"GIA, WE'RE here."
"I know. Wait lang," sabi naman ni Gia na busy sa pagbabasa ng 'research' niya sa phone gamit ang Google. "Jeremy."
"Yeah?"
Nilingon niya ang lalaki na nasa driver's seat at nakatingin sa kanya na parang hinihintay ang sasabihin niya. "Alam ko na ang tawag sa relationship wherein nagki-kiss ang dalawang tao na wala namang romantic relationship." Binigyan niya ng thumbs-up si Jeremy. "You're quite the ladies' man, aren't you?"
Namula ang mukha nito na parang hiyang-hiya. "That's adult stuff, Gia."
"Adult naman ako," naka-pout na reklamo niya. "Kung idadagdag sa age ko 'yong ten years na dumaan, twenty-five na 'ko sa time na 'to."
Bumuntong-hininga lang ito, pero ngumiti rin naman at ginulo ang kanyang buhok. "Okay. Bilisan na lang natin ang pagsha-shopping para maiuwi agad kita sa parents mo."
Kanina kasi, iniuwi siya ni Jeremy sa bahay para ipagpaalam sa kanyang pamilya. Halatang nag-aalangan ang mga magulang ni Gia, pero pumayag din naman nang mangako si Jeremy na iuuwi agad siya. Alam ni Gia na sinasamantala na niya ang kabaitan ng kanyang mga magulang, pero gusto lang naman niyang maranasan ang mga ganoong bagay.
Kaya nga nagpapasalamat ako na sobrang understanding nila.
Ngumiti lang siya at nagyaya nang bumaba ng kotse. Gaya ng madalas, nakasuot uli siya ng baseball cap para hindi agad makilala kung sakali mang may makasalubong silang dati niyang kaklase o kakilala. Lalo na at nasa mall sila ngayon kung saan parating maraming tao.
Tulad din ng madalas, hindi lumalayo si Jeremy sa kanya para alalayan siya dahil madalas, nabubunggo siya ng mga tao dala ng pagtingin-tingin sa paligid.
"Bakit nga pala naisipan mong mag-aya sa mall?" tanong ni Jeremy mayamaya, nakapamulsa at nakatingin sa kanya. "May gusto ka bang bilhin?"
Tumango si Gia, nakatago ang mga kamay sa front pockets ng suot na hoodie. "Binigyan ako ng allowance nina Mama at Papa as their birthday gift daw. Kaya gusto kong gamitin 'yong pera sa pagbili ng dress para sa 18th birthday ko."
Huminto sa paglalakad ang lalaki na bahagya ring nanlaki ang mga mata. "Dress? 18th birthday? Kelan mo planong i-celebrate ang debut mo?"
Huminto rin si Gia bago sumagot. Hindi naman sila nakaharang sa daan ng mga tao dahil nakatayo sila sa gilid ng hagdan. "Mamayang gabi?"
Nanlaki na nang tuluyan ang mga mata ni Jeremy. "Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin? Ano'ng plano mong theme para sa debut mo?"
"Hmm... a formal dinner?" sagot niya habang nakatingala dito. "Naisip ko lang kanina na gusto kong magsuot ng dress at kumain sa isang fancy restaurant. 'Yong classic dinner date na may violinist habang kumakain ng steak. Ah, gusto kong makatikim ng sosyal sa steak at uminom ng red wine. Dahil 18th birthday ko naman, puwede na dapat akong uminom ng alak kahit isang baso lang. Hindi naman masyadong nakakalasing ang red wine, 'di ba?"
"You should have told me earlier, Gia. Mahirap nang magpa-reserve sa mga restaurant kapag ganitong holidays."
Nalaglag ang mga balikat niya sa pagkadismaya. "Gano'n ba? Akala ko kasi, puwede tayong mag-walk in sa mga sosyal na restaurant." Napayuko siya dahil sa pagkapahiya. Ang ignorante talaga niya pagdating sa mga 'sosyal' na bagay. "Sorry, hindi ko alam."
"Uhm, sorry din," parang nakokonsiyensiyang sabi naman ni Jeremy. Pagkatapos, marahan nitong pinisil ang baba niya para maingat na iangat ang kanyang mukha paharap dito. Ngumiti pa ito na parang ine-encourage siya. "I will try to make a reservation at my favorite steak restaurant."
BINABASA MO ANG
Night Sky
RomanceAno'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...