12th Chapter

1.8K 97 3
                                    

DECEMBER 15, 2017 (7:23PM)

"BAKIT wala pa sila?" naka-pout na tanong ni Gia habang nakasalampak sa sahig at nakaharap sa coffee table habang kumakain ng "shake-shake-shake" fries na nasa paperbag. "Malapit na kong mapanis sa kakahintay. Hindi ba sila naniwala na napunta ako sa future?"

No'ng iwan siya sa bahay ni Jeremy kaninang hapon, hindi naman siya nainip dahil na-enjoy niya ng sobra ang video recording ng tatlong solo concerts ni Vincent. Hindi siya pamilyar sa mga kanta nito dahil original songs yata ang mga 'yon pero natutuwa siyang makita at marinig ang malaking improvement sa boses ng singer. At marunong na rin itong sumayaw!

Nakikisigaw nga rin siya sa audience sa tuwing ngumingiti at tumatawa si Vincent. 'Yong Vincent na kilala niya, napakabihirang ngumiti at tumawa. Pero ngayon, mukhang madalas itong good mood.

Sana ang adult version ko ang reason kung bakit masaya siya.

"Well, it's Friday and they have work to do," katwiran ni Jeremy habang sinasalinan ng iced tea ang baso niya na nakapatong sa coffee table. Hindi kasi ito pumapayag na painumin siya ng softdrinks. "Biglaan ang pag-absent nila sa trabaho ngayong araw para i-meet ako. Baka meron silang work na kinailangan munang balikan bago sila dumeretso dito."

"Mas mahalaga ba ang trabaho kesa puntahan ang kaibigan mo na hindi mo nakita ng matagal?" nagtatakang tanong naman niya. "I mean, madalas nga siguro nilang makasama ang adult version ko pero ngayon lang uli nila makikita ang teenaged version ko kaya dapat excited sila."

Nag-lotus position ang lalaki sa harap niya bago sumagot. "Gia, it's hard to make plans with your friends when you're an adult. Madalas kasi, magkakaiba na ang schedule niyo lalo na kung magkakaiba kayo ng trabaho o kompanyang pinapasukan. The older you become, the busier you get."

"Gano'n ba talaga kahirap makipagkita sa mga kaibigan mo kapag adult ka na?" malungkot na tanong niya.

"Oo," sagot nito nang walang kurap-kurap na para bang normal na dito na hindi makita ang mga kaibigan sa sobra nitong pagka-busy. "That's why we're grateful to social media. Kahit hindi kayo nagkikita-kita parati, ma-a-update ka pa rin sa buhay nila kung madalas naman silang mag-post sa Facebook, Twitter, Instagram or any social media platform. You can reach out to them easily."

Tumango-tango siya dahil naipaliwanag naman na sa kanya ng lalaki ang mga app na binanggit nito. Proud siya sa sarili niya dahil mabilis siyang nakaka-adapt sa modern world. "Okay. Kaya ba ni-la-"like" mo ang mga Facebook post ng friends mo? 'Yon ba ang way mo ng "pag-reach out" sa kanila?"

"Nag-scroll ka na naman sa newsfeed ko?" nakataas ang kilay na tanong nito habang umiiling-iling. "I should have logged out of my account before I gave you my phone."

Natahimik lang siya at pinagpatuloy ang pagkain ng fries.

"Bakit natahimik ka?" nag-aalalang tanong naman ng lalaki mayamaya. "Pagod ka na ba? Gusto mo na bang magpahinga?"

Umiling si Gia. "Hindi ko lang kasi ma-imagine ang sarili ko na sa social media lang nakikita o nakakausap ang mga kaibigan ko. I mean, kung nag-post sila ng good news tungkol sa success nila, gugustuhin ko sigurong puntahan sila ng personal para yakapin at i-celebrate ang milestone na 'yon kasama sila. Gugustuhin kong marinig mula sa kanila ang magandang balita para makita 'yong pag-shine ng mga mata nila at marinig ang tuwa sa boses nila kesa basahin lang 'yong post nila. Kung malungkot naman sila o heartbroken o miserable, mas gugustuhin ko rin siguro na puntahan sila para yakapin o dalhan ng Selecta ice cream kesa i-press 'yong sad emoticon. I mean, mas nakaka-comfort ba sa panahon ngayon ang emoticon reactions?" Pinatong niya ang kamay sa kanyang dibdib. "Jeremy, dinadaan din ba ng adult version ko sa pagpindot ng reaction buttons ang pag-"reach out" ko sa mga kaibigan ko? Is my adult version too busy to see my friends when they need me?"

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon