December 18, 2017 (4:56 PM)
"ANAK, mag-share muna kayo ni Gio ng kuwarto. Pasensiya ka na, dalawa lang kasi ang kuwarto sa bahay natin dito. Umuuwi lang naman kami dito kapag December kaya hindi na kami kumuha ng mas malaking matitirhan. Kung gusto mo, puwede rin naman kayong matulog ni Gio sa tabi namin ng papa n'yo, gaya noon kapag nagkakatakutan tayo sa bahay."
Natawa nang mahina si Gia dahil sa mga sinabi ng mama niya. Naalala nga niyang kapag napuputulan sila ng kuryente noon, kinukuwentuhan sila ng ghost stories ng papa nila kaya sila naman ni Gio, naiiyak sa takot. Pero hayun siya ngayon, naging 'multo' na. Hindi na lang niya iyon sinabi dahil siguradong malulungkot ang mama niya. "Okay lang, Mama. Hindi na-mention ni Jeremy na may bahay pa rin pala tayo dito sa Bulacan." Sa maliit na subdivision na iyon nakatayo ang bahay at hindi sa dati nilang barangay. "Nakakatuwa, ang dami n'yo nang properties."
Tumikhim nang malakas ang papa niya na katatapos lang palitan ang bed sheet ng kama. Pagkatapos, hinarap siya ng ama at binigyan ng istriktong tingin. "Gia, anak, gusto ko si Jeremy dahil mabait na bata 'yon. Pero hindi pa rin ako masaya na tumira ka sa bahay niya nang kayong dalawa lang. Hindi naman sa wala akong tiwala sa inyo. Nag-aalala lang ako."
Napangiti si Gia dahil kahit istrikto ang boses ng ama, ramdam naman niya ang concern nito. Masaya rin siyang makita na mukhang maayos naman ang kalagayan ng papa niya. Hindi rin masyadong nagbago ang hitsura nito maliban na lang siguro sa pangangatawan. Noon, maskulado ito. Pero ngayon, medyo malaki na ang katawan at bilog na bilog din ang tiyan. "Papa, wala naman kaming ginawang masama ni Jeremy kaya 'wag ka nang mag-worry. Saka kasama naman namin si Maj sa bahay, eh. And Jeremy has taken good care of me from the very beginning."
Dumaan ang relief sa mukha ng kanyang ama, saka ngumiti at marahang tumango.
"O siya, Gil, hayaan na nating magpahinga ang panganay natin," malambing na sabi ng mama ni Gia na nakakapit na sa braso ng papa niya. "Tulungan mo 'kong magluto ng dinner dahil marami akong iluluto ngayon para kay Gia." Nakangiting humarap sa kanya ang ina. "Anak, magpahinga ka muna at mag-shower muna. Iluluto ko ang lahat ng paborito mong putahe na alam kong na-miss mo."
Nakangiting tumango si Gia, excited na matikman uli ang luto ng mama niya. "I can't wait."
Nagkatingnan ang kanyang mga magulang, saka sabay na lumapit para yakapin siya. Halatang nagiging emosyonal uli ang mama at papa niya, pero mukhang nakontrol naman ang mga sarili, kaya siguro nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
Naging malungkot ang ngiti ni Gia habang nakatingin sa nakasaradong pinto. Alam naman niyang talagang masaya at excited ang mama at papa niya na makasama uli siya, pero aware siyangmalungkotdin ang mga ito dahil temporary lang ang kanyang pagbabalik. Pero nakikita niyang hindi lang ipinapakita ng mga ito sa kanya ang pagiging emosyonal para siguro hindi siya mag-alala. Gaya nga ng sinabi ng kanyang ama at ina kanina, hindi na mahalaga kung paano siya napunta sa panahong iyon. Susulitin nila ang maikling oras na ibinigay sa kanya.
May narinig siyang katok sa pinto kasunod ang boses ni Gio. "Ate, can I come in?"
Marahang tinapik-tapik ni Gia ang mga pisngi, saka ngumiti kahit hindi pa pumapasok ang kapatid. Kailangan niyang 'ayusin' ang mukha dahil ayaw niya ring nag-aalala ang mga mahal niya sa buhay kapag nalulungkot siya. "Come in, Gio."
Mayamaya lang, bumukas ang pinto at pumasok sa kuwarto ang kapatid niyang may bitbit na dalawang extra pillows. Hindi niya napigilang titigan at pansinin ang malaking pagbabago sa physical appearance nito. Sampung taon na ang dumaan kaya siyempre, na-amaze siya sa nakikita.
Kung naging lalaki siya, siguradong ganoon ang magiging mukha niya. Para nga siyang nagsuot lang ng maikling wig. Ang kaibahan lang siguro, naging dark na ang complexion ni Gio kaysa sa kanyang naaalala. Dahil ba iyon sa nabanggit ni Jeremy na nagba-basketball ang kapatid niya?
BINABASA MO ANG
Night Sky
RomanceAno'ng gagawin mo kung napunta ka sa future at nalaman mong ang boyfriend mo sa time na pinanggalingan mo eh boyfriend na ngayon ng best friend mo? Honestly, akala ng fifteen-year-old Gia eh 'yon na ang pinaka-bad news na matatanggap niya nang mapun...