DECEMBER 15, 2017 (10:03PM)
NAPASINGHAP si Gia sa pagkamangha nang bumukas ang bubong ng kotse ni Vincent. Hindi tuloy niya maalis ang tingin niya ro'n. Ng mga sandaling 'yon, nasa parking basement sila ng "condominium building" kung saan daw nakatira si Wendy. Pero nakalimutan na niyang bumaba ng kotse dahil sa nakita. "Ang galing naman. Iba pa rin palang makita sa personal ang convertible cars kesa sa mapanood lang sa TV."
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Vincent na nakatingin sa kanya at para bang binabantayan ang reaksyon niya. "I know, right? Matagal ko ng dream car 'to at surreal sa feeling no'ng first time kong ma-drive 'to."
Natawa siya at tiningnan ang lalaki. "Mukhang big time ka na talaga, Vincent. Napanood ko 'yong tatlo mong solo concert. Napuno mo 'yong venue! Akala ko noon, magiging engineer ka. Pero kahit hindi natuloy ang initial plan mo, proud ako sa success mo." Kumunot ang noo niya nang may maalala. "Hindi ka sana ma-offend pero bakit hindi ka natuloy sa pag-i-engineer?"
"Well, hindi ako nakapagtapos ng college so wala rin akong degree sa Engineering. Maybe I was really meant to be a singer from the very beginning," paliwanag nito. "Actually, sa New York ako nag-college kasi nag-migrate na kami do'n after high school. And life happened, so..."
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "You did? Anong nangyari sa'tin? Naghiwalay ba tayo?" Napasinghap siya at naitakip pa ang mga kamay sa bibig nang may ma-realize siya. "Wait. Sa time na pinanggalingan ko, kaka-start lang natin as a couple. Pero ngayong 2017 na dito, tayo pa rin ba? Are we still together, Vincent?"
Unti-unting nawala ang ngiti ng lalaki at nang nagsalita ito, halos pabulong na. "We're not together..."
Wala siyang sakit sa puso pero ng mga sandaling 'yon, parang may sumuntok sa dibdib niya at bigla siyang nahirapang huminga. Mabilis nawala ang ngiti niya– sing bilis ng pagpatak ng mga luha niyang hindi niya napigilan. Habang nakatingin siya sa mukha ni Vincent, parang gumuho ang mundo niya at wala siyang nagawa kundi ang panuorin lang 'yon.
"Hey, I don't mean it that way," mabilis na bawi nito habang pinupunasan ng kamay ang mga luha sa mga pisngi niya. "All I'm saying is we're not together because you're in Singapore. Meaning, we're sort of in a long-distance relationship."
Literal na nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko mamamatay na ko sa sobrang sakit na naramdaman ko kanina." Marahang tinapik-tapik niya ang dibdib. "Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa mundo na hindi na ikaw ang boyfriend ko at hindi na ko ang babaeng gusto mo."
Gumuhit ang guilt sa mukha nito. "I'm sorry, Gia. Dapat in-explain ko agad sa'yo."
Ngumiti lang siya at umiling. Mabilis niyang binago ang usapan dahil ayaw na niyang mag-linger sa isipan niya ang ideya na wala na sila ni Vincent sa panahong 'yon. "Matagal na ba kong nasa Singapore? Saka anong ginagawa ko ro'n? Hindi 'yon na-mention ni Jeremy sa'kin."
"You and your band are there for a music fest," sagot nito. "One month na kayong nando'n."
Napapalakpak siya sa tuwa. "Wow! Ang exciting ng music fest. I can't believe my adult version gets to experience that!" Napasimangot siya nang may na-realize. "One month na kayong magkahiwalay ng adult version ko kasi ang sabi ni Jeremy, nasa Japan ka naman daw para sa concert mo." Pumalataktak siya habang iiling-iling. "No wonder gano'n ang reaction mo no'ng nakita mo ko kanina. Ang tagal mong hindi nakita ang girlfriend mo 'tapos pagbalik mo, 'yong teenager version niya ang sumalubong sa'yo."
"It doesn't matter to me, Gia." Hinaplos nito ang pisngi niya at naging evident ang longing sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Para ngang maiiyak pa ito. He must have missed her so bad. "I just want to be with you again and I did. It's been so long since the last time I saw you, you know." Bumuntong-hininga at umiling-iling, saka nito inalis ang kamay sa pisngi. "But this is wrong so please, please understand if I will refrain from touching you from now on. I'm sorry kung nadala ako ng emosyon ko kanina."
BINABASA MO ANG
Night Sky
RomanceAno'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...