10th Chapter

1.9K 83 1
                                    

BINILISAN ni Gia ang pagkain dahil excited siya sa FB na sinasabi ni Jeremy.

Hindi naman masyadong mapakal ang mukha niya kaya pagkatapos niyang kumain, niligpit niya ang mesa at hinugasan niya ang mga plato at kawali. Nang matapos siya sa ginagawa, saka lang siya lumabas ng kusina at dumeretso sa living room.

Naabutan niya si Jeremy na nakasalampak sa sahig at nakaharap sa coffee table kung saan may nakapatong na...

"Laptop ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Gia, saka siya nag-lotus position sa tabi ng lalaki para silipin ang laptop. "Lahat ba ng gadget ngayon, maliit na? Pero naaalala ko na nakita ko na sa TV 'yong ganyan. Pero hindi pa 'yan masyadong uso kasi mahal." Nangalumbaba siya habang nag-iisip at hindi maalis ang tingin sa screen. "Ah, oo. Netbook ang tawag d'yan, 'di ba?"

"May netbook nga pero mas tamang sabihing laptop 'yan," paliwanag ni Jeremy. "Mas malaki ang laptop kesa sa netbook at mas pang-heavy duty. Anyway, I'll introduce FB to you. This works like Friendster. Puwede mong mahanap ang kahit sinong may FB account ngayon lalo na kung alam mo ang full name o username ng hahanapin mo."

"Okay. May "FB" din ba ako?"

"Wala," sagot nito habang busy sa pag-type sa keyboard. "Hindi ka mahilig sa social media."

"Pero gusto ko ang Friendster. Kaya bakit hindi ko nagustuhan ang FB?"

"Uhm, wala kayong social media account ni Vincent dahil ayaw niyong may makasilip sa relasyon niyo," paliwanag nito. "Kahit na public figure kayo pareho, gusto niyo pa rin ng privacy."

"Ahh," tumatango-tangong komento niya. Hindi pa rin niya naiintindihan 'yon pero nagdesisyon siyang magtiwala na lang kay Vincent at sa adult version niya. Saka na-distract na siya nang makita ang nakabukas na website sa laptop ni Jeremy kung saan nakita niya ang picture at full name nito. "'Yan na ba 'yong account mo?" Dumukwang siya para idikit ang tainga niya sa screen. "Bakit walang background music? Ang sabi mo, parang Friendster lang 'yan?" Binigyan niya ng nagdududang tingin ang lalaki habang nakadikit pa rin ang tainga sa screen. "Hindi naman, eh. Ang plain din ng lay-out at theme ng account mo. Hindi gaya sa Friendster na puwedeng lagyan ng glitters at palitan ang cursor."

Tumingin sa kanya si Jeremy at tumawa ng malakas. Mukhang hindi na nito mapigilan na matawa sa pagiging ignorante niya sa technology ngayon. Pero hindi naman siya nainsulto dahil nakikita niya ang pagkaaliw sa mukha nito. "You're so cute, Gia. Muntik ko nang makalimutan kung ga'no ka ka-cute at ka-inosente." Sa pagkagulat niya, umangat ang kamay nito at marahang hinaplos ang pisngi niya. Parang mas naging gentle din ang mukha nito. "I've missed you."

"Bakit? Hindi na ba cute at inosente ang adult version ko?" Sumimangot siya at pumalataktak. "Nagbago ba ang values ko no'ng tumanda ako?"

Ngumiti ito at umiling, pagkatapos, inalis na ang kamay sa pisngi niya. "Hindi naman sa gano'n. Hindi mo pa maiintindihan pero habang tumatanda ang isang tao, mas dumarami din ang emosyon niya. Bata ka pa kaya ganyan ka pa ka-inosente." Bago pa siya makapagtanong kung ano ang ibig nitong sabihin, marahan na nitong "inusod" ng kamay ang mukha niya palayo sa screen. "Anyway, sino ba ang una mong gustong hanapin sa mga kaibigan mo?"

"Si Vincent!"

"Wala nga siyang social media account. Puro fake accounts lang since marami siyang fans."

"Ahh," tumatango-tangong sabi niya. "Si Maj na lang muna ang hanapin natin."

"Okay," sagot nito. Nagsimula na itong i-type ang 'Maj Sy' sa search box. Maraming lumabas na account na may gano'n ding pangalan. Pero base sa nakita niyang mga picture, wala sa mga 'yon ang kaibigan niya. Pero nang i-type nito ang full name ni Maj, nakita agad nila ang account ng babae. "We found her. 'Yong display picture, siya 'yan, 'di ba?"

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon