23rd Chapter

1.5K 95 10
                                    

TUMUNOG ang doorbell.

"Si Aron Anderson na siguro 'yan," sabi ni Jeremy, saka tumayo at maingat na ipinatong sa sofa ang nakatiklop na kumot. "Ako na ang magbubukas ng gate," sabi nito, saka lumabas ng bahay.

Tumayo naman si Gia at excited na naghintay.

Ngayong magaang na ang pakiramdam niya, nagdesisyon siyang kumustahin ang mga kaibigan. Nasimulan na niya kay Maj kaninang madaling-araw kaya ngayon naman, si Aron ang kanyang kukumustahin. Kakalimutan muna niya sina Vincent at Wendy.

Siyempre, pagbalik ng pamilya niya mula sa Hong Kong, babawi rin siya sa mga ito.

"Gia, I didn't know what's going on, but happy birthday!" masiglang bati ni Aron pagpasok pa lang nito kasunod ni Jeremy na may bitbit na dalawang malaking plastic bag sa isang kamay lang at sa amoy pa lang ng mga iyon, halatang masarap na putahe na ang laman. Napansin naman ni Gia ang box ng cake sa isang kamay ni Aron at makukulay na lobo naman sa kabila. "You're sweet sixteen now. Nakaka-proud!"

Bumungisngis si Gia dahil masaya siyang malaman na walang tanong-tanong na sinasakyan ng mga kaibigan ang kakaiba niyang 'trip.' O baka alam ng mga ito na ine-enjoy lang niya ang mga bagay na hindi niya na-experience at hindi na mae-experience kaya todo suporta sa kanya. "Thank you, Aron." Bumaba ang tingin niya sa dala nitong box nang huminto ang lalaki sa tapat niya. "'Yan na ba 'yong ice cream cake? Puwede na ba nating tikman 'yon?"

"Kumain muna tayo ng lunch bago ka mag-dessert, Gia," gentle na sabi ni Jeremy nang lumapit sa kanila ni Aron. Binigyan siya nito ng nananaway na tingin bago tumingin sa kanyang kaibigan. "Aron, do you mind if I take the ice cream cake and put it in the fridge first?"

Nanlaki ang mga mata ni Gia habang binibigyan ng hindi makapaniwalang tingin si Jeremy. "Hey..."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Aron kina Gia at Jeremy bago nito iniabot ang box ng ice cream cake kay Jeremy. "Sure."

Kinuha ni Jeremy ang box bago muling hinarap si Gia. "Hindi ka na makakakain ng lunch kung uunahin mo ang dessert." Tumaas ang mga kilay nito at naging playful ang tingin sa kanya. Parang ngang teasing tone din ang ginamit nito nang muling magsalita habang naglalakad palayo. "And be careful. Baka mahulog na 'yang eyeballs mo sa socket."

Natawa si Gia at pabirong tiningnan nang masama si Jeremy, pero likod na lang nito ang naabutan niya hanggang sa nawala na ito sa loob ng kusina. "Ang bully mo, ha!"

"I didn't know Jeremy has this side until now," nangingiting komento ni Aron habang nakatingin sa pinto ng kusina. "I used to hangout with Jericho and the boys from 3-1a lot back in college. Minsan, sumasama si Jeremy sa mga gimik namin sa bar, pero hindi naman siya gaanong nakiki-socialize at umaalis din agad. Kahit no'ng celebration party ni Jericho para sa pagkakapasa sa LET, umalis din agad si Jeremy.Sa instances na 'yon, reserved lang siya at parating seryoso." Binigyan si Gia ng kaibigan ng naaaliw na tingin. "Hindi ko alam na marunong pala siyang makipagbiruan."

Nagkibit-balikat si Gia. "Wala naman akong napansing malaking pagbabago kay Jeremy. Parang siya pa rin 'yong mahiyain at gentle na Kuya Jeremy ko no'ng high school."

"Si Jeremy, mahiyain?" natatawang tanong ni Aron habang umiiling-iling. "He might be reserved, but I once saw him making out with this hot chick in a barand it was anything but gentle..." Unti-unti itong natigilan at marahang tinapik-tapik ng kamay ang bibig. "Bata nga pala ang kausap ko. Sorry."

Tinawanan lang iyon ni Gia dahil hindi naman siya interesado sa love life ni Jeremy at nirerespeto niya ang private life ng lalaki. "Anyway, Aron, I'm really happy to see you again. Nasabi sa 'kin ni Jeremy ang mga nagawa ng pamilya mo para sa 'kin at sa pamilya ko. Lalo na ang mommy mo na isa pala sa mga doktor ko no'ng na-coma ako." Niyakap niya ito sa baywang at tiningala. Noong una, halatang nabigla si Aron, pero mabilis ding ngumiti habang nakatunghay sa kanya. Para ngang emosyonal pa ito. "Thank you. Hindi ko 'to masasabi nang personal sa mga magulang mo, pero malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila. I miss Tita Arna, Tito Arnold, and Ate Amber so much."

"They miss you too, Gia," nakangiting sabi nito. "Parte ka ng pamilya namin at hindi na 'yon mababago sa kabila ng mga nangyari." Niyakap din siya nito. "I've missed you, baby girl."

Ngumiti lang siya nang halikan pa siya nito sa noo.

"Anyway, I have very good news for you," excited na sabi ng lalaki nang kumalas sa yakap niya, saka iniabot sa kanya ang dalang makukulay na mga lobo. "Kaya nga natuwa ako no'ng sinabi mo kaninang nag-decide ka na 16th birthday mo ngayon. Ito na ang magiging regalo ko sa 'yo."

"Ano 'yon?" excited din na tanong ni Gia.

Natatawang hinawakan siya ni Aron sa mga balikat. "Your family is back in the country!"

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon