DECEMBER 16, 2017 (6:44PM)
"WOW. SUPER fancy naman ng sushi spread na 'yan," amazed na komento ni Gia habang nakatingin sa iba't ibang sushi at sashimi na nakahain sa mesa. Well, tinuro lang sa kanya ni Vincent kung ano ang tawag sa mga pagkaing dala nito. "First time ko makakakain ng Japanese food galing sa sosyal na Japanese restaurant. Pero hindi ako marunong mag-chopsticks kaya kakamayin ko na lang."
Natawa si Vincent, saka nito inipit sa chopsticks nito ang isang "tuna roll" daw. "Try this first, Gia. You'll love this since you like tuna. 'Tapos, tuturuan kitang mag-chopsticks."
Binuka naman niya ang bibig niya para isubo ang tuna roll. Nang tumama pa lang ang lasa niyon sa dila niya, nanlaki ang mga mata niya. "Ay, ang sarap! Ibang-iba ang lasa sa sushi na tinitinda sa tapat ng school natin!"
Ngumisi ang lalaki– naalala siguro 'yong sinasabi niyang carenderia. "Sayang ang ten pesos natin do'n. Hindi naman masarap."
Natawa lang siya, pagkatapos, nagpaturo na siya sa lalaki na gumamit ng chopsticks.
Hindi madali 'yon dahil kahit wala silang ibang kasama sa dining area, mukhang naiilang pa rin itong dumikit sa kanya. Hindi naman niya ito masisi kasi alam niyang iniingatan lang siya nito dahil bata pa siya. Saka bale-wala naman sa kanya 'yon dahil wala naman siyang alam kung paano maglambingan ang adult version at boyfriend niya sa panahong 'yon.
Sa ngayon, kontento na siyang nasa tabi lang niya ito at inaalagaan siya.
'Yong amoy ni Vincent ngayon, sobrang familiar.
"Hey, Gia," pagtawag sa kanya ni Wendy nang pumasok ito sa kusina. Katatapos lang nitong maligo at nakasuot ngayon ng sando at pajama buttom. Mabuti na lang at balot ito ngayon dahil kagabi, ang sexy ng suot nitong lingerie. "Na-prepare ko na 'yong tub for you since ang sabi mo, gusto mong i-try 'yon. If you're done with your dinner, mag-shower ka na."
"Okay," sagot niya, saka niya inangat ang kamay niyang may hawak na chopsticks. Bumungisngis siya nang maigalaw na niya ang chopsticks nang hindi nahuhulog. "Look, Wendy. Marunong na kong gumamit nito." Binunggo niya ang balikat ni Vince. "Ang galing ng sensei ko. Tinuruan din niya ko ng konting basic Japanese words."
Isang tipid na ngiti lang ang sinagot sa kanya ng babae, saka ito tumingin kay Vince. "Maaga pa ang schedule mo bukas kaya umuwi ka na at magpahinga."
"Hindi ka pa nag-di-dinner," sabi ni Vincent sa blangkong boses, saka nito tinulak palapit sa side ni Wendy 'yong isang paperbag na hindi nito binuksan kanina. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya, pinipilit lang ni Vincent na maging cold dahil iba ang nakikita niya sa mga mata nito. "Those are California rolls– your favorite."
Nag-soften up ang mukha ni Wendy at tumango ito. "Thank you, Vincent."
Tumango lang din si Vincent, saka ito nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung imagination niya lang ba o talagang nag-clench ang mga panga nito at marahang binagsak ang kamao sa mesa.
Si Wendy naman, namula ang mukha na parang napahiya. Kung bakit, hindi niya alam. Nag-excuse ito sa mahinang boses at parang bumalik ito sa mahiyain at meek 2007 version nito. Laglag din ang mga balikat nito habang naglalakad palapit sa ref– malayong-malayo sa confidence na nakita niya rito simula nang makilala niya ito sa panahong 'yon.
Why did it feel like Wendy and Vincent were having a silent lovers' quarrel in front of her?
Lovers and Wendy and Vincent in one sentence?
"Bakit natahimik ka, Gia?" nag-aalalang tanong naman ni Vincent. No'n niya lang napansin na nakatingin na pala ito sa kanya. "Gusto mo ba ng dessert?"
BINABASA MO ANG
Night Sky
RomanceAno'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...