*Phone rings*

"Yes Dad?" I said.

"Where are you?"

"School. Bakit?"

"Go home. You need to pack your things. Bukas na ang alis natin"

Bewm. I'm dead. I lost my chance na makausap pa si Keila.

"Son still there?"

"Yes dad. I'm coming home."

Mabilis akong tumakbo sa parking lot, nagbabakasaling maabutan ko pa sya. Hindi ko na iniinda ang sakit at pagod. Gustong gusto ko syang makita at makausap.

Pero nabigo ako, wala na sya dun. Sumakay ako sa kotse ko. Ipinukpok ang ulo sa manubela ng paulit ulit atsaka umiyak.

"I love you Keila since the day I saw you"

End of Flashback

"Aren't you going to help your dad?" Tanong ni Mom.

Tiningnan ko lang sya.

"Just kidding my son. Bawal kang mapagod."

Hindi ko nalang sya pinansin. Sa halip ay dire diretso akong umakyat sa kwarto ko. Matapos kong mag ayos ng mga gamit ko ay saka ako natulog.

Limme

"Limme!" Tawag sa 'kin ni Kathleen. Kakatapos ko lang magpractice. Sobrang nakakapagod. Mas dumoble kasi ang bilis ng pagsasayaw namin ngayon compare dati.

"Limme! Binge!"

Wtf?

"Whattt?" I asked her.

"Halika nga dito".

Bumaba ako ng stage matapos kong makainom ng tubig. 

"Bakit ba?"

Huminga pa sya ng napakalalim. "Si K-keila"

"Sila na ni Neil. Oo ganun naman talaga yun e dumating lang si Neil sa buhay nya nakalimut na satin. Alam ko namang dun din sila dadating. Mabuti pako kahit nung andyan na si Jak---

"Manahimik ka na nga muna."

Wao. This is great. Now I'm nervous.

"Si K-keila Limme si Keila"

Wtf? Bat umiiyak si Kathleen.

"Bat ka umiiyak? Anong nangyari kay Keila?" Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Masyado ng lumalakas ang boses ko.

"Nasa ospital si Keila."

"Ha? Panong nangyari yun? Eh diba nga--

"Wala pang dismissal umuwi na agad sya tapos may nakakita nalang sa kanyang nakahiga na sya sa daan. Ang mahirap pa nito nakasakay sya sa motor nung nangyari yun that's why mas malala pa ang lagay nya sa inaakala natin"

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Iniisip ko na kung sana hindi kami naging cold sa kanya, hindi sana nangyari to.

"Ano na Limme? Tara na pumunta na tayo sa hospital"

Mabilis akong nagpalit ng damit at nagpaalam sa leader namin. Saka kami tumungo kay Keila.

Naabutan naming nakatayo si Kuya Gab sa labas ng room kung saan ginagamot pa ang ilan sa mga sugat ni Keila.

"Kuya Gab" tawag ko sa kanya.

"Limme, Kathleen. Don't worry okay naman na sya ginagamot nalang ang ilan sa mga sugat nya."

Lumabas na ang nurse.

"Pwede po ba kaming pumasok sa loob?

"Ah yes. Nagpapahinga nalang sya. She needs comfort from her love ones. Hindi naman sya depressed pero papunta na sya dun. Kinakausap nyo naman po ba sya?" Dinig kong tanong nung Nurse kay Kuya Gab.

I feel guilt.

"Medyo hindi na nga po namin sya nakakausap dahil umaalis sya ng maaga sa bahay at late na minsan kung umuwi. Ang dinadahilan nya lagi ay kasama nya kayo" sabay tingin samin ni Kuya Gab.

No it's not because of us. It's Neil's fault kung bat naging ganyan si Keila.

"Habang ginagamot ko kasi ang mga sugat ng pasyente ay umiiyak sya. Tinatanong ko naman sya kung masakit ba ang mga sugat nya pero hindi naman sumasagot". Mahabang explanation pa nung nurse.

"Okay. Thanks Nurse. Kami ng bahala dito" ani Kathleen.

You're free to message me on facebook @sairafontamillas

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon