27th Chapter

1.7K 94 14
                                    

MASAKIT ang katawan ni Gia dahil sa iba't ibang water activities na ipinasubok sa kanya nina Aron at Allie na parang pinagkaisahan siya... in a good way.

Nag-enjoy din siyang kasama ang kanyang pamilya sakayaking, Jet Ski, at parasailing. Masaya at exciting naman ang mga ginawa nilang activity kahit masakit sa katawan.Hinayaan siya ng mga kaibigan na buong araw makasama ang kanyang mga magulang at kapatid. Lumalapit lang ang mga ito kapag kakain na, pero kahit magkakasama sila, parating ang pangyayari sa buhay ng pamilya sa dumaang ten years ang topic para siguro maka-catch up siya. At na-appreciate niya iyon.

Pero ngayon, hayun siya at mag-isa sa pool side habang nakahiga sa puting lounging chair at nakaharap sa infinity pool na parang naging isa na sa dagat. Suot pa rin niya ang Micky Mouse swimsuit, pero nakabalot na siya ng white towel na kinuha niya sa cabin bago pumunta roon. Dinner time na kaya siguro wala siyang ibang guest na kasama ngayon sa pool area. Nagpaalam naman siya sa parents niya at sinabing magmumuni-muni lang muna, pero babalik din agad.

The moon looked serene as it kissed the horizon of the seemingly unending sea.

Pero hindi ganoon ka-peaceful ang kanyang nararamdaman.

YouTube, huh?bulong ni Gia sa sarili habangitina-type sa search box ang 'Vincent Eusebio's audition clip' gaya ng advice sa kanya ni Aron kanina. Ang sabi kasi ng kaibigan, kailangan daw niyang mapanood ang video na iyon. Ano naman kaya ang makikita ko dito?

Pinindot niya ang play button ng unang video na lumabas sa search results. Nag-freeze ang clip dahil siguro sa mabagal na Internet connection. Huminto iyon sa parte kung saan nakatuntong sa pabilog na stage si Vincent habang nakatayo sa harap ng mic stand. Nakasabit ang gitara sa katawan nito at nakaposisyon na sa pagtugtog ang mga kamay.

Oh. Ano kaya ang kakantahin niya? 2013 na 'to kaya hindi ko na alam ang sikat na songs dito.

Nag-play na uli ang video. Sa pag-strum pa lang ni Vincent ng gitara, nakilala na agad ni Gia ang kanta. Nakumpirma niyang tama ang kanyang hinala nang magsimula nang kumanta ang lalaki.

"A picture of you reminds me how the years have gone so lonely... Why do you have to leave me without saying that you love me?"

Nangilid agad ang mga luha ni Gia. Nakatitig sa camera si Vincent at closeup ang shot kaya pakiramdam niya, deretso itong nakatingin sa kanya. Kitang-kita niya ang matinding kalungkutan at sakit sa mga mata na maririnig at mararamdaman din sa boses nito. Hindi lang ito basta kumakanta—parang kinakausap din siya, lalo na sa tanong na kasama sa kanta.

Yes, she failed to say that she loved him before she died.

Ang 'Stars' na kinanta ng OPM rock band na Callalily—ang paborito niyang banda—ang kino-cover ni Vincent sa video at sigurado siyang sa kanya iyon dedicated.

"I'm saying I love you again. Are you listening? Open your eyes once again. Look at me crying..."

Paborito ni Gia ang 'Stars' noon, pero ngayon lang niya mas na-appreciate at mas na-realize ang kahulugan ng lyrics ng kanta. O mas tama yatang sabihing ngayon mas naging akma ang kanta na parang isinulat iyon para sa kanila ni Vincent.

"My eyes are open again and I see, hear, and feel you crying..."

Ang bigat-bigat pala ng bawat salita na bumubuo sa 'Stars'na lalong nagiging masakit at malungkot dahil sa pagkanta ni Vincent, idagdag pa ang mellow na pag-strum nito sa gitara. Buo pa rin ang boses nito at hindi nawawala sa tono, pero sa sobrang kalungkutan na maririnig doon, parang umiiyak na ito.

"If only you could hear me shout your name. If only you could feel my love again. The stars in the sky will never be the same. If only you were here..."

"Naririnig ko, Vincent," bulong ni Gia sa sarili kasabay ng tahimik, pero sunod-sunod na pagpatak ng mga luha. Naririnig niya sa mga mata ni Vincent ang desperado nitong pagtawag sa kanyang pangalan kahit kumakanta ito. His eyes were calling out to her and she could clearly see and hear it. "Nararamdaman ko ang pagmamahal mo, Vincent," dagdag niya dahil naninikip ang kanyang dibdib sa sobrang pagmamahal na nararamdaman sa pagkanta ng lalaki. "I'm here. I'm late, but I'm here."

Sa pagkakataong iyon sa video, tahimik na ring pumatak ang mga luha ni Vincent, pero nagpatuloy ito sa pagkanta. Medyo nag-crack na ang boses ng lalaki, pero hindi iyon napapansin dahil mas mabigat ang emosyon na nararamdaman sa pagkanta nito kaysa sa maliit na pagkakamali.

"If only I had wings so I can fly. I wanna be with you for all of time. My love for you will never die..."

Natahimik ang audience at ang panel ng mga judge sa video. Nang ipakita sa camera ang mga ito, halata na naging emosyonal ang mga tao sa pagkanta ni Vincent at may mga naiyak pa nga.

Si Gia naman, hindi na napigilan ang pag-iyak. Ni minsan, hindi niya naisip na kakantahin ni Vincent ang paborito niyang Callalily song sa panahon kung kailan wala na siya. Hindi rin niya inakala na ang kantang gustong-gusto niya, magiging akma pala sa biglaan niyang pagkamatay.

"That was a very emotional performance, Vincent Eusebio," komento ng female judge na sa panahong pinanggalingan niya ay kapapanalo lang sa isang sikat na TV singing contest. Ayon sa elegante at mature nang ayos ng babae, mukhang big time na ito sa panahong iyon. "Puwede ba naming malaman kung para kanino ang kinanta mo?"

"My performance is dedicated to the girl that gave me the happiest years of my life," nakangiti pero malungkot na sagot ni Vincent. "The girl that also gave me the loneliest ones. Sana may TV sa langit para mapanood niya ang pagkanta ko. Siguradong matutuwa siya kasi favorite niya ang Callalily."

"I'm sorry," emosyonal na sabi ng female judge na nagulat yata na wala na sa mundo ang babaeng pinag-alayan ni Vincent sa madamdamin nitong pagkanta.

Ngumiti lang si Vincent sa video, saka tumingala na madalas nitong gawin tuwing sinasabayan siya sa pagtitig sa night sky. "Gia, I hope you liked it."

"I did," sagot ni Gia sa basag na boses, saka pumikit at niyakap ang phone. Sa sobrang lungkot ni Vincent sa video, gusto niya itong i-comfort kahit na alam niyang nakaraan na ang kanyang napanood. Hindi siya makapaniwalang nakakangiti at nakakatawa na ang lalaki ngayon. Sa nakita kasi niyang clip, para na itong nawalan ng pag-asang mabuhay. "Good job, Vincent. You did a good job."

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon