18th Chapter

1.6K 87 5
                                    

IPINATONG ni Gia ang mga kamay sa dibdib niya nang bumilis at lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba. Huminto rin siya sa paglalakad dahilan para mapahinto rin si Jeremy para humarap sa kanya. "Sigurado ka bang dito ako nakalibing?" Tumingin siya sa paligid at puro naglalakihang mausoleo ang nakikita niya. Malayo iyon sa parte ng sementeryo kung saan may hilera ng mga "normal" na puntod. "Hindi afford ng parents ko ang magpatayo ng mausoleo para sa'kin."

"Sasabihin ko sa'yo ang lahat ng alam ko pagdating natin sa mausoleo mo," sabi nito habang hawak ang bouquet ng yellow roses na dala nito. Binili nito iyon sa nadaanan nilang flower shop kanina. "Naalala ko 'yong nangyari ten years ago pagkatapos nating mag-usap kaninang madaling-araw. Pero dahil hindi naman ako part ng squad niyo, hindi accurate ang mga information ko. Only your friends knew what really happened after your accident."

Nag-aalangan man, tumango rin siya at sumunod sa lalaki nang magsimula na itong maglakad uli.

Tahimik na siya at hindi na nagtanong habang kinakalma ang sarili. Siya naman ang may ideya na puntahan ang puntod niya kaya kailangan niya 'yong panindigan. Isa pa, iniisip kasi niya na mas madaling mag-si-sink in sa kanya ang realidad kung makikita niya mismo na wala na siya sa mundo.

Huminto si Jeremy sa harap ng mausoleo na may navy blue gate. Napansin niyang seryoso at puno ng simpatya ang mukha ng lalaki nang humarap sa kanya. "This is your haven, Gia."

Nag-aalangan man si Gia, kusa namang naglakad ang mga paa niya palapit sa "haven" niya. Sa totoo lang, ang daming blurred thoughts sa isipan niya na dahilan siguro ng naririnig niyang imaginary buzz. Nawala lang ang mga iyon nang namalayan niyang nakahawak na siya sa malamig na bakal na naghihiwalay sa kanya at sa puntod niya. Pero sapat na ang distansiya niya para makita kung ano ang nasa loob. Wala naman kasing susi si Jeremy para makapasok sila sa mausoleo.

Mausoleo ko.

Mahirap nang itanggi 'yon dahil nakikita niya ang nakasabit na picture frame sa dingding sa itaas ng pahaba at sementadong nitso. Nakasulat din ang pangalan, at ang kakaibang araw ng pagkabuhay at kamatayan niya sa lapidang kulay abo. Nasabi niyang "kakaiba" dahil hindi nakasulat ang buwan at araw ng mga iyon sa normal na paraan.

Gia S. Tolentino

New Year of 1992-Christmas Eve of 2007

Meron pang nakasulat sa ibaba niyon na hindi na niya mabasa dahil maliit na ang mga letra.

"'Yong birthday at araw ng kamatayan ko, nangyari ng may espesyal na okasyon," nangingiti pero maluha-luha niyang komento. Pero mabilis ding nawala ang ngiti niya nang may maalala siya. "Wait. Kung naaksidente ako no'ng gabi ng Christmas party ng 3-1, bakit Christmas Eve ako... nawala?"

"You were comatosed for ten days," paliwanag ni Jeremy sa maingat na boses. "Naging malala ang head injury mo kaya napunta ka sa gano'ng estado pero hindi ka sinukuan ng pamilya at mga kaibigan mo at ang lahat ng nagmamahal sa'yo– trust me, ang dami namin. Pero no'ng Christmas Eve, bumigay na ang katawan mo."

Ngumiti siya ng mapait. "Sinalubong ng pamilya ko ang New Year nang ipanganak ako. Pagkatapos, Christmas Eve naman nang iwan ko sila. Pati ang pag-exit ko sa mundo, sinabay ko sa engrandeng okasyon." Nilingon niya si Jeremy nang may naalala siya. "Pa'no nga pala nabayaran ng parents ko ang mga gastusin habang comatosed ako?"

"A lot of people helped your family, Gia," sagot ng lalaki, bahagyang nakataas ang sulok ng mga labi. "Ang kapatid ko ang class president ng klase niyo that time kaya alam ko 'yong ginawa niyang panghihingi ng donation hindi lang sa 3-1– siya at ang class officers niyo, lalo na ang squad mo– eh naglibot sa buong school para manghingi ng financial help. Marami ang tumulong at malaki rin ang nakuhang donasyon mula sa schoolmates natin noon pero hindi 'yon naging enough. Ang mga magulang mo, lumapit sila sa munisipyo para humingi ng financial aid. Sa tulong ng school publication natin at pag-pe-pray over ng buong Stella Academy para sa recovery mo, nakuha mo ang atensiyon ng local government officials ng Bulacan lalo't politiko ang parents ng iba nating schoolmates. Sinagot ng gobyerno ang gastusin sa ospital. Balita ko, hindi rin nagpabayad ang mommy ni Aron na isa sa mga doktor mo no'ng time na 'yon. Nagtulong-tulong din ang mga pamilya ng mga kaibigan mo sa mga gastusin sa bahay niyo dahil hindi na nakapagtrabaho ang mga magulang mo sa pagbabantay sa'yo sa ospital. Sa pagkakaalam ko, ang mommy naman ni Wendy na isang teacher ang pansamantalang nag-alaga sa kapatid mong si Gio." Nawala ang ngiti nito at saglit huminto bago nagpatuloy. "If it's any consolation, nahuli at nakulong naman ang driver ng kotseng nakabangga sa'yo."

Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon