11th Chapter

2K 99 16
                                        

"GIA, DON'T leave the house, okay?"

"Sure," sagot ni Gia na nakadapa sa kama at titig na titig sa malaking flat screen TV. Kitang-kita sa mukha ng babae ang pagkamangha. "Grabe, Jeremy. Pati TV sa 2017, slim na rin. Sing slim ng smartphone at laptop mo."

Napangiti lang siya sa sinabi ng babae. "Nasa paperbag 'yong malinis na damit at underwear na puwede mong gamitin. Maligo at magbihis ka na para pagdating ng mga kaibigan mo mamayang gabi, presentable kang tingnan. Ang dumi na kasi ng damit mo at baka hindi ka na comfortable since kagabi mo pa 'yan suot."

Binigyan siya ng babae ng kakaibang tingin. "Ikaw ang bumili ng underwear para sa'kin?"

Nag-init ang mga pisngi niya kahit alam niyang nang-aasar lang ito. He couldn't believe a child was capable of teasing him this way! Get a grip, man. "Siyempre, hindi. Kagabi pa ko nakiusap sa kasambahay namin sa Manila na mamili ng pambahay at casual clothes at underwear para sa isang payat na teenaged girl, 'tapos pinahatid ko siya dito sa driver namin para maabot sa'kin."

Natawa ang babae at kapag tumatawa ito, lalo itong nagmumukhang bata. "Hindi ba nagtaka 'yong kasambahay niyo sa weird request mo?"

Tumikhim siya para pagtakpan ang pagkapahiya niya. "Hindi ko 'yan naisip dahil emergency ang tingin ko sa sitwasyon mo kagabi. Pero salamat sa pag-bring up. Ngayon, hindi na ko mapapakali sa kakaisip kung ano ang iniisip ni Manang tungkol sa'kin. Thank you so much, Gia."

Tinawanan lang nito ang sarcasm niya, pero mabilis ding nawala sa kanya ang atensiyon nito nang matapos na ang mahabang introduction sa simula ng concert ni Vincent Eusebio.

Yep, ilang oras niyang dinownload ang tatlong solo concert ng singer habang nagluluto siya ng lunch kanina. Kailangan may pagkaabalahan si Gia habang wala siya sa bahay. Mukhang tama ang desisyon niya dahil nang ipakita pa lang si Vincent sa screen, tumili na ang babae na parang teenager.

Wait, she is a teen.

"Kapag may problema, tawagan mo lang ako," bilin ni Jeremy sa babae na tutok na tutok na ang mga mata sa TV at ngiting-ngiti pa. "I-long press mo lang number one sa keypad. Tinuruan na kita kung pa'no gamitin ang phone ko, 'di ba?"

"Oo. Alam ko na 'yon," distracted na sagot nito dahil nagsasalita na si Vincent sa pinapanood nito.

"Kapag nagutom ka, may cake sa ref o kaya initin mo na lang 'yong leftover ng lunch natin kanina," pagpapatuloy niya. "Dadalhan kita ng pasalubong pag-uwi ko. Anong gusto mo?"

"Mcdo!" Nilingon siya ng babae, nanlalaki ang mga mata. "Wait, may Mcdo pa naman sa Pilipinas ngayong 2017, 'di ba?"

Natawa siya ng mahina. "Of course. Hindi na yata mawawala ang Mcdo sa'tin."

Halatang nakahinga ito ng maluwag. "Thank God for Mcdo." Na-glue na naman ang mga mata nito sa TV nang magsimula nang kumanta ng original song si Vincent. "Bye, Jeremy. Ingat."

Tumango lang si Jeremy, saka niya maingat na sinara ang pinto. Alam niyang wala ng sense na magpaalam pa kay Gia verbally dahil nakatuon na ang buong atensiyon nito kay Vincent– kahit pa nasa TV lang ang lalaki.

She doesn't really remember me the way I wish she does.

It sucks, but what could he do?

Wala namang may alam kung pa'no napunta sa future ang teenager na si Gia. Hindi rin kasalanan ng batang version nito kung hindi nito alam ang tunay na sitwasyon ngayon. She came from 2007 so naturally, she had no idea of what happened for the past ten years.

Bumuga na lang siya ng hangin at lumabas na ng ancestral house. Ayaw niyang iwan si Gia pero kailangan talaga niyang umalis para i-"brief" ang mga kaibigan nito sa kakaibang pangyayari na 'yon. Pagsakay pa lang niya ng kotse, tiningnan na niya ang "work" phone niya (iniwan niya ang personal phone niya kay Gia dahil mas nagamay na 'yon ng babae). Ang dami niyang missed call at mga text mula sa magkakaibang tao.

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon