"YOUR PARENTS will kill me for sure. Alam kong binigyan nila tayo ng permission, pero ramdam kong hindi sila masaya. Baka iniisip na nilang bad influence ako sa 'yo."
Nagi-guilty rin naman si Gia.
She knew her parents felt so sorry for her that they couldn't say 'no' to her selfish 'birthday wishes,' like going to a bar with a male friend.
Pumayag man ang kanyang mga magulang kanina, nakita pa rin ni Gia ang pag-aalala sa mga mata ng mga ito, pero hindi niya iyon pinansin. Alam niyang nagiging selfish at dyina-justify na lang niya iyon sa pamamagitan ng pagpapaalala sa sarili na ngayon niya lang mararanasan ang lahat ng iyon.
I'm sorry, Mama, Papa, and Gio. Promise, babawi ako sa inyo.
"Paano mo 'ko naipasok dito sa bar kahit minor ako?" pag-iiba na lang niya ng usapan.
"My friend owns this bar. Ah, don't worry because he's a friend from college. Hindi ka niya makikilala," sagot ni Jeremy na nanlulumo sa tabi niya habang nakaupo sila sa pulang couch na hugis-L. May oval-shaped table pa sa loob ng cubicle nila kung saan may nakapatong na apat na bote ng beer at plato ng spicy buffalo wings at classic fried chicken. May iba pang ganoong klaseng space sa kabuuan ng private lounge na iyon. "Hindi ko alam kung tama ang life decision ko na dalhin ka rito para uminom ng alak."
"Ikaw naman ang unang nag-mention ng pag-inom ng alak," katwiran niya habang inililibot ang tingin sa paligid. Gaya ng kanyang inaasahan, madilim nga sa bar at maraming makukulay na laser lights sa loob. Maingay rin dahil sa malakas na music at tawanan o kuwentuhan ng gaya nilang mga guest. "Saka isipin mo na lang na totoong nineteen years old na 'ko para hindi ka ma-guilty. Matagal ko nang gustong tumikim ng beer since 'yan ang madalas inumin ni Papa noon kapag may okasyon." Kinuha niya ang isang bote ng beer, saka nilingon si Jeremy na nakayuko habang nakapatong ang mga braso sa mga binti. "Jeremy, puwede ko na ba 'tong tikman?"
Umayos ng upo ang lalaki at sumandal sa backrest ng sofa habang nakahalukipkip, saka siya tiningnan. "Sige, tikman mo na. Pero beer ba talaga ang gusto mong alak? Meron namang mas pambabaeng alak gaya ng vodka—"
"Anong pambabaeng alak?" kunot-noong kontra naman niya. "Kailan pa nagkaro'n ng gender ang alcoholic drinks? Masyado nang maraming bagay na nilalagyan ng gender sa society natin kaya 'wag na nating idagdag ang alak, okay?"
Halatang napahiya ito sa sinabi, pero nang makabawi, ngumisi naman na parang naaliw sa kanya. "Sorry, my bad. Go ahead and enjoy your beer, Adult Gia."
Natawa siya nang mahina habang napapailing. Pagkatapos, bumaba ang tingin niya sa hawak na bote ng beer. Amoy pa lang niyon, mapakla na. Pero dahil ginusto niya iyon, pinanindigan na niya. Pumikit siya, saka tinungga ang bote ng beer.
"Hey, easy," marahang saway ni Jeremy. "Hindi 'yan tubig."
Alam naman iyon ni Gia kaya kaunti lang ang ininom niya. Napangiwi agad siya sa pakla matapos gumuhit ang init ng alak sa kanyang lalamunan. "Wow, ang intense."
Natawa ang lalaki at marahang ginulo ang kanyang buhok. "Happy 19th birthday, Gia. Masaya ka na bang nakatikim ng beer dito sa bar?"
Ngumiti si Gia at tumango. Binitiwan niya ang hawak na bote, saka kumuha ng fried chicken gamit ang kamay. Kumagat muna siya sa malutong na balat bago nagsalita. "Oo, okay na 'ko. Hindi ko nagustuhan ang lasa. Hindi nag-upgrade ang taste bud ko sa fake adulthood ko, eh."
"I'll get you a mango shake."
"Meron bang mango shake dito?"
Nagkibit-balikat si Jeremy. "You like mango, right? I know the bar tender here. I'll ask him to make you a mango shake. Be a good girl and wait for me here, okay?"
BINABASA MO ANG
Night Sky
RomanceAno'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...