"NILALAGNAT ka, Gia," nag-aalalang sabi ng mama niya habang pinupunasan ng basang bimpo ang kanyang noo. "Sigurado ka bang ayaw mong magpadala sa ospital?"
Marahang umiling si Gia. "Hindi na, 'Ma. Lagnat lang naman 'to."
Kung dadalhin siya sa ospital, siguradong pipilitin siya ng mga doktor doon na dumaan sa iba't ibang test. Temporary lang ang physical body niya sa panahong iyon at natatakot siya na baka may kakaibang makita ang mga doktor sa kanya at mag-cause iyon ng uproar sa panahong iyon.
Hayun siya ngayon, nakahiga sa kama at hinang-hina habang inaalagan ng kanyang pamilya. Ramdam naman niyang bumabalik na sa dati ang kanyang lakas. Ilang segundo lang siyang nawalan ng malay kanina. Pero nag-panic si Gio at sumigaw para tawagin ang mga magulang nila. Hindi makakalimutan ni Gia ang matinding takot sa mukha ng mama at papa nila. Naisip niya na siguradong doble pa roon ang takot na naramdaman ng mga ito nang marinig ang tungkol sa pagkakaaksidente niya.
"I'm sorry for making you all worry," nagi-guilty na sabi niya sa ina na nakangiting umiling lang. "Nasaan pala sina Papa at Gio?"
Binigyan siya ng apologetic smile ng kanyang ina. "Nasa labas ang papa mo, kinakalma ang sarili kasi natakot talaga siya nang nakita niya ang nangyari sa 'yo kanina. Si Gio naman, sinundo sa gate ang mga kaibigan mo. Mukhang hindi lang si Jeremy ang nag-alala sa 'yo nang ibalita namin ang kondisyon mo. Ayon sa kanya, nagpumilit din daw sumama si Maj at... at si Vincent."
Hindi nakalagpas kay Gia ang pag-aalinlangang narinig sa boses ng mama niya sa pagbanggit nito sa pangalan ni Vincent. "Mama, I heard you are not in good terms with Vincent and his family because of what happened in the past."
Marahang tumango ang kanyang ina at nag-iwas ng tingin. "Totoo 'yon, anak. Pero wala naman akong lakas ng loob na itaboy si Vincent ngayon dahil alam kong gusto mo siyang makita at makasama. Sa panahong pinanggalingan mo, alam kong may special feelings kayo para sa isa't isa. Hindi ko kayang maging makasarili at ipagkait sa 'yo ang pagkakataong makasama ang lalaking mahal mo. Kaya kahit ayoko siyang makita, tatanggapin ko pa rin siya dito."
Ah, hindi nga pala alam ng pamilya niya na hindi rin okay ang relasyon nila ni Vincent ngayon. Pero hindi na rin siya nagsalita dahil kahit nasasaktan siya dahil kay Vincent, ayaw pa rin niyang lalong sumama ang tingin dito ng kanyang mga magulang. "Mama, I don't blame Vincent for what happened to me," gentle niyang sabi."Kung ano man ang iniisip n'yo na kasalanan niya sa 'kin at sa pamilya natin, napagbayaran na niya 'yon sa maraming taon na naging miserable siya."
Hindi nagsalita ang mama ni Gia, pero nakita niyang nag-mellow na ang mukha nito kumpara sa matigas na anyo kanina nang banggitin ang pangalan ni Vincent. Nawalan na rin ito ng pagkakataong sumagot nang may kumatok sa pinto. Tumayo ito at nakangiti na nang tunghayan siya kahit pa halatang pilit lang ang ngiting iyon. "Dumating na siguro ang friends mo. Maiwan ko muna kayo para maihanda ko 'yong chicken soup na niluto ko para sa 'yo, anak. Pero pag-alis ng mga kaibigan mo, dito kami matutulog ng papa mo para mabantayan ka namin."
Nakangiti siyang tumango. "Okay, 'Ma. Thank you."
Binuksan na ng kanyang ina ang pinto at napansin niyang masigla ang pagbati nito kina Jeremy at Maj, pero pormal naman kay Vincent. Wala namang hinanakit sa mukha o boses ni Vincent nang kumustahin ang pamilya niya. Kahit hindi hostile ang mama niya, halata pa rin ang hinanakit nito kaya sa kabila ng tampo kay Vincent, naawa pa rin si Gia sa sitwasyon ng lalaki.
I hope they stop blaming Vincent for what happened to me.
"Hey, Gia," nakangiti, pero halatang nag-aalalang bati ni Jeremy. "How are you?"
"Despite how I look, I actually feel better now," nakangiting sagot ni Gia, saka bumangon. Mabilis naman siyang inalalayan nina Jeremy at Maj na nilagyan pa siya ng unan sa likuran nang sumandal siya sa headboard, saka umupo ang dalawa sa magkabilang-gilid niya.

BINABASA MO ANG
Night Sky
Storie d'amoreAno'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...