Gaya ng nakasaad sa schedule na ipinakita samin ni Sir Galicha ay ganun nga ang nangyari.
Maaga pa akong nagising dahil anim din kami sa room kaya siguradong mahihirapan kami sa pagligo. Mas minabuti kong magising ng 4 am kahit na 6 am pa kami pinaghahanda. Gaya ng araw araw kong ginagawa ay nagbukas na muna ako ng mga social media accounts ko.
Mga 4:30 ay nagsimula na 'kong mag boil ng tubig para sa noodles na kakainin ko. Hehe noodles lagi. Noodles is life. Napagdesisyonan ko ding lumabas pero masyado pang madilim sa labas kaya bumalik nalang ulit ako sa loob. Magaalas singko na din ako naghanda para maligo.
"Ang aga mo namang nagising?" Si Kuya Neil.
Nagulat naman ako sa kanya.
"Mahirap na kasi mamaya marami tayong maliligo." Sabi ko naman dito.
"Ah sige. Maligo ka na akong sunod."
Luh? Why Lord? Nakakahiya naman to huhu. Pero sige nalang tss.
Di ko nalang sya sinagot sa halip ay pumasok nako sa bathroom atsaka naligo. Inabot din ako ng halos kalahating oras sa paliligo.
"Ang bilis mo namang maligo. Tss" Kuya Neil smirked.
Wao ha? Eh sa nauna naman ako sa kanya.
"Tss" singhal ko din sa kanya. Dun ko lang narealized marami na ding gising at nagsisihandaan para sa opening program. Matagal nga siguro akong maligo? Sorry naman no? HAHAHAHA.
"Pagkatapos na pagkatapos nyo dyan ay dumiretso na kayo sa hall at may opening program ngayon." anunsyo ni Sir.
Nagsitunguan naman ang karamihan at may iilang sumagot ng opo.
"Sir! Pwede po bang lumabas na muna ako?" Pakikiusap ko kay sir.
"Bakit?" He asked.
"Maghahanap lang po ako ng kakainan"
"Okay but bumalik ka kagad para sabay sabay nalang tayong pumunta sa hall."
I just nod atsaka lumabas ng bahay. Habang naglalakad sa daan ay nakakaramdam na' ko ng hiya dahil nakatingin sila sa 'kin. Nakauniform kasi ako at malamang hindi sila familiar sa uniform nato. Tss.
Naghanap ako ng pwedeng makainan ng pancakes at mabuti nalang meron nga. Wahhh pwede bang magstay ng one or two months dito? Daming kainan eh.
Matapos kong kumain ay saka ako bumalik ng bahay, pagdating ko naman dun ay mukhang ako nalang ang hinihintay nila.
"Andyan na si Keila, sir" si Lean.
"Okay. Let's go." Ani Sir.
Sabi pa eh hahaha!
Nagsimula na kaming maglakad papuntang SALU.
"Paimportante ka masyado." Si Kuya Neil nanaman.
What? He's a freak. Isa mo pa papatulan na kita.
Hindi ko na sya pinansin. Bwesit ka talagaaaa!
Matapos ng nakakabagot na opening program ay nagsimula na ang Contest Proper. As usual naunang lumaban ang mga contestants ng Science Quiz. Pumasok na 'ko sa room kung san kami maglalaban.
Nahati sa dalawang Phase ang Science Quiz. Kumbaga sa Phase 1 ay ang elimination round at ang ang Phase 2 ay ang finale.
Nagsimula ng magbigay ng instructions ang proctor atsaka kami nagsimulang sumagot ng questionnaire.
Medyo familiar sakin to ah. Nice.
Yay! Tapos na 'ko! Ni-review ko nalang ng kaunti atsaka ko pinasa yung paper ko. Hindi naman ako yung unang nakatapos pero atleast nakatapos. Diba? Atat na din kasi akong makalabas ng room at kumain. Ulit haha. Food is life. Sinalubong ako ni Sir Galicha at tinanong kung kamusta naman daw sinabi ko namang familiar nga sakin ang mga tanong kaya binigyan nya nalang ako ng wow-goodjob-may pag-asa-ka look.
VOTE. COMMENT. SHARE.

BINABASA MO ANG
Owned
RomansaIf someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.