30th Chapter

2K 97 12
                                    

December 20, 2017 (7:11 PM)

NAPANGITI si Gia dahil nagustuhan niya ang nakikita sa salamin pagkatapos siyang ayusan ng hairstylist at make-up artist na ipinatawag ni Jeremy kanina para ayusan siya. Nakaalis na ang dalawang babaeng nagpaganda sa kanya kaya ngayon, hindi na siya nahihiyang titigan nang matagal ang sarili sa harap ng full-length mirror.

Suot na niya ang short-sleeved little black dress with white collar na binili nila sa mall kaninang hapon, at itinerno niya iyon sa white sneakers na isa sa mga biniling sapatos ni Wendy para sa kanya noon. Sinend niya kay Maj ang picture ng dress (gamit ang Facebook account ni Jeremy) at ito ang nagsabi sa kanya na bagay ang white sneakers sa damit dahil wala siyang formal shoes.

Nakalugay ang kanyang buhok,pero may braid pa rin. Itinirintas ng hairstylist ang kalahati ng buhok niya sa bandang taas at iniikot iyon sa itaas ng kanyang ulo na parang korona. Medyo aalon-alon pa sa ibaba ang buhok niya kaya nagkaroon ng touch ng sophistication.

Light lang ang kanyang makeup dahil ayon sa make-up artist kanina, mas bagay daw sa teenager na gaya niya ang 'no makeup look.'Inayos lang nitoang kanyang kilay at nilagyan ng pink lipstick at kaunting blush-on sa mga pisngi at voila, lalo siyang nagmukhang fresh.

"Hindi pa rin ako mukhang adult," naka-pout na reklamo ni Gia. Nagustuhan naman niya ang kanyang ayos, pero hindi niya na-achieve ang 'adult look' na gusto niya sana. "Bahala na nga. Ang mahalaga naman, ma-celebrate ko ang 18th birthday ko ngayon."

Nag-spray siya ng women's perfume na ibinigay ni Maj sa kanya. Mas elegante ang amoy niyon kaysa sa cologne na ginagamit niya noon. Nang makontento sa kanyang hitsura, lumabas na siya ng kuwarto. Pababa pa lang ng hagdan, napansin na ni Gia na nakapatay ang mga ilaw sa loob ng malaking bahay. Pero mula sa labas ng mga bintana, nakikita niya ang kumukurap-kurap na mga bumbilya.

Wah! Naikabit na ni Jeremy 'yong Christmas lights at colorful bulbs na binili namin kanina!

Patakbo siyang lumabas ng bahay dahil nagdesisyon sila kanina na sa garden magse-set up ng mesa para maisabit sa mga puno at halaman sa paligidang mga ilaw na binili nila. At iyon nga ang naabutan niya sa malawak na garden. Bukod sa pabilog na mesa na may red tablecloth at dalawang silya, napansin at narinig din niya ang gentle na pagtugtog ng kung anong violin piece. Mukhang sa phone na nakakabit sa speaker nagmumula ang magandang musika.

"Jeremy, ang ganda naman dito!" excited na sabi ni Gia habang tumitingin sa paligid hanggang sa dumako ang tingin niya kay Jeremy na nakatuntong sa folding ladder habang nagkakabit ng Christmas lights sa paligid ng puno ng acacia. "Mabuti na lang at naisip mo 'tong gawin. Thank you!"

"No big deal, Gia," sagot ni Jeremy na nakatalikod mula sa kanya. Pero ibinaba na nito ang mga kamay kaya tapos na siguro ito sa ginagawa. "Saka 'wag kang mag-alala kasi hindi pa naman ako naggi-give up sa pangarap mong makapag-dine in sa isang fancy restaurant since gusto ko ring makatikim ka ng filet mignon," pagpapatuloy nito habang pababa ng hagdan. "Nag-message na 'ko sa mga old schoolmate and friends ko na nagtatrabaho sa mga restaurant sa mga hotel para maisingit tayo ng reservation. Malay mo, pagbigyan tayo ng universe at biglang may mag-cancel..."

Napakurap-kurap si Gia sa paghihintay sa susunod na sasabihin ni Jeremy na unti-unting natigilan nang makatapak sa lupa at humarap sa kanya.

Siya naman, pasimpleng tiningnan si Jeremy. Gaya ng madalas, disenteng-disente itong tingnan sa suot na tailored gray polo with collar na nag-emphasize sa magandang bulto ng katawan nito. Lalo na at nakatiklop uli ang sleeves niyon na nagpapakita ng forearms nito. Medyo exposed pa rin ang mga pasa roon, pero hindi na iyon kasing-dark gaya ng nakita niya kanina.

At ang bango-bango niya.

"Gia," parang hindi makapaniwalang sabi ni Jeremy habang nakatingin sa kanya. "Wow. You look extra beautiful tonight." Namaywang ito at mabilis na nag-iwas ng tingin habang tinatampal-tampal ng isang kamay ang bibig nito. "Shit. I sound like a pervert."

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon