5th Chapter

2.9K 123 10
                                    

DECEMBER 14, 2007

UMUPO si Gia sa bench at ini-stretch ang mga binti niya. Kulang ang sabihing napagod siya sa buong araw na pag-pe-perform at pag-ho-host sa Christmas party ng Section 3-1. Pagkatapos makipag-bonding sa mga kaklase, nagkaro'n pa sila ng sariling party ng barkada nila.

Nag-early dinner sila sa Fambond Pizza. Nando'n ang daddy ni Wendy na owner ng pizza house at hindi pumayag ang butihing matanda na magbayad sila ng kahit anong kinain nila. Dinagdagan pa nga nito ng isa pang box ng Hawaiian pizza at isang litro ng softdrinks ang 'handa' bilang pa-Christmas daw nito sa kanila. Siyempre, nagpasalamat sila ng buong-puso. Lalo ring humaba ang kuwentuhan kaya hayun, 9PM na sila natapos kaya ang mga kalamnan niya, nagrereklamo na.

Pero pagod man, masayang-masaya pa rin siya.

"I had fun," nakangiting sabi ni Gia, saka niya nilingon ang katabing si Vincent. "Vincent, na-ka-capture mo talaga ang audience kapag kumakanta ka. Mas malakas ang stage presence mo kesa sa'kin kaya natatabunan mo ko. Pero hindi ako naiinis, ha? Kahit ako na ka-duet mo, na-me-mesmerize pa rin sa boses mo, eh."

Nanatiling nakasimangot si Vincent habang hinuhubad ang mabigat nitong jacket suit na akmang bibitawan nito sa lupa pero mukhang naalala nito na hindi nito iyon pag-aari kaya pinatong na lang sa kandungan. "Oh, feeling's mutual. I also get mesmerized by your mere presence."

Tinawanan niya lang 'yon. "Bakit ba kanina ka pa bad mood, ha?"

Minuwestra ng lalaki ang mga costume na pinasuot sa kanila ng mga kaklase nila kanina. Si Jericho raw ang nag-rent ng mga iyon para sa kanila. "Eh pa'no, according to Jericho, costume daw nina Romeo and Juliet itong pinasuot nila sa'tin."

"And?"

Kunot-noo siyang nilingon ng lalaki. "And I hate Romeo and Juliet. Isumpa na ko ni Shakespear at ng fans niya pero nakakatanga ang novel na 'yon. It was a young love gone wrong."

Natawa siya. "You just hate tragic stories." Minuwestra niya ang suot niyang mainit pero eleganteng pink long-sleeved dress na may corset pa. Well, mas mukha siyang Disney princess sa suot at pagkaka-elegant bun ng buhok niya. Pero kapag sinabi ni Jericho na si Juliet siya, si Juliet siya. "Pero ngayon lang ako nagsuot ng ganito. Hindi ba puwedeng 'yon na lang ang pansinin mo para hindi ka mainis?"

Biglang kumalma ang lalaki at napatitig sa kanya. "Oh. Right. You look extra beautiful tonight, Gia."

"Thank you, Vincent," nangingiti at kinikilig na sabi niya, saka niya tinitigan ang lalaki. Dark three piece crisp suit ang suot nito. Mas mukha rin itong prinsipe sa isang Disney film kesa classic Romeo pero kapag sinabi nga ni Jericho na si Romeo ito, si Romeo ito. "You look dashing, Vincent."

Tuluyan nang umaliwalas ang mukha nito nang ngumiti.

Sila na lang ni Vincent ang magkasama ngayon dito sa harap ng bahay ng mga magulang niya habang magkatabing nakaupo sa bangko sa tapat ng malaki at matandang acacia tree sa bakuran. Hindi naman masyadong madilim dahil may katapat naman silang lamppost sa tapat ng mababang gate. Saka maliwanag din ang kalangitan dahil sa mga bituin.

Pagkatapos kasi silang itext ng kanya-kanya nilang mga magulang na umuwi na, nagkayayaan na rin silang magsiuwian dahil simula na ng Christmas vacation bukas. Pagkatapos, hinatid siya ni Vincent sa bahay nila at nag-stay pa ito. Nakaka-isang oras na nga sila ro'n at dinalhan na sila ng kape ng mama niya kanina.

"Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi?" nagtatakang tanong ni Gia sa lalaki.

Tumaas ang kilay ni Vincent. "Pinapaalis mo na ba ko?"

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon