Ano'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...
DAHAN-dahang ipinatong ni Gia ang kumot sa katawan ni Jeremy na nakatulog sa sofa.Ibinaba na niya ang volume ng centralized airconditioner sa sala para hindi ito masyadong lamigin. Mukhang mahimbing ang tulog nito kaya hindi na niya ginising.
He looks really tired, komento niya sa isip habang naka-squat sa harap ng lalaki at tinititigan ang peaceful nitong mukha. Ang sabi ni Maj, sakitin daw 'tong si Jeremy noon. Okay na kaya siya ngayon?
Mabuti na rin pala na dumating si Maj dahil may nakakatulong na si Jeremy sa gawaing-bahay dahil bukod sa paglalaba ng sarili niyang mga damit, wala nang ibang ipinapagawa sa kanya ang lalaki. At least ngayon, nakakapagpahinga na ito sa sariling bahay.
Pero kanina, hindi nakakontra si Jeremy nang mag-insist si Maj na magluto ng breakfast. Pagkatapos, sila rin ni Maj ang naghugas ng mga pinagkainan at pinaglutuan kaya nakapagpahinga si Jeremy.
Nang umalis si Maj kanina para mag-grocery daw ng pang-lunch nila, nakasalampak sa sahig si Jeremy at may kung anong art na ginagawa sa laptop.
Si Gia naman, umakyat sa kuwarto para maligo at magbihis ng pang-alis. Nag-text kasi si Aron sa kanya kaninang umaga at itinanong kung puwede siyang dalawin. Siyempre, pumayag siya.
Ah! Namalengke siguro si Maj para maiwasan si Aron. Tsk, tsk.
Dahan-dahang nagmulat si Jeremy. Ilang segundo siya nitong tinitigan bago dumaan ang rekognisyon sa mga mata. Pagkatapos, ngumiti ito at umangat ang kamay para haplusin ang kanyang pisngi sa malambing na paraan na parang may kasama iyong... pagmamahal?
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Gia dahil sa hindi inaasahang pagbilis ng tibok ng puso niya nang maramdaman ang malamig na kamay ni Jeremy sa kanyang pisngi. May kung ano rin sa ngiti at mainit nitong tingin na hindi niya maipaliwanag.
May ibang tao ba siyang nakikita sa 'kin?
"Gia," malambing na pagtawag sa kanya ni Jeremy. "You feel so real."
"I'm real," kumukurap-kurap na sagot ni Gia. Hindi naman siya naiilang, pero nagtataka siya sa ikinikilos ng lalaki. "Okay ka lang ba, Jeremy? Ang lamig ng kamay mo."
Napakurap-kurap si Jeremy hanggang sa nanlaki ang mga mata nito at biglang napabangon. "G-Gia!"
"Good morning," natatawang bati niya rito kahit tanghali na dahil kagigising lang nito. "Napahaba ang tulog mo, ha? Napanaginipan mo ba ko?"
Namula ang mukha nito, saka napahawak sa batok na parang nahihiya. "Sorry."
Tinawanan lang niya iyon, saka tumayo at umupo sa love chair sa gilid ng sofa. "Kung inaantok ka pa, matulog ka na sa kuwarto mo. Mas komportable sa kama kesa diyan sa couch."
"Uhm, I'm fine," parang nahihiyang tanggi nito, saka tiningnan ang suot na wristwatch. "It's almost lunch time. Hindi pa rin nakakabalik si Maj?"
Umiling siya. "Sigurado akong nag-volunteer siyang mamalengke para iwasan si Aron. Uuwi lang 'yon kapag nakaalis na si Aron kaya baka mamaya pa makauwi ang groceries mo."
Napangiti lang si Jeremy habang iiling-iling. "Order na lang tayo ng lunch? Parating na ba ang bisita mo? Nakakahiya naman kung 'yong tira lang sa breakfast ang ipapakain natin kay Aron."
Iwinasiwas ni Gia ang kamay. "'Wag mo nang intindihin ang lunch natin kasi ang sabi sa 'kin ni Aron kanina, magdadala siya ng food since siya naman daw itong mang-iistorbo. Saka sinabi ko sa kanya na nagdesisyon ako na 16th birthday ko kagabi kaya dadalhan daw niya ko ng ice cream cake." Napapalakpak siya at siguradong nanlaki na naman ang mga mata. "Ang galing, 'di ba? Ice cream na, cake pa. I can't wait to taste it."
Tiningnan siya ni Jeremy na parang naaaliw. "Kapag ganyan ka kasaya, nakakaramdam ako ng urge na ipakain sa 'yo ang lahat ng masarap na pagkain sa mundo kahit pa ma-bankrupt ako."
Tinawanan niya iyon. "Nagi-guilty na nga ako na gumagastos kayo para sa 'kin. Pero hindi ko mapigilang ma-enjoy ang mga food na ipinapakain n'yo sa 'kin." Sinapo niya ng mga kamay ang magkabilang pisngi. "Ang kapal ng mukha ko. Sorry."
"Kami naman ang nag-insist nito kaya 'wag kang mahiya," gentle na sabi ng lalaki, saka ito umayos ng upo at tiniklop ang kumot sa kandungan nito. "Uhm, thank you for taking care of me while I'm asleep."
"Kulang pa nga 'yan para makabawi ako sa 'yo, eh. Ay, Jeremy may personal pala akong tanong sa 'yo, kung okay lang."
"Okay lang. Ano ba 'yon?"
"May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Gia.
Napansin niyang natigilan si Jeremy sa ginagawa at para ngang nanigas pa ang katawan habang nakatingin lang sa nakatiklop nang kumot sa kandungan.
"Ang sabi kasi sa 'kin ni Maj, na-mention daw sa kanya ni Jericho noon na sakitin ka raw kaya madalas ka lang nasa bahay no'ng college ka," paliwanag niya. "Are you that sick?"
"It's just anemia," simpleng sagot nito nang nakabawi. Pagkatapos, nag-angat ito ng tingin at binigyan siya ng tipid na ngiti. "Jericho was probably just exaggerating my condition. Homebody lang talaga ako since as a dean's lister, busy ako sa acads at paggawa ng paintings na ipinanlalaban ko sa mga art contest. Don't worry about me."
Tumango si Gia, pero hindi pa rin nawala ang pag-aalala niya. "Sorry. Napapagod ka pa sa pag-aalaga sa 'kin. Ang sabi mo, aalis ka sa trabaho mo para simulan ang sarili mong business, pero mukhang hindi mo 'yon masimulan dahil sa 'kin."
Sa pagkakataong iyon, full-smile na ang ibinigay sa kanya ng lalaki. "This is just another beautiful detour I want to enjoy before I reach my last destination."
***
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.