Mabilis kong bintiwan ang kinakain atsaka binuksan ang zipper ng bag.
"Anong letter te?" Tanong sakin ni Limme.
"May binigay kasing letter si Guard sa kin."
Natigilan naman ako sa paghahanap ng matahimik silang dalawa.
Binigyan nila ako ng May-something-sa-inyo-ni-guard? look.
"Baliw. May nagpaabot sa kanya"
"Defensive" pangaasar sakin ni Kathleen.
"Whatever"
Saka ko inisa isa ang mga notebooks ko, nagbabakasakaling naipit ko ito sa mga pages.
San ko ba kasi nalagay yun?
"Mamaya ko na nga lang hahanapin"
"Limme, si Jake oh!" Giit ni Kathleen.
Tiningnan ko naman ang direksyon kung saan silang dalawa nakatingin.
"Para sakin yang letter?" Tanong ni Limme kay Jake.
Ngayon ko lang napansing may hawak hawak na letter si Jake.
"Hindi, para kay Keila to. Keila oh!" Sabay abot nito sakin.
Tekaaaa! Pareho to nung binigay ni Guard.
"Kanino galing?" Pinilit kong hindi magpahalata na nagtataka.
"Kay Neil. Pinapabigay nya."
Damn it. Sabi pa sa kanya galing eh.
Kinuha ko ang letter atsaka nagsimulang naglakad papalayo.
"Baliw!" Dinig ko pang sigaw sa'kin ni Limme.
"Sana lang basahin nya muna bago itapon" dagdag pa ni Kathleen.
Hindi ko naman to itatapon, haha. Balak kong pumunta sa Library para mas private.
Private? Charot haha.
Pagpasok na pagpasok sa Library ay nakita ko agad si Ali.
"H-hi" nauutal na ani nito habang nakatingin sa hawak ko.
Mabilis ko namang nilagay ang kamay sa likod.
"Hello!" Masayang bati ko dito.
Saka ko sya iniwan at naghanap ng pwesto.
"Perf!" Bulong ko ng makapwesto sa favorite kong table.
Mabilis kong binuksan ang sobre na may white Christmas theme.
Rk naman po.
Hi! I'm greeting you an advance Merry Christmas and a Happy new year. I don't know kung makakapagpakilala pa ko sa yo. Medyo nahihiya kasi akong lumapit at isa pa madaming nakatingin sayo lagi, isa na 'ko dun. Medyo senseless to pero sana mapansin mo din ako kahit minsan.
Secretly admiring you,
Mr. Secret.Hanep. Baliw din tong si Neil haha. Hindi daw pinapansin? Lagi nga syang nagpapapansin eh. Nahihiya daw? Lol.
Ipinasok kong muli ang letter sa loob ng sobre at isinilid ito sa bag. Mahirap na at baka mahulog ko nanaman gaya ng kanina.
May pa Mr. Secret pa eh sinabi na din naman ni Jake kung kanino galing. Palabiro talaga.
Sandali ko pang nahuli si Ali na nakasulyap sakin. Nginitian ko nalang sya atsaka ako lumabas ng library.
Nagulat naman ako ng makitang nakatayo sa gilid ng pinto si Neil.
"What are you doing here?" I asked.
"No one cares. Unless you do?" Pagdidiin pa nito sa mga salita.
"Yes I do." Sagot ko dito.
Nagulat naman sya sa sagot ko pero mas ikinagulat ko ang pag akbay nya sa 'kin.
Tinahak namin ang daan papuntang Meditation garden ng school.
"Wag mo nga akong akbayan!" Iritang ani ko.
"Ngayon ka lang talaga umangal kung san nandito na tayo haha" nakangising giit nya.
"Tss."
"Pwede ka ng umamin sakin" Neil.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang anytime eh hihimatayin nako sa pwesto kong to. Seryoso ba?
Ano ba kasing pinagsasabi nya huhu.
"Okay ako nalang ang aamin." Saka sya nagsalitang muli ng..
"Gusto kita"
BINABASA MO ANG
Owned
RomanceIf someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.