3rd Chapter

3.4K 141 13
                                        

DECEMBER 11, 2007

VINCENT did it again.

Katabi ni Wendy si Vincent kaya hindi niya maiwasang tingnan ito kapag hindi ito nakatingin. Ewan ba niya pero kahit alam niyang wala naman siyang pag-asa sa lalaki na halatang si Gia ang gusto, hindi pa rin mawala-wala ang pagka-crush niya rito. Nararamdaman na niya ito simula pa lang no'ng freshman year nila at habang tumatagal, mas lalo lang 'yong nagiging seryoso.

No, saway niya sa sarili. Gia is your best friend. Don't betray her.

"Wendy, if you're going to say something, say it instead of looking at me like that."

Napasinghap si Wendy sa gulat dahil sa sinabi ni Vincent na katabi niya sa seating arrangement. Hindi niya napigil ang pag-iinit ng mga pisngi nang lingunin siya ng lalaki at tingnan habang halatang hinihintay ang sasabihin niya.

Ano bang sasabihin ko? Na gustong-gusto ko na parati kang malinis at mabango kahit after P.E class unlike the other boys in our class? Na natutuwa ako na puting-puti at hindi nagugusot ang uniform mo? Na naririnig at binibigyan mo ko ng attention kapag nagsasalita ako?

"I can't read minds," sabi ni Vincent sa impatient na boses. Pagkatapos, marahan nitong tinapik sa noo niya ang dulo ng hawak nitong gel pen. Hindi malakas 'yon at normal lang dito ang gawin 'yon sa mga kaibigan kaya hindi 'yon ma-ka-classify bilang violence. In fact, natutuwa pa nga siya kasi ibig sabihin niyon, kaibigan siya nito. Kilala kasi ang lalaki na suplado at hindi namamansin sa mga hindi nito ka-close. "Wendy, can I say something that may or may not offend you?"

Mabilis siyang tumango at in-adjust ang frame ng eyeglasses niya. Mannerism na niya 'yon kapag kinakabahan o excited siya. Ngayon, pareho niyang nararamdaman ang mga iyon. "Uhm, s-sure."

"You should practice talking clearly and loudly," seryosong sabi ng lalaki. "Kapag nagsasalita ka, kailangan mong kunin ang atensiyon ng mga kausap mo or else, hindi ka nila papansinin."

Bumaba sa desk ng armchair ang tingin niya.

Hindi naman si Vincent ang unang nagsabi niyon sa kanya. Freshman year pa lang nila, sinabi na rin sa kanya ni Gia na kailangan niyang magkaro'n ng confidence kapag nagsasalita siya. Pero hindi naman gano'n kadaling gawin 'yon dahil hindi siya confident. Pa'no siya magkakaro'n ng kumpiyansa sa sarili kung parati siyang na-bu-bully dahil "maitim" at marami siyang pimples?

"Don't do that," marahang saway sa kanya ni Vincent. Nilagay nito ang gel pen sa ilalim ng baba niya at ginamit 'yon para maingat na iangat ang mukha niya. "Other people will think you're a pushover if you do that. Kailangan mong tingnan sa mga mata ang kausap mo. Gets mo?"

Tumango lang siya. Gets naman niya. Mahirap lang i-execute ang gusto nitong gawin niya.

"Good," tumatangong sabi nito, saka inalis ang gel pen sa baba niya at hinarap na uli ang MP4 player na kanina pa nito kinakalikot.

"V-Vincent..."

Alam niyang narinig siya ng lalaki pero halatang hindi siya nito pinansin.

Dahil ba mahina na naman ang boses ko?

Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Nakakapag-usap lang sila ng ganito dahil lumabas ang Math teacher nila na tinawag ng isa pang teacher. Kapag bumalik na si Ma'am, hindi na uli siya magkakaro'n ng chance 'masolo' ang lalaki. Vacant period na kasi ang susunod at alam naman niyang hindi na mapaghihiwalay sina Vincent at Gia mamaya. "Vincent," mas malakas na pagtawag niya rito pagkatapos ng tatlong minutong pag-iipon ng lakas ng loob. "May question ako."

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon