Chapter 24 WAE?

656 17 2
                                        

Alam kong may mali, nagkukunwari lang akong hindi ko napapansin.

Sabi nila lahat ng relasyon sa una lang masaya? Bat yung samin una palang hindi na agad masaya? Dahil ba sa wala naman talagang kami?

Feeling ko pati mga bestfriend ko may tampo sakin? Bihira ko lang namang nakaksama si Neil, mas madalas ko pa nga silang kasama.

Ilang sandali pa ay bumangon nako atsaka nag ayos ng sarili. Kumain na muna ako sa baba atsaka umakyat muli sa kwarto para maligo.

"Kelangan bang magkaroon ng tayo?" Bulong ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.

Bago matulog ay napag isip isipan ko din ang tungkol sa sinabi ni Neil. Parang ngayon lang yata sila magkakausap usap ng Mommy't Daddy nya. Malamang importante yun kasi hindi naman siguro yun uuwi kagad kanina kung hindi.

Saglit pa 'kong nag gunam gunam atsaka nakatulog.

Pagkagising na pagkagising ay nagmadali akong mag ayos ng sarili para maaga akong makapunta sa school.

"Napapadalas ang pagiging maaga natin ah?" Si Kuya Kane. Hindi ko sya pinansin, sa halip nagdire diretso ako sa lamesa para maghanap ng makakain. Wala naman akong trip na kainin dito.

"San sina Mama?" Tanong ko kena kuya.

"Ayan palibhasa maaga umalis at late umuwi wala kang kaalam alam!" Sagot sa'kin ni Kuya Gab.

"Asan nga kasi?"

"Nasa Mindoro!" Sagot nito.

Wth? Anong ginagawa nila dun?

"Huy ikaw Keila ha! Hindi porket hindi ka namin pinagsasabihan ay hindi mo na ititigil yang ginagawa mo"

"Ano bang ginagawa ko?" Pabalang na sagot ko dito.

"Huwag mo 'kong hintayin na maisumbong pa kita kena Mama't Papa" ani Kuya Jude.

Mukhang alam ko na kung anong pinagsasabi niya.
Wala naman talaga akong ginagawang mali ah? Tsaka pake ba nila? Nag-aaral naman ako ng mabuti.

Hindi ko na sya sinagot atsaka nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Agad ko namang pinaandar ang motor ko atsaka ito pinaharurot patungong school.

Nagulat naman ako ng makitang nakatayo si Neil sa gate kasama si Ali. Nag-uusap ba sila? Kelan pa sila naging close.

Nakita ko pang tinapik tapik ni Neil ang balikat ni Ali atsaka ito iniwan. Hindi nya ba napansing andito ako? Nakakainis naman.

Naglakad nalang ako papuntang classroom. Puro sermon ang inabot ko kena Kathleen at Limme ng sabihin kong iniyakan ko sila kagabi. Kumo patay daw ba sila para iyakan?

Maswerte pa din ako dahil may mga kaibigan akong tulad nila.

Mabilis na natapos ng sunod sunod ang klase namin. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng pagkabagot during our class which is very weird.

Nang magtanong sila Limme at Kathleen kung may ganap daw ba ngayong uwian agad ko naman silang sinagot na wala.

At dun ako nakaramdam ng kaba, biglang bumalik sa isipan ko ang mga sinabi nila Kuya. Ganun na ba ako kawalang hiyang anak na hindi ko man napansing papaalis at umalis ang magulang ko. Siguro nga masyado ko ng sineseryoso ang kung meron kami ni Neil.

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon